C H A P T E R 22

883 39 1
                                    

Almost Caught

NIKO

"I don't want to run away but I can't take it, I don't understand If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?" Pakanta-kanta lang ako habang nakahiga ako sa california king size bed ko. Sa sobrang lakas ng volume ng headset ko ay hindi ko na marinig ang ingay ng aircon ko dito sa kuwarto ko.

Kakagising ko lang at sobrang sakit talaga ng ulo ko. Alam kong nalasing ako kagabi pero hindi ko alam kung totoo ba 'yung dumating si Cheesy sa tapat ng Detergent Bar at binuhat niya ako. Iyon ang hindi klaro sa'kin. Hindi ko alam kung panag-inip ba iyon o reyalidad.

Nakahiga pa rin ako sa kama. Wala akong saplot sa katawan maliban sa boxers kong itim. Napatingin ako sa salamin sa may ceiling. Nakita ko ang sarili ko.

Hindi ko alam kung bakit pero kahit hindi ako nag-e-exercise ay maganda ang built ng katawan ko. Tipong pang-kama?

May baby abs rin ako na sakto lang sa edad ko.

Ay iyong alaga ko down there, hinawakan ko.

"Hmm." Iyon lang ang nasabi ko.

Tinanggal ko iyon mula sa boxers ko at chi-neckyp ko sa salamin.

"Mukhang humaba. Shet naman oh."

Habang nilalaro ko ang sarili ko at nakikinig ng music na may pagkalakas-lakas na volume e bigla akong na-destruct nang parang may nag-vibrate sa pintuan ko.

Akala ko lumilindol pero hindi naman pala.

Ayaw ko na sanang pansinin 'yung pinyo kaso paulit-ulit 'yung pag-vibrate kaya nilapitan ko na habang nakasuot pa rin 'yung headset sa tainga ko.

"Uy, ano 'yun!" gulantang kong sabi sa sarili ko nang maramdaman kong para bang may sumuntok sa pintuan.

Kumuha ako ng walis na nasa gilid lang.

Noong nawala 'yung pagsuntok, bumalik ako sa kama ko.

"Hayys. Mga pusa talaga."

Pinikit ko iyong mga mata ko para matulog ulit kaso pagdikit ng ulo ko sa kama ay biglang natanggal ang headset ko.

"Niko!! Niko!!! Tulong!!" May nahagilap ang akong boses pero 'di ko masyadong narinig kaya binalik ko ulit 'yung headset ko nang akmang natapos ang kanta kaya wala na akong naring. Maya-maya pa...

"Niko-yah!! Tulong!"

Bigla akong napaupo sa kama ko. Sinampal-sampal ko iyong mukha ko kasi baka lasing pa ako pero hindi. Shet. Paanong naririnig ko 'yung boses niya?

"Niko-yahh!"

Dali-dali akong lumapit sa pintuan at nang buksan ko, nagulat ako sa nakita ko.

Si Cheesy, nasa harapan ko.

Nakapang-maid na uniporme.

At first, nagkatitigan lang kami.

Pero maya-maya pa, napansing kong may luha pala sa mga mata niya.

Itinuon ko ang paningin ko sa likuran niya at unang nakita ng paningin ko ang ulo ng riffle ng Mama ko na palabas sa isang kuwarto kaya mabilis ko siyang hinila papasok at agad ko rin namang isinara ang pinto.

Walang nagsalita sa'min hanggang sa bigla na lang siyang umiyak sa harapan ko kaya wala akong nagawa kundi yakapin siya.

"Ang tanga ko talaga. Sorry."

"Shh." Iyon lang iyong sabi ko para mapatahan siya. Ramdam ko ang kaba dahil sa pangangatog ng katawan niya. Shet. Ano ba kasing ginagawa niya dito at bakit naka uniform siya ng pang-maid?

"Shet. Cheesy! Paano bang nakapasok ka dito? Alam mo bang delikado dito? At bakit ganyang ang suot mo?"

"Dahil dito." May ipinakita siyang pictures na hindi ko naman natitigan ng matagal kasi biglang may kumatok sa pinto ng room ko.

"N-niko?"

Si Mama! Paktay na!

"Santinielle? Mama mo ito. May kausap ka ba riyan? Papasok na ako baby. Sana naman may suot kang breif, baka magulat na naman ako at tutukan mo na naman ng baril mo 'yung mommy mo. May papatayin lang ako anak."

"Magtago ka!" Nasigawan ko siya dahil sa kabang naramdaman ko.

"Saan?"

Natauhan ako sa tanong niya. Tama! Walang masyadong pwedeng pagtaguan dito sa kuwarto ko kasi hindi kagaya ng ibang kuwarto sa mansion, hindi ito gaanong malawak. Tama lang.

Naisip kong papapasukin ko na lang sana siya sa banyo kaso...

"Santinielle, papasok na ako."

"Hi ma?" Bati ko sa mama ko na may dalang baril.

Nasa likod siya ni Cheesy ngayon. Tinignan ko si Cheesy at putlang-putla na siya. Shet. Paabo ko lulusutan 'to?

"At bakit may alila sa kuwarto mo?"

Mas lalo pang lumapit si Mama pero nasa likod pa rin siya ni Cheesy. Bali nasa gitna na namin ni Mama ngayon si Cheesy.

"Ahh, ipapalinis ko lang sana 'to sa kanyang kuwarto ko. Nasukahan ko kasi 'yung kama ko kaya ganun ma." Pinilit kong tumawa.

"Ang swerte naman ng alalay na ito at nakita ang katawan mo anak, patayin ko kaya? Hahahahaha!" Itinuon ni Mama ang dulo ng baril niya sa likod ni Cheesy.

Nataranta ako. "Ma, 'wag!'

"Hahaha. I'm just joking anak. You know naman, 'di ako pumapatay ng cheap na nilalang kagaya ng alilang ito na nasa harapan ko. Sayang 'yung bala, mas mahal ba sa buhay niya Hahahaha. Oh pa'no baby Santinielle? Alis na ako ah! Pag may gumagalang weird na tao na mukhang nanggugulo ng opisina ay tawagin mo lang ako ha nang mapahirapan ko?"

Makakahinga na sana ako noong lumabas na si Mama kaso bigla siyang bumalik. "Oh by the way, nandun 'yung mga kaibigan mong Five Fingers sa foyer anak. Kasama ko silang dumating dito at gusto ka nilang kamustahin."

"Yes ma. Just tell them na papuntahin na lang dito sa kuwarto ko."

"Yes anak."

Noong umalis na talaga ng tuluyan si Mama ay biglang nanghina si Cheesy at maya-maya pa ay bigla siyang bumagsak sa katawan ko.

"Cheesy!"

* * *

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon