C H A P T E R 12

1K 46 2
                                    

Jun-Jun

CHEESY

"Takbo!" Hinila ko si Niko ng pagkabilis-bilis. Hindi ko alam pero 'di ba dapat matakot ako kasi hinahabol kami nung mga guard ng mga kasama ng papa niya? Pero iba ang nararamdaman ko ngayon.

Masaya ako.

Kasi... kasama ko siya.

Hindi dahil pagod ako pero napahinto ako kasi biglang kumabog ang puso ko ng pagkalakas-lakas. Bagamat huminto ako ay hindi ko iyon hinayaan na maging dahilan upang maka-distract sa pagtakbo niya.

Nakita kong pagod na pagod na siya at hingal na hingal na rin dahil na rin. Siguro dahil sa mga pasa niya.

Pero ako, parang normal pa rin ang paghinga ko. Pakiramdam ko nga naglalakad lang ako.

Lumingon ako sa likuran ko, nagkandapa-dapa na 'yung mga humabol sa'min.

"Pagod ka na?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at grabe na rin 'yung pawis niya. Hingal na hingal na rin siya. Napahinto siya sa pagtakbo at napaupo na lang sa kalsada. "Hindi ko na kaya."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayaw kong magkatagpo ang mga tingin namin at baka mailang lang ako. Madali kasi akong mamula at ayaw kong makita niyang mamula ako nang dahil sa kanya.

"Cheesy....."

Nanlaki ang mga mata ko kasi parang may bumagsak sa likuran ko.

At paglingon ko nga, nakita kong natumba si Niko sa daan. Nakita kong papalapit na rin 'yung mga humahabol sa'min kaya mabilis akong umupo patalikod sa gilid ni Niko, kinuha ko 'yung parehong kamay niya at isinaklay ko siya sa likod. Noong sa tansiya ko ay hindi na siya malalaglag sa likod ko ay mabilis akong tumayo at tumakbo habang karga-karga siya.

Akala ko mahihirapan ako sa pag-alsa sa kanya pero hindi naman pala.

Sanay na akong mag-alsa ng mga mabibigat na bagay kagaya ng isang sakong bigas, isang sakong semyento o isang sakong talaba sa talipapa kapag nagsa-sideline ako kaya hindi na ako nahirapan sa kanya.

Kung 'yung sako-sakong bigas, semyento o talaba, pinagtiyagaan kong buhatin, 'yung crush ko pa kaya?

* * *

JDK

"Ma'am, sorry hindi namin nahabol," sabi ko kay Ma'am Marga dito sa loob ng Dean's office. Imbyernang-imbyerna ako kasi pagkarating namin, umiinum lang siya ng juice habang kami ni Benjo---'yung personal driver ni Sir Henry pati na 'yung mga guards ng Wilson University e halos mamatay na sa sobrang pagod. Gulong-gulong na 'yung buhok namin pati na ang mga suot namin. 'Yung kabibili ko lang na 8 inches heels, naging doll shoes bigla dahil sa layo ng tinakbo namin. Tapos itong si Marga-demonyita, nasa loob lang Dean's office, nagpapa-aircon lang? Ano 'to? Pistihan lang?

"Ano!?" Tumayo siya sa kinauupuan niya. Umalog 'yung su.so niya. Nag-bouce ng apat na beses.

"Oh mg gosh wait, 'di ko gets." Inilagay niya 'yung juice niya sa table na nasa harap namin tsaka siya humarap sa'min.

"Eh 'di ba hinabol niyo?" pinanlisikan kami ng mga mata. "Hindi naman kayo gumapang right?"

Dahil sa sinabi niya, palihim akong nanginig sa inis.

"Ma'am, sobrang bilis tumakbo nung babae. Parang kabayo," hinihingal pang sabi ni Benjo.

"Kabayo? Eh kung ipakasal kita sa kabayo at utusan kitang anakan siya, inutil!"

Nakita kong tinignan ako ni Benjo. Pudpud 'yung ngipin niya dahil gigil na gigil na siya kay Ma'am Marga.

"Oh ikaw JDK? Anong ganap?" tanong niya.

Kung maari ko lang talaga siyang sakalin, matagal ko na siyang sinakal. Anong ganap mukha niya, 'di niya alam ang pinagdaanan namin.

"Ma'am nakatakas sila," sagot ko. Kahit kailan 'di ako magso-sorry, kapal niya.

Nilapitan niya ako at inikutan, "JD, JD," bulong niya sa tainga ko. Naramdaman kong nag-crack 'yung mga ngipin ko dahil sa sobrang pagkagigil. Maya-maya pa, sinampal niya ako tsaka siya tumawa na parang demonyo.

"MGA INUTIL!" sigaw niya. Biglang yumanig 'yung buong kuwarto.

"Kapag hindi niyo nahanap si Santinielle, tutuhugin ko 'yang mga mata niyo mga inutil kayo!"

"Mommy, amoy ta.e ka," utal ni Margaux na nasa gilid niya.

* * *

CHEESY
"Ate, ba't andami niyang pasa?" tanong ni Jen-Jen habang pinupunasan ko si Niko kasi amoy ta.e pa rin ng kaonti.

"Nasaan na ba si Maymay?" tanong ko kay Jen-Jen bago ko sagutin 'yung tanong niya.

"Nasa talipapa, nag-aalsa sa ng mga talaba at tahong, mamaya may dalang ulam 'yun ate."

"Sige, nakakahiya naman, papakainin natin siya ng tahong at talaba. Masangsang 'yun, 'di bagay sa kanya," nag-alala kong sabi kay JenJen. Alam ko kasing mayaman sila kaya puro mamahaling karne 'yung inuulam nila.

"Ate, kailan ka pa naging curious sa pinapakain natin sa mga bisita natin? Kung anong ulam natin, uulalim niya. Tsaka kung ayaw niya ng talaba, may mga groceries naman diyan na binigay niya noong isang araw, 'yun na lang ang ipakain natin sa kanya."

Hindi ko na sinagot si Jen-Jen. Noong umalis siya, paikot-ikot lang ako sa labas kama'ng hinihigaan ni Niko. Kinabahan ako bigla noong naalala ko iyong ginawa ko sa Dad niya.

"Tama lang 'yung ginawa mo sa kanya Cheesy, bagay lang 'yun sa kanya." Inalis ko na sa isipan ko iyong nangyari at maya-maya pa ay nakita ko ng nagising si Niko kaya agad ko siyang nilapitan.

"Mommy," bigla siyang nagsalita tapos parang may kinakapa siya. Akala ko gising na, tulog pa rin pala.

"Niko, si Cheesy 'to," utal ko. Maya-maya pa, hinawakan niya ang braso ko sabay hila rito.

"Aahh!" Napasigaw ako at napapikit. Maya-maya pa ay natagpuan ko na lang iyong katawan kong nakapatong sa kanya habang naka-lock iyong arms niya sa likuran ko.

Siyempre, nataranta ko. Pinipilit kong kumawala kaso ang awkward lang kasi dumidikit 'yung hita ko sa belt niya. Eh may umbok sa part na iyon. Pakiramdam ko tuloy, binabakunahan 'yung hita ko.

"Niko, bitaw!" sabi ko habang nagpupumiglas pa rin. Para akong batang ayaw magpa-inject ng bakuna.

Habang nagpupumiglas ako, hindi ako tumitingin sa mukha niya kasi baka mamula lang ako. May something kasi sa mukha niya na nagiging dahilan upang maging fertile ako. Mamula-mula kasi ang mukha niya. Pinkish kung baga. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Manipis ang mga labi. At 'yung panga niya, jusko pang leading man sa K-Drama tapos 'yung adams apple pa.

"Niko, bitaw sabi," sabi ko pero wala pa ring nangyayari. Ganoon pa rin ang pwesto namin. Nakapatong ako sa kanya.

Maya-maya pa, biglang kumalabog 'yung pinto. Napalingon ako at nakita ko 'yung bunso naming lalaki na sipunin. Si Junjun.

"HALA SI ATE, MAY KA-JERJER!!" sigaw nito na abot kabilang kanto.

* * *

Chasing the WindWhere stories live. Discover now