C H A P T E R 19

987 45 1
                                    

Nagsaktan, Naglasing

CHEESY
"NAG-TRANSFER siya ng nightshift. Alas dos ng hapon 'yung uwi natin at alas sais naman ng gabi ang pasok ni Niko kaya hindi talaga kayo magkakasalubong. Iyon ang sabi ni Heaven sa'kin. Ano ba kasing pinag-awayan ninyo? 'Yun bang daddy niya, aba pisti pala 'yun eh, ano pakainin natin ng ta.e ha? Ano?"

Hindi ko na pinatulan ang mga salita ni Fear.

Mula sa punong santol nilalambitinan ko ngayon, nakatingin lang ako sa Wilson University na pinapalibutan ng mga kapatagan at sa 'di kalayuan ay mga bundok.

Malayo-layo rin itong puno ng santol sa Wilson University pero kapag nandito ka sa pinakataas ng puno, buong-buo mong makikita ang university namin.

Parang kami ni Niko. Ako 'yung puno ng santol at si Niko naman ang Wilson University.

Kailangan ko pang umakyat ng mataas para makita ko siya.

* * *

NIKO

"Did you tell Cheesy already?" Tanong ni Heaven kay Fear habang naguusap sila sa telepono.

"Ano sabi mo? Bakit mo ba ako sinisigawan?" Nag-away sila sa telepono at natawa na lang ako. Nakisuyo kasi ako kay Heaven na sabihin kay Cheesy na nag-night shift ako.

"Hiks!" Tumawa pa ulit ako sabay lagay ng alak sa baso ko. "Tagay!"

"Niko, tama na 'yan." Kinuha ni Babyro/Si Heaven 'yung bote ng alak ko. "Ako bumili nito shungaks ka ba? Ba't mo kukunin?" Pinagtingan kami ng mga tao ngayon dito sa bar pero wala akong pake. Malungkot na malungkot ako ngayon. Kailangan ko maging masaya.

"Akin na sabi Babybro, suntukin kita eh." Inagaw ko ulit 'yung bote kay Heaven pero hindi ko alam kung naaabot ko ba 'yung kamay niya kasi hilong-hilo na talaga ako.

Bigla akong natigilan nang tumugtog iyong 'If You're Not the One by Daniel Bedingfeild sa buong bar. Natulala ako at muling naupo sa counter. Bakit ang sakit-sakit nung kanta?

"Damn! Anong klaseng mga kaibigan kayo Kei, Darryle? Lasing na lasing si Niko ngayon, and my Dad is telling me to get home. For God's sake? Alas diyes na ng gabi. Tulungan niyo ako rito kay Niko."

Kinuha ko 'yung cellphone ni Sis Heaven at ibinato ko sa sahig. "Ang ingay mo sis. Ssh!" Mukhang susuntukin niya na ako sa galit kaya tinawan ko lang siya.

"Hi pogi?" May lumapit sa'kin.

Akala niya laladiin ko siya pabalik pero, "Chaka ng hair mo." Lumayo siya nang dahil sa sinabi ko.

"Cheesy miss na kita," bigla akong naiyak. Lasing na ba talaga ako?

"Ugok, ba't ka kasi naglasing? Iyak ka pang iyak. Tara na! Uwi na tayo Niko!"

"Yoko! Umalis ka kung gusto mo!" Tinulak ko si Babybro Heaven at umiyak ulit ako rito sa counter.

"Sir? Kailangan niyo po ba ng tulong? Mukhang lasing na lasing na 'yung kasma niyo ah."

"Ahh, wag na. Babayarin ko na rin lang 'yung mga damages namin dito ng doble kapag na-antok na tong kaibigan ko."

"Cheesy-yah!!" Sinigaw ko 'yung pangalan niya habang umiiyak. Ginaya ko 'yung korean actor na tinawag 'yung leading lady nila habang umiiyak na may "ah" or "yah" sa huli ng pangalan.

"Cheesy-ah!!" Mas lalo akong naiyak. Ang sakit. 'Di ko maipaliwanag ang nararamdan ko ngayon.

"Niko, tang.na. Huwag mong ibato 'yung mga bote, tungaks ka talaga!"

"Mahal na mahal ko 'yung babaeng 'yun bro. Mahal na mahal ko 'yun eh. Cheesy ah!"

"Oo, alam ko at tumahimik ka na."

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon