C H A P T E R 49

1K 43 6
                                    

Leaving it with Erasures

CHEESY

"YOU'VE done a great job today trainees. Please come early tomorrow because we will be having our first demo flight together with the real passengers, real plane and real pilots!"

Tili ng tili iyong mga babaeng trainees hindi dahil makakalipad na kami sa wakas kung hindi dahil may nasagap silang impormasyon na may isasama  na uwapong pilot trainee sa first demo flight namub.

19-21 year's old iyong mga kasamahan kong babae kaya expected na ganun ang magiging reaksyon nila. Kung nasa ganoong edad din lang siguro ako, paniniguradong mangingisay din ako sa kilig.

Oo na-eexcite din ako pero hindi dahil may poging pilot trainee kundi sa wakas ay isang hakbang na lang talaga at matutupad ko na iyong pangarap ko.

Konting-konti na lang talaga!

Iyong demo flight na lang kasi ang kailangan kong ipasa. At kapag maganda ng rating ko roon, ay matutupad ko na for sure ang pangarap ko.

Noong pinalabas na kami, dali-dali akong nagpunta sa mga simbahan na nandito sa Seoul para magdasal na sana hindi ko makaligtaan iyong mga spills, precautionary measures at pati 'yung mga dance steps namin! Oo may dance performance kami sa loob ng eroplano. Requirement daw kasing may intermission kami sa first demo flight namin.

Nang masuyod ko na ang mga simbahan, kumain ako at nagpakabusog.

Nang dumating naman ang gabi ay umuwi na ako sa bahay at nadatanan ko na namang nagaaway si Jun Ah at Margaux dahil sa hindi nalutong sinaing.

Nang nainis na ako sa kanila ay pareho ko silang sinigawan. "ANO NA! HINDI BA KAYO TITIGIL SA PAGAAWAY? KADA UUWI AKO RITO, NAGAAWAY NA LANG KAYO PALAGI. ANO? MAG-UMPUKAN NA LANG KA'YO!"

"Unnie, si Jun Ah kasi, ang laki-laki na hindi pa rin magluto ng kanin."

"Ate hindi ah! Sinunod ko lang naman iyong sinabi ni Margaux na kapag kumulo na, luto na 'yun!"

"Unnie, oo sinabi ko dahil sa inis! Pero may utak naman si Jun Ah 'di ba? Dapat ginamit niya 'yung utak niya? Sinong tanga ang papatayin ang rice cooker kahit kakakulo pa lang ng sinaing?"

"Ate tignan mo oh! Ako pa ang naging tanga!"

"Unnie--"

"Ate---"

"ANO BA TAMA NA KASI PAREHO KAYONG MGA TANGA! MGA PISTI!"

Natulala sila dahil sa sinabi ko. Hindi nila akalaing kaya ko pa lang magmura sa harapan nila.

Nang kumalma na ako ay una kong pinalapit si Margaux sa akin.

"Lapit ka."

"Unnie..."

"'Di kita sasaktan, sige na, lapit na."

"Pero..."

"Margaux, lapit na... kung ayaw mong sakalin kita."

"Opo."

Nang nasa harap ko na siya ay nagsalita ulit ako.

"Bilang payong ate dahil parang kapatid na rin kita. Puwede bang huwag na kayong mag-away ni Jun Ah?"

"Eh kasi Unnie---"

"Shh! Ako muna! Okay?"

"Okay."

"So 'yun nga Margaux, sana eh huwag na kayong mag-away ni Jun Ah kasi kada nagaaway kayo, naapektuhan 'yong baby niyo sa loob mo. Alam kong maraming kakulangan si Jun Ah pero subukan mong intindihin siya kasi sa bandang huli, wala ng ibang magkakaintidihan kundi kayong dalawa."

Chasing the WindWhere stories live. Discover now