C H A P T E R 45

902 42 1
                                    

Should We Part Ways?

CHEESY

"Ang saya!" ani Niko habang naglalakad kami.

"Ang suwerte noong babae. Ganoon nagpropose sa kanya iyong lalaki. Samantalang ako, noong nabuntis ako ng isang Niko Satto at kinailangan niya akong pakasalan, nagpropose nga siya sa akin pero parang bad-trip siya noong ginawan niya sa'kin 'yun kasi tinapon niya 'yung ring sa basurahan at kailangan ko pang hanapin, ang sweet niya no?" Parang nagfi-fliptop kong sabi.

Tumigil siya sa paglalakad. "Cheesy-yah, gusto mo bang magpropose ako sa'yo ulit?"

"Nahihibang ka na ba!" sigaw ko sabay sapak ng bag ko sa well toned na braso niya.

"Sa sinabi mo kasi parang nagpaparinig ka," inosente niyang sabi kaya sinapak ko ulit siya. Baliw talaga.

Hinintay namin iyong 6:30 PM na palabas sa TV kaya naglakad-lakad muna kami sa sidelines ng mga establishments. Panay 'yung pagtunog ng tiyan ko, hatalang gutom na pero nagtitipid talaga ako kaya dumaldal na lang ako.

Maya-maya pa... "Nagkita kami ni Edison."

Biglang nahinto si Niko sa paglalakad nang sabihin ko iyon. Napatingin siya akin at napansin kong nawala iyong ngiti niyang kanina dala ng pangiinis sa'kin.

"Anong sabi niya?" malamig na tanong niya. Nakahinto pa rin kami mula sa paglalakad.

"Sabi niya sa'kin single pa raw siya," sagot ko na naging dahilan upang maikuyom ni Niko iyong kamao niya kaya natawa na lang ako.

"Alam mo, parang kang tanga!" natatawang sabi ko sa kanya. "Siyempre, walang ibang ibig sabihin 'yun maliban sa..."

"Maliban sa?" mabilis niyang pagsabat.

Napangisi ako. "Tignan mo 'to! Kanina ako 'yung ayaw mong pasabatin habang nagsasalita ka tapos ngayon na ako na ang nagsasalita, ikaw naman ang sumasabat. Hay naku." Nag-cross arms ako.

"Sorna," aniya at napairap na lang ako.

"So 'yun nga, walang ibang meaning iyong sinabi niya maliban sa hindi pa sila kinakasal ni Charnel Fate. 'Yun lang."

"Yun lang?" tanong niya.

"Ahh," may naalala ako bigla. "Sabi niya ikumusta raw kita kita sa kanya."

Huminga ng malalim si Niko at nagsimula ng maglakad ulit.

Sinundan ko naman siya.

Marami sana akong gustong sabihin sa kanya patungkol sa naramdaman ko noong dumating ng biglaan si Edison kanina. Na napressure ako sa pagdating niya and at the same time e naiinsecure din ako sa buhay ng mga kaibigan namin sa Pilipinas.

Gusto kong i-share iyong sentimiyento ko kaso alam kong masasaktan ang pride ni Niko. Kilalang kila ko na si Niko. Kagayang-kagayang ko siya. Minsan nga para akong nanalamin kapag nakikita ko siya. Pareho lang naman kasing malalaki ang pride sa katawan.

"Aray!" nahinto ako nang bumangga ako sa chest ni Niko. Nang napatingin ako sa paligid ay nadatnan ko ang sarili kong nasa tapat na pala kami ng barbeque house.

Napalunok ako ng laway nang malangghap ko ang amoy ng iniihigaw na barbeque kaso nga, nagtitipid ako.

"Uy teka!" Nagulatang na lang ako nang biglang hilain ni Niko iyong hinila niya ako papaaok ng barbeque house.

"Uy ano ba!" Pwersahan niya akong pina-indian seat at maya-maya pa ay nagpunta siya sa counter at pagbalik niya sa table namin ay may dala-dala na siyang isang case ng soju at mga iihawing nakatuhog na barbeque.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now