C H A P T E R 39

940 46 2
                                    

Don't Make Me Worry

Siguro, ganoon nga ang buhay.

Para itong pagsusulit kung saan bawal kang magbura.

Na sa bawat bura mo, palaging may points na makakaltas, may mga taong umaalis at nawawala.

Maraming choices pero wala naman itong silbi dahil sa kada apat na pagpipilian, isa lang doon ang sakto at tama.

At kadalasan aa atin, hindi natin napipili iyong tama.

Kaya kadalasan sa atin, nagbubura.

At sa bawat pagbura, may mga taong nawawala.

AFTER 12 YEARS...

"I said, I want an airplane ticket for a seven pm flight for South Carolina, is it too hard to comprehend? I've been repeating this for how many times and it seems like you can't understand it! And it is just---it is just so shitty of you, 'yah know that?"

Noong bata pa ako, pinangrap kong maging flight attendant.

Feeling ko kasi noon na kapag naging flight attendant ang isang babae, mas lalong lumalabas iyong totoong ganda niya.

May make-up, may disenteng uniform, makinis ang balat, ganoon ko sila nakikita noong bata pa ako.

Hindi pa kasama iyong prebilihiyong makakapunta ang isang flight attendant sa kahit saan-saang lugar.

Hindi ko alam kung bakit naiisip ko pa rin ito kahit ngayong 29 year's old na ako kung saan masyado nang late para mangarap pero naiinis talaga ako sa sarili kada naiisip kong hindi ko maabot-abot ang pangarap na iyon.

Ang pakiramdam?

Hindi lang basta inis, pero parang nasusuka ako sa sarili ko.

I have all the capabilities para maging flight attendant pero walang nangyari.

Siguro, kung ipinanganak lang akong mayaman, sana flight attendant na ako ngayon.

Pero hindi eh, pinanganak akong mas mahirap pa sa mahirap.

Nasasaktan ako kapag naiisip ko ang reyalidad na iyon; na mahirap lang ako, kaya nga siguro gumawa ako ng mga maling paraan para malunasan ang malalang sakit na iyon.

Financial Management ang kinuha kong course noong college ako dahil nasa isip kong yayaman ako sa kursong iyon.

Ganito kasi ang nasa isip ko dati; Magiging mayaman muna ako bago ako maging flight attendedant. Useless din naman kasing magfa-flight attendant ako ako tapos lahat ng suweldo ko e mapupunta lang sa tuition ng mga kapatid ko.

Para akong tanga kapag ganoon nga ang nangyari. Oo, naging flight attendant nga ako pero butas naman ang tiyan ko. Hindi naman sa ayaw kong tulungan ko ang mga kapatid ko pero sa mga panahong iyon, ang pagpafa-flight attendedant ay hindi masyadong praktikal para sa katulad kong sobrang mahirap.

Kaya noon, nasa isip kong dapat yumaman muna ako bago ko tuparin ang pangarap kong maging flight attendant.

I guess, that's how it should work.

Aminin man natin o hindi, our dreams requires a great price. Libreng mangarap, pero hindi libre ang bigas, ang pamasahe at ang mga kakainin mo habang tinutupad ang pangarap mo.

Tsaka sinabi din ng Professor naming si Sir J dati sa Finance na sa mundo ng pera, dalawa lang talaga ang klase ng tao; ang mahirap at ang mayaman. Kapag mahirap ka tapos nakapagtapos ka at maghahanap ng trabaho, huhusgahan sa kung ano ang kaya mong gawin, sa kung ano ang kulay ng balat mo, sa kung ano ang kasarian mo, sa kung ano ang kapasidad ng utak mo. Pero kapag mayaman ka, walan huhusga sa kung anong kapangitan ang meron ka. Kapag empleyado(mahirap) ka, huhusgahan ka muna ng boss(mayaman) bago ka niya papasukin sa trabahong gusto mo.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now