C H A P T E R 43

752 37 4
                                    

All Black

CHEESY
"Saan ka pupunta ngayon?" tanong ni Niko habang kumakain kami ng buy one take one na kamote bilang lunch namin.

"Mag-aaply siguro ako ng ibang trabaho?" tanong ko at pinagmasdan ko siya habang nagbabayad sa mamang binilhan namin ng kamote.

"Ayaw mo na dun sa travel agency?"

"Sa tingin mo, tatanggapin pa ako dun pagkatapos ng nangyari kahapon?"

"Ba't 'di mo subukang puntahan?"

"Haish, kilala ko si Ma'am Yngrid. Magkamali ka lang isa, na kahit hindi mo naman talaga kasalana, eh sibak ka na agad. Tsaka, may naipon na rin naman rin ako kahit papano. Siguro---" magsasalita pa sana ako kaso bigla akong na-distract nang tumunog ang cellphone ko.

Noreen: Hinahanap ka ni Ma'am Yngrid. Ba't 'di ka raw pumasok ngayong umaga? 'Pag 'di ka raw pumunta rito, siya na raw mismo ang mati-take over sa'yo sa pulis. REPLY, ASAP.

"Ano ba? Huwag ka nga sumilip, ka lalake mong tao, chismoso ka!" sigaw ko kay Niko na agad naman akong sinungitan.

"Oh ano raw?" tanong niya.

"Pambihira, pinapabalik ako sa Travel Angency! O siya, balik ka na rin sa trabaho! Bye! Text-text na lang!" Tinalikuran ko na si Niko. Malapit lang din naman dito 'yung mall kaya naisipan kong maglakad na lang.

Hindi ko na nilingon si Niko tutal malaki na naman siya at kaya na niyang bumalik magisa sa trabaho niya. Kampante akong nakaalis na siya pero maya-maya pa...

"Sakay na..."

Nanlaki ang mga ko nang makita ko siya sa loob ng taxi.

"Oh? Ba't andito ka pa?" gulat na tanong ko. "At tsaka, ba't ka naka-taxi, mahal 'yan, bumaba ka nga diyan!"

Natawa siya. "Eh 'di ba ikaw na rin ang nagsabi na pera ko 'to kaya ako na ang bahala rito? Kaya eto, nagtaxi ako. Kaya sakay na!"

"Oo sinabi ko 'yun pero hindi ko naman sinabing waldasin mo. Pambihira! Maglalakad lang ako!" pag-iinsist ko. Gusto kong sumakay pero nagtitipid talaga ako.

"Cheesy Ah. Maari kang magaksaya ng pera huwag kang mag-aksaya ng panahon. Ang layo-layo pa ng mall oh! Isang oras ang mawawala sa'yo kapag nagpumilit kang maglakad papunta ron! Tsaka, ako na ang magbabayad, libre ko," nakangisi niyang sabi.

Inirapan ko lang siya nang pumasok ako sa taxi. Nakaramdam ako ng matinding ginaw nang maramdaman ko ang lamig ng aircon sa loob.

Nawala naman 'yung pagmo-moment ko sa paglanghap ng lamig ng air con nang bigla akong pinagtawanan ni Niko.

Nang makarating kami sa mall ay akala kong ako lang ang bababa pero laking gulat ko nang bumaba rin siya.

"Oh? Ba't ka bumaba?" tanong ko.

"Anong oh? Sasamahan kitang mag-explain sa nangyari kahapon!"

"Niko-yah!" Pipigilan ko pa sana siya kaso nauna na siyang maglakad. Nang makarating kami sa booth, magiliw siyang inentertain ni Ma'am Yngrid. Halatang nagpapa-cute din si Ma'am Yngrid habang kinakausap siya Niko.

"Ikaw naman, okay lang 'yung nangyari kay Cheesy kahapon. May mga turista talagang sira ulo kaya ganun."

Napairap na lang ako habang pinapakinggan 'yung pag-uusap nila sa sofa na nasa likuran ko lang.

Makalipas ang isang oras, umalis na si Niko.

Nang maiwan ako ay balik naman ang pagsusungit ni Madam Yngrid sa'kin pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Yes sir! Welcome to Korea! How may I help you?" sabi ko habang hinahanap ko iyong mga fill-up forms sa ilalim ng desk ko kaya hindi ko masyadong nabigyan ng pansin iyong costumer na dumating pero alam kong sir siya dahil sa pabango niyang naamoy ko.

Nang mahanap ko na ang fill-up forms ay ibinalik ko na ang atensiyon ko sa costumer na dumating.

Naka-all black iyong lalaking nasa harap ko.

Poker face lang pero maya-maya pa ay nginitian ako.

Hindi ko siya nakilala noong una pero nang unti-unti ko siyang mamukhaan ay bigla kong naitakip ang kamay ko sa bibig ko.

Tumawa iyong lalaki ng mahinhin.

"Gulat ka yata ah?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko matapos ko siyang makita dito sa harap ng booth namin.

"Edison?" At iyon lang ang katangi-tanging pangalan na lumabas sa bibig ko.

* * *

Chasing the WindWhere stories live. Discover now