C H A P T E R 40

918 43 5
                                    

Like brothers, like sisters.

Siguro may mga point talaga sa buhay natin na pakiramdam natin eh nakakatanga na iyong mga pinaggagagawa natin. Tipong ginawa mo naman ang lahat pero wala pa ring nangyayari? Pero kahit ganoon ang ganap, hindi pa rin tayo sumusuko kahit na----minsan eh nakakapagod na talaga.

* * *
CHEESY

INABOT ng sampung minuto ang paghihintay ko bago may dumating na bus. Iyong sampung minuto iyong, inaalan ko siya sa pagpa-flash back ng mga nangyari sa buhay ko for the past twelve years. Kung magkakaroon ng MMK adaptation ko, siguro hindi kakayanin ang isang one hour running time. At kung may title man akong gustong i-title sa adaptation, ang gusto kong title ay: PAMBURA.

"Baby, aigou! Aiegou!"

Habang nakaupo rito sa may tapat ng window ng bus, napatingin ako sa gilid nang may nakita akong nanay na inaaliw iyong nasa 8 month old pa niyang baby. Aaminin ko, nasasaktan ako kapag nakakakita ako ng baby na inaaliw ng nanay. Parang nadudurog iyong puso ko. Naalala ko kasi si Zarah.

Nang huminto ang bus sa tapat ng kanto ng subdivision ay mabilis akong bumaba. Noong nakababa ko ay tinanaw ko ulit iyong baby na inaaliw ng nanay niya

Napabuntong hininga ako ng malakas.
"Zarah, miss ka na ni Mama," malungkot na sabi ko.

Maya-maya pa ay may nag-text sa'kin

Nang tignan ko kung sino at kung ano ang ti-next niya ay napairap na lang ako.

NIKO PILOT: Nakauwi ka na?

NIKO PILOT: HOY!

ME: HOY KA RIN! PAKE MO BA KUNG NAKA-UWI NA AKO?

Tinago ko na iyong cellphone ko sa loob ng bag ko.

Ano bang pakialam niya kung nakauwi na ba ako o hindi?

Nagsimula na akong maglakad papasok sa subdivision. Sa lahat ng subdivision na nandito sa Seoul, ito na yata ang pinakamurang puwedeng ma-avail ng sweldo ko.

Minsan, nate-tempt din akong humingi sa mga kapatid kong may magaganda ng trabaho sa Pinas pero bilang ate, mataas ang pride ko.

Ayaw kong manghingi sa kanila.

At kahit sila ang mag-abot, hindi ko tatanggapin.

"Jun ah?" sigaw ko nang makapasok ako sa unit ko. Kasama ko rito ang 17 year old kong kapatid na lalaki. Iyong pinakabunso sa'min. Sa lahat ng kapatid ko, siya na lang ang hindi nakapagtapos.

Bukod sa makalat na tao ang bunso kong kapatid, ang isa pa sa pinakainiinisan ko sa kanya ay pagiging lapitin niya sa mga babae.

May itsura kasi ang loko dala ng Koreano iyong tatay niya at meztiza naman iyong aning-aning naming Nanay.

Wala yatang buwan na walang babaeng kakatok sa pinto ng unit namin at magtatanong kung nasaaan si Jun Jun o dito sa Korea ay Jun Ah ang tawag sa kanya. Sarap kurutin ng mga 'di pantay nilang dede eh! Nakakainis! 12, 13, 14, 15 years old pa lang, lumalandi na.

Kada may naghahanap kay Jun Jun na babae, palagi ko sila dinidiscourage ng mga katagang "Guwapo lang 'yung kapatid ko pero wala 'yong utak okay? Hindi kayo mabubuhay sa guwapo, maghanap kayo ng mayaman!"

Tapos sasagutin naman ako ng "Eh unnie, mahal namin si Jun Ah eh!"

"Ahh ganun!" sagot ko at sasabuyan ko ng kumukulong tubig iyong anes nila para mawala ang kati.

IT 'yung kinuha ni Jun Ah, two years iyon at unang year pa lang niya ngayon kasi kakatapos niya lang ng senior high.

Napakabatugan niyang kapatid, jusko. Kapag nasa bahay siya, ayaw niyang maglinis pero trip niya ang magkalat. Kahit breif niya ako pa rin ang naglalaba.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now