C H A P T E R 44

806 42 4
                                    

Bouncing Heart

The quicker you decide, the quicker you'll execute your plan. The longer you you dealy your plan, the longer it takes to achieve or will not achieve at all. Lalamunin ka kasi ng takot habang dinidelay mo ang gusto mong gawin, kaya ang nangyayari, hindi mo nagagawa ang mga gusto mong gawin. The feeling feels like you're just chasing the wind.

Isa 'to sa mga natutunan ko sa buhay ko. Minsan ko nang naranasan na i-delay ang mga plano ko sa buhay ko. At hanggang ngayon, ang mga planong iyon ay nanatili pa ring plano.

*  *  *

"EDISON?" Iyon ang pinakaunang lumabas sa bukana ng bibig ko nang makita ko ang lalaking iyon. Isang matanggkad, may pagka-moreno, naka-leather jacket ng itim at may suot ding itim na cup.

I snapped nang nginitian niya ako. Hindi nga ako nagkakamali. Isang daang porsiyentong si Edison nga ang nasa harapan ko.

*  *  *
"AHH. Ganun ba? Iyon lang ang katangi-tanging komento ni Edison nang isina-mmarize ko ang naging buhay namin Niko loob dito sa Korea sa loob ng ilang years naming hindi pagpaparamdam sa mga naiwan naming mga kaibigan sa Pilipinas.

Nakangiti lang siya noong sinasalaysay ko ang lahat. Hindi siya nagtanong at puro pagtango na sinasabayan ng ngiti ang tanging sinusukli niya sa mga sinasabi ko.

Sa nakikita ko habang kini-kuwento ko sa kanya ang lahat, pakiramdan ko'y nakikinig lang siya ng isang boring na kuwento sa wattpad. Pero bakit nga naman siya maaapektuhan 'di ba? Walang rason para magbigay siya ng kakarampot ng emosyon sa mga kinuwento ko sa kanya, maliban na lang sa rason na kaibigan niya si Niko at sa rason na... minsan na niya akong tinulungan.

Nang bumalot ang katahimikan sa aming dalawa ay humigop ako ng kapeng sa isip ko'y hindi ko kayang ubusin kasi, mas mahal pa ang kapeng ito sa tatlong araw na pinagsama-samang sahod ko sa Travel Agency.

"Ako, okay naman. I'm here to find some new investments." Nakahinga ako nang magsalita siya. Mabuti na lang at hindi niya itinanong kung may nabuo sa bagay na ginawa namin 12 years ago kasi maiilang talaga ako. Pero bakit ba ako maiilang? Eh sa wala naman talagang nabuo sa ginawa namin dati ni Edison. I was protected by that time.

Naiilang lang talaga akong makita siya. He seemed so successful with his life. Well dati pa naman talaga, he's so damn successful. Habang kami ni Niko, hindi namin alam kung saan kami papunta. We're like chasing the wind.

"Kumusta kayo ni Charnel Fate?" Iyon na lang ang katangi-tanging naitanong ko. Si Charnel Fate, siya iyong naging girlfriend ni Edison sa Wilson University na late na naming nalamang lahat.

"Okay naman. Right now, may  lang kami ni CF kaya hindi kami magkasama."

Tatanungin ko sana kung kumusta sina Fear sa Pinas pati na ibang miyembro ng Five Fingers, pero baka magmukha lang akong tanga dahil alam ko na naman ang sagot.

Niko and I were secretly stalking our friends social media accounts by our dummy accounts. Dummy account ang ginagamit namin at hindi totoong account dahil sa simpleng dahilan: para i-stalk ang status ng buhay ng mga kaibigan naming iniwan sa Pilipinas

Parehong malalaki ang pride namin ni Niko at nasasaktan ang ego namin kapag nakikita ang mga kaibigan naming nagtagumpay sa buhay, habang kami, para kaming mga tangang hindi alam kung saan papunta. Para naming hinahabol ang hangin.

"And actually, CF and I are still not married," dagdag nasagot ni Edison na sinamahan niya ng isang ngisi na naging dahilan upang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Para kasing may iba siyang meaning sa sagot niya. It seems like he's telling me that he is still free, na malaya pa siyang makipaglaro sa ibang babae.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now