C H A P T E R 4

1.8K 57 2
                                    

Bye Sir!

* * *

"HAILSTORM," anito habang karga-karga niya ako na naging dahilan ng pag-init ng mukha ko.

Habang naiilang ako ay nakatitig lang siya sa madilim na kalangatinan na nagbabagsak ng malalaking tipak ng niyebe.

Nakakatulala ang mga nakikita namin gayon. Hindi pangkaraniwang umuulan ng tipak ng yelo sa Pilipinas. Ngayon lang 'to nangyayari sa lugar namin.

"Diyos ko po!" Napasigaw ako nang biglang may bumagsak na yelo sa harap namin na kakorte ng isang scientific calculator.

"Huwag kang gagalaw," ani ni Niko at maya-maya pa'y mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin habang karga-karga ako.

Maya-maya pa ay ibinaba niya ako at muling niyakap.

Iyong pagkakayakap niya sa akin ay 'yung tipong nakalapat ang likod ko sa chest niya kaya na kahit sobrang lamig e naiinitan ako dahil sa paglapat ng likod ko sa katawan niya tapos... 'yung bulge sa zipper niya e nararamdaman ko rin. 'Yung abs niyang dumadampi aa likod ko, matigas at mainit. Ramdam ko. Ramdam na ramdam.

Relax Cheesy, relax. Huwag na huwag kang mangingisay! bulong ko sa sarili ko. Marami na akong na-encounter na guwapong lalaki pero sa totoo, sa kaniya lang ako nagkakaganito.

Nakapulupot din ang kamay niya sa dibdib ko. Pakiramdam ko nga, naipit na 'yung hinaharap ko.

"Hailstorm. Nangyayari lang ang hailstorm kapag may thunderstorm," aniya.

"Ganun ba?" ani ko, naramdaman kong muli ang pamumula sa pisngi. Gumalaw kasi 'yung ano niyang nakalapat sa may puwetan ko.

Hindi ko mawari kung ano ang dapat kung maradamaman. Matatakot ba ako dahil sa mga bumabagsak na malalaking yelo o kikiligin ba ako dahil yakap-yakap ako niya ako.

Oo, natandaan ko nang siya pala iyong crush ko siya simula noong nag-transfer ang five fingers sa Wilson University. Iba kasi ang buhok niya kaya hindi ko agad siya namukhaan kagabi.

Oo may paghanga ako sa kaniya pero mas lalo akong humanga sa kanya sa puntong ito. Nagawa niya akong buhatin para hindi ako mabagsakan ng mga tipak ng yelo tsala isalba niya rin ako sa holdupper kanina. Hindi lahat ng lalaki kayang gawin iyon! Napaka-rare na lang makakita ng ganitong lalaki.

Maya-maya pa ay bigla siyang natawa matapos niyang silipin ang mukha ko. Ang guwapo niyang tumawa! Nakakakiliti sa tainga at hindi nakakainsulto.

"Ba't ka namumula?" tanong niya na medyo ikinainis ko. Ang unfair. Nakikita niya ako pero ako, hindi ko siya magawang lingunin kasi kapag lumingon ako, sasagi 'yung mukha ko sa chest niya.

"Pero alam mo Balutgirl, parang namumukhaan kita."

Dumaloy ang matinding kaba sa spinal column ko! Hindi! Hindi maaring mamukhaan niya ako! Kailangan ko ng umalis.

"Ahh sir, puwede po bang huwag niyo na akong yakapin?"

Niyugyog ko 'yung katawan ko para tumakas sa mahigpit niyang yakap pero ang nangyari, mas lalo pang sumikip ang pagyakap niya.

"Pamilyar ka talaga eh. Bukod sa nagkita tayo sa locker room kanina, saan pa ba kita nakita?"

"Sir classmate tayo kaya madalas tayong magkita."

"Oo, alam kong classmate kita pero parang nakita na kita sa---" bago niya pa ako maalala, mabilis na akong gumawa ng eksena.

"그 경우에!" (geu gyeong-ue!) (Ano ba!)
"제발 날 풀어 줘!" (jebal nal pul-eo jwo.) (Bitawan mo ako!) sigaw ko.

Chasing the WindDonde viven las historias. Descúbrelo ahora