C H A P T E R 20

1.1K 42 1
                                    

Sumama

JDK
"Psst. JDK?"

Mula sa pagkain ng cookies dito sa pantry ng buong Memento Vivere Corporation Building Corporation ay bigla akong napatingin sa harap ko. Nakita ko si Trisha na secretary ni Sir Henry na may dalang tray.

"Tabi tayo ah?" Nakangisi siya ng sinabi niya iyon sa akin.

"Ha?" Wala na rin ako nagawa kasi umupo na siya sa harapan ko. Ang weird-weird ni Trisha ngayon kasi ang laki ng ngiti niya sa'kin. Usually kasi sinisimangutan niya ako kasi nga malaki ang galit niya sa'kin.

Kasi nga naman, kahit hindi ako ang secretary ni Sir Henry ay ako palagi ang gumagawa ng mga trabaho ni Trisha kagaya ng pagsama nito sa mga appointments, pag-ayos ng schedules at kung anu-ano pa. Tapos itong secretary niya, eh halos walang magawa sa opisina ni Sir Henry kundi mag-photocopy ng kung anu-anong mga documents. BUONG ARAW.

"Kumusta ang finance department?"

Natigilan ako sa tanong niya. Very unusual 'yung tanong niya. Ano ang pake niya sa finance department kung ang trabaho niya lang ay magphotocopy? "Okay naman. Humihinga pa rin 'yung mga tao dun."

"Talaga?" Mataas ang boses niya. "That's a good news!" Mas lalong tumaas ang boses niya.

Dahil na-weiduhan na talaga ako sa kanya ay pinagtaasan ko siya ng boses, "Hoy buricat!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Palibhasa 'di niya alam kung ano ang buricat. Bisaya 'yun.

"Ano na namang problema mo? Iinisin mo na naman ako ha? Ano? Iimbyernahin mo na naman ako? Alam mo Trish, sobrang stress ako ngayong araw na'to kaya 'wag ka ng dumagdag kasi baka mabaklas ko pa 'yang mukha mo."

"Ay galit?" sabi niya. Tutusukin ko na sana siya ng tinidor pero hindi ko siya nagawa nang bigla siyang nagsalita. "Magpaalam ka na sa finance department JDK kasi nandito lang naman ako para iparating sa'yo 'to."

May iniabot siya sa aking white envelope.

Binuksan ko ang envelope na iyon at kinuha ko ang A4 size na papel na nakasuk-sok doon.

Tinignan ko si Trish ng masama bago ko basahin iyong papel.

Nang muli kong ituon ang paningin ko sa papel ay ginapangan ako ng matinding kaba.

Jusko, sa office ng CEO galing! May signature ni Sir Henry.

Binasa ko ang sulat at nang matapos ako, "Teka? Sigurado ka bang hindi mo gawa-gawa 'to?" tanong ko kay Trish.

"Bye-bye JDK! Mag-impake ka ng gamit mo. Good luck sa bago mong boss na si Ma'am Margarette." Umalis siya sabay flip ng buhok niyang pulgasin at madaming lisa.

"Pwe!" May nakain aking pulgas. Buricat talaga.

NOONG bumalik ako sa office ng finance department ay halos mangiyak-ngiyak ako noong nag-impake ako ng mga gamit. Effective kasi 'yung letter sa araw na ito kaya ngayon na talaga ang alis ko.

Mami-miss ko iyong mga kasama ko dito pati na rin ang buong building. Pa'no ba naman kasi, in-order kasi ni Sir Henry na maglipat ako ng department. Sa Vice President na ako ma-assign ngayon which is si Ma'am Margarette ang boss ko kung saan ang office niya ay dalawa. Dito sa loob ng Memento Vivere Corporation Bldg. at doon sa mansion nila.

Marami akong kakilalang staff niya halos magsuicide na dati dahil sa magandang ugali nitong si Ma'am Margarrete. Kung 'yung mga nagdaan staff nga niya e pinahirapan, paano pa kaya ako na may atraso sa kanya?

Kung hindi lang talaga ako scholar ng pamilya nila dati, matagal na akong nag-resign! Gigil 'yung gilagid ko!

Pero okay na rin 'yun, may malalim na atraso sa akin si Ma'am Margarette na dapat niyang pagbayaran.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now