C H A P T E R 23

1K 48 5
                                    

Possessive

CHEESY
HINDI ko na alam kung anong nangyari sa'kin pagkatapos ng komprontasyon namin ni Niko si kuwarto niya. Ang huling natandaan kong eksena ay noong sa wakas ay nakalabas na ang mama niya sa kuwarto. Dahil na rin siguro sa pinaghalong matinding kaba at takot, biglang dumilim ang paningin ko at nahimatay nga ako.

"'Yun nga ang pinagtataka ko mga sis eh. Ang kung paano siyang nakapasok sa amin ang kinagulat ko. Eh sa penal colony pa nga siguradong mamatay na kung sino ang dumaan dun dahil pagala-gala lang 'yung mga preso, pano pa kapag nakapasok siya sa mansion na pinamumugaran ng mga guards ni Mama."

"Iba talaga ang mag-bestfriend na si Cheesy at Fear bro. Weird silang mga babae."

Unti-unti ko ng naririnig ang boses ni Niko matapos ang mahabang pagkakahimbing ko. Pakiwari ko'y may kausap siya at marami sila dito sa kuwarto niya. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko at noong nagawa ko nga iyon ay nagkagulo sila.

"She's waking up!"

"Niko, lapitan mo, tungaks."

Unang bumungad sa paningin ko ang mukha ni Niko na sobrang lapit lang sa'kin at maya-maya pa ay may nakita pa akong mga pamilyar na mukha. Si Kei, si Darryle, si Heaven at si Edison.

Bigla akong namula.

Jusko, nakapalibot sa'kin ang mga napaka-hot na mga nilalang ng WU.

Sinubukan kong bumangon dahil sa labis na pagkailang sa presensya nila kaso biglang sumakit ang ulo ko.

"Aray!" pagdaing ko. Masakit talaga ang ulo ko. Sa isipan at hinuha ko'y dulot ito ng mga napakaraming detalye na ibinigay sa'kin ni Ate JDK kaninang---teka! Anong oras na ba!

"Okay ka lang?" tanong ni Niko sa'kin. "Hindi kasi kita nasalo noong bumagsak. Hindi mo naman kasi sinabi na mahihimatay ka na pala."

Biglang binatukan ni Darryle si Niko dahil sa sinabi nito sa'kin.

Hindi na ako nagsalita bagkus ay tinignan ko na lang ang relo ni Edison na nasa wrist niya. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita kong numero.

11:54 PM.

Mabilis akong napabangon sabay tulak sa limang lalaking nakapaligid sa akin. Sa lakas ng pagtulak ko'y napunta sila lahat sa sahig. Narinig ko pa ang pagdaing nila.

"Cheesy!" Mabilis na tumayo si Niko sabay takbo palapit sa may pinto kung saan ay naroroon ako at palalabas na.

"Cheesy, ano ba, tama na!" Sinara niya ulit ang pinto. "Balak mo bang magpakamatay?" Nagngangalit ang mga mata ni Niko na nakatingin lang sa mga mata ko. Nakahawak din ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Kailangan ako ng mga kapatid ko," iyon lang naisagot ko sa kanya. Nanginginig ang boses ko nang sinabi ko iyon sa kanya. Namumuo rin ang mga luhang nagtatangkang tumakas mula sa mga mata ko. "Si May-May, marunong siyang magluto ng hapunan pero madali siyang mainis sa mga kapatid namin. Si Jen-Jen, kailangan pa naming punasan ang mga kapatid namin bago matulog. Kailangan ko pang labhan 'yung mga uniform nila para may magamit sila bukas. Kailangan ko pang----"

Hindi na ako nakapagsalita nang biglang inilapit ni Niko ang mukha niya sa mukha ko at sa isang iglap ay nagulantang na lang ako nang nadatnan kong naglapat na pala ang mga labi namin. Biglang nabura sa isipan ko ang ideyang nakatingin sa amin ang mga kaibigan ni Niko. Naging dahilan rin ang paghalik niyang iyon sa akin upang tuluyang kumawala ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumakas mula sa mga mata ko.

Nang natapos ang ilang segundong paglapat ng mga labi namin ay nakita kong kumurap si Niko ng limang beses, tila nagulat sa ginawa niya sa'kin. Ngayo'y siya na ang hindi makatingin sa'kin.

Chasing the WindHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin