C H A P T E R 42

831 38 1
                                    

Cheery Blossoms

Kung may natutunan ako sa loob ng twelve years na nagdaan sa buhay ko, iyon na siguro ang pagdeadma ko sa mga taong kahit anong kabaitan ang ipakita mo sa kanila, huhusgahan ka pa rin nila base sa nakaraan mo----ng hindi man lang inaalam ang buong kuwento mo. Huhusgahan ka nila base sa kung ano lang ang gusto nilang ihusga sa'yo kahit pa ang alam lang nila ay ang kalahati ng totoo.

* * *
CHEESY

Kinabukasan, agad na nagpadala si Niko ng pera. Nagulantang na lang ako nang tinext niya akong i-redeem na raw iyong hinulog niyang pera.

ME: May allowance ka pa ba? Pa'no ka? May kakainin ka pa ba?

Habang nagluluto ng agahan, naghintay ako ng reply sa kanya pero wala akong natanggap. Naluto na lang 'yung instant noodles, ni ha ni ho, wala akong natanggap na sagot sa kanya.

Nanggigil bigla ang bagang ko nang makita kong sa wakas ay bumangon na ang palakang kapatid ni Niko nang nagpunta ito sa kusina. Mas lalong nanggigil ang bagang ko nang bigla niya akong tanungin.

"Unnie? Nasaan si Jun Ah?"

"Aish!" Kamuntikan ko na siyang mabato ng mangkok na may kumukulong instant noodles pero napigilan ko naman ang sarili ko at baka maging serial killer pa ako.

"Puwede ba Margaux? Nabuntis ka na nga, landi pa rin ang hinahanap mo? Si Jun Ah? Ayun! Pumunta sa swkela, kaya ikaw? Magbihis ka na rin, kumain ka na, at pumunta ka na sa school niyo."

"Arasseo." Pagod siyang umupo sa table, akmang kakainin na sana niya iyong niluto ko nang bigla siyang nahinto nang sigawan ko siya.

"Yah! Magluto ka ng iyo!" sigaw ko at inagaw ko iyong bowl sa kanya. "Hindi porke't buntis ka, gagawin kitang poon dito sa bahay. Hindi mo ako katulong at wala tayong taga-silbi kaya umayos ka!"

"Unnie."

Biglang kumibot iyong labi niya at maya-maya pa ay umiyak.

Naalala ko bigla ang sarili ko sa kanya noong nabuntis ako ni Niko. Hindi ko alam kung maainis ba ako o maawa sa kanya.

"Bubukabukaka ka, hindi mo naman pala kayang panindigan," bulong ko sa ere na mas lalong nagpangawa sa kanya.

* * *

CHEESY

I have to move on.

Ang nangyari kahapon ay natapos na.

Wala na akong magagawa kung ano man ang nangyari kahapon kaya magfo-focus na lang ako sa mismong oras na ito. I'm gonna live by each seconds that I have. Masyado ng aksaya sa panahon kung paulit-ulit ko pang iisipin ang nangyari kahapon.

Hindi ko rin naman matatanggal iyong sperm cell ni JunJun sa bukana ng palakang iyon. Wala na, tapos na. Paniguradong may nabuo ng bata sa sinapupunan ni Margaux. Alangan namang hugutin ko pa 'yun 'di ba?

Bilang Ate, wala na akong magagawa kundi ang suportahan ang pag-aaral niya. Pakiramdam ko nga, hindi nagma-mature si Jun Jun nang dahil sa akin. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kasing siya pa rin 'yung five years old kong kapatid na walang ibang gawin kundi ang dumumi sa shorts niya.

Kaya ngayon gusto ko ng turuan siyang maglakad sa sarili niyang nga paa. Kailangan niyang harapin kung ano man ang consequence sa ginawa niya, at ganun din si Margaux.

Hindi matututo si Jun Ah kung palagi siyang dinidiktahan kung ano ang dapat gawin. Kung noong bata pa siya, palagi ko siyang pinpalo kapag nangungudngud 'yung nguso dahil kakatakbo, ngayon hahayaan ko na siya.

Kasi sa totoo lang, sa ganoong paraan kami natuto ni Niko sa buhay.

Siguro ganoon nga talaga ang proseso.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now