C H A P T E R 24

990 42 1
                                    

Kliyente

JDK

"AHHH!" Biglang nagwala si Ma'am Margarette. Walang pakundangan niyang pinagtatapon ang mga gamit na na nakapatong sa table niya.

Nagkatinginan kami ni Benjo saglit at mabilis din naman naming niyuko ang mga ulo namin. Kapag kasi titingin kami kay Ma'am Margarette ay paniguradong sasabihan niya na naman kami ng "Oh anong tini-tingin-tingin niyo mga inutil?" Kaya ang nangyari, yumuko na lang kami ni Benjo.

"Oh? Anong niyu-yuko-yuko niyong mga inutil kayo?"

Bwesit.

Napatingin paharap ni Benjo. Nagulat kami ng biglang tumayo si Ma'am Margarette mula sa pagkakaupo niya sa table niya. Makalipas ang ilang segundo ay lumapit siya sa amin ng naka-cross arms at inikutan kami.

"You know JDK and Benjo, kagabi ko pa kayo napapansing dalawa eh. Habang iyong iba kong alipin kagabi ay abalang-abala sa paghahanap taong sa pumasok sa office ko, kayong dalawa, usap lang ng usap sa isang sulok. Hindi kaya..."

Biglang tumigil si Ma'am Margarette sa likod namin. Bigla lumabas 'yung mga pawis namin ni Benjo at maya-maya pa ay inalala namin ang nangyari kagabi...

"JDK! Ano bang nangyari? Bakit biglang nagkagulo?" Gabi na noon nang magkatagpo kami ni Benjo sa kagubatan dahil sa utos ni Ma'am Margarette na magsagawa ng Operation: Hanapin at Paslangin ang Demonyong Pumasok sa Kanyang Opisina.

Siyempre, in-explain ko kay Benjo ang nangyari. Pabulong lang iyong pagkakasabi ko kay Benjo kasi nasa unahan lang namin si Ma'am Margarette at nakabantay lang sa aming mga kilos.

"Saan na ngayon si Cheesy?" tanong ni Benjo.

"Iyon nga ang hindi ko alam eh. Basta't ang alam ko, hinabol siya ni Ma'am Margarette sa corridor pero sabi ni Ma'am Marga, wala na raw siyang natagpuan."

"Teka, nagugulumihan ako. Paanong wala siyang natagpuan? Hindi kaya pumasok siya sa black room? E 'di ba sa corridor din 'yun?"

Nanginig ako sa sinabi ni Benjo. Hindi matanggap ng isipan ko ang ideyang binigay niya sa'kin kaya sinampal ko siya sa braso niya. "Ano ba, Benjo! 'Wag ka ngang ganyan! Tandaan mong tayo ang nagdala kay Cheesy dito. Konsensya natin kapag may nangyaring masama sa kanya!"

Ang sinasabing black room ni Benjo na nasa corridor ay ang mimsong room kung saan may shortcut doon sa underground ng mansion. Kung saan sa underground ng mansion ay naroroon ang mga malalaking ahas na alaga ni Ma'am Margarette na pinapakain niya ng mga buhay na aso at pusa, at minsan ng mga pashnea niyang alipin.

"Hoy! Hoy! Hoy! Kayong dalawang mga inutil? Anong ginagawa ninyo diyan? Maghanap kayo sa kagubatan! Mga tamad!"

Nagkatinginan lang kami ni Benjo at muli nang naghanap. Para kaming mga tanga rito sa pinaggagawa naming paghahanap sa kagubatan. Para kaming naghahanap ng nawawalang thumb tacks.

Nabalik ako present time mula sa pagfa-flashback....

"HINDI KAYA, wala naman talagang pumasok dito sa mansion at..." hinawakan ni Ma'am Margarette ang lace ng ID's namin ni Benjo. Muli siyang tumingin sa amin at nagsalita, "at kayo lang dalawa ang gumulo sa office ko at nagnakaw ng pictures nung si Cheesy Demoiselle at ng mga kapatid niya?"

"O baka naman," tinalikuran niya kami. "May pinapasok kayo rito na siyang nagdala ng gulo sa opisina ko at nagnakaw ng mga litrato?!" sigaw niya.

Bigla siyang natawa ala demonyita nang muli siyang makaupo sa upuan niya.

"Oh well," inayos niya ang gumulong buhok sa may gilid ng tainga niya. "Kahit hindi ko pa nalalaman ang totoong nangyari, I will just wait for the right time at lalabas at lalabas din naman ang totoo. At isa pa," inayos niya ang mga papel na nagkalat sa mesa niya. "Kapag nalaman kong may kinalaman kayong dalawa sa nangyari sa opisina ko ay malalagot kayo sa'kin." Tumawa siya. "You know me JDK and Benjo. Matagal na kayo sa puder ng kompanya namin ng asawa kong si Henry. You both know how terror I am sa mga taong tina-traydor ako."

Chasing the WindWhere stories live. Discover now