C H A P T E R 7

1.4K 60 1
                                    

Let's have a date

Sabagay mga bagay talaga sa mundo na sobrang nakakalito at nakakabalahurang i-explain kung bakit ba nagaganap o biglaang nangyayari mga bagay-bagay na akala natin, malabong mangyari.

Kagaya na lang paglitaw ng mga oar fish bago lumindol o ang pagbaksak ng isang tipak ng yelo na nakadekorteng scientific calculator sa winter street noong nakaraang araw.

Pero sa lahat ng bagay na ang hirap ipaliwanag, ito na yatang pagkabog ng puso ang pinakamahirap i-explain.

Lalong-lalo na kapag nakikita ko Niko Satto.

*  *  *

CHEESY

"Ang tanga-tanga ko sir," umiiyak kong bulong sa sarili ko habang naka-upo ako dito sa may bleachers kasama si Niko Satto na nasa gilid ko lang.

Basang-basa 'yung uniform ko ngayon dahil nga nahulog ako sa swimming pool ng university habang kinukuha ko 'yung mga rubber duckies na lumulutang sa pool.

"Puwede bang tumahan ka na? Ikaw na nga 'yung sinagip ko, ikaw pa 'yung iyak ng iyak," ani ni Niko. Nakinig lang ako sa kanya. Hindi ko siya tinignan. Nahihiya kasi ako.

"Sir? Puwede bang umalis ka na?" sabi ko sa kanya habang nilalaro ko 'yung mga daliri ko. Ayaw kong makita niyang nagkakaganito ako.

"Teka lang, bago ako umalis, kailangan ko munang i-check kung okay ka na ba. Ano? Wala ka bang masamang nararamdaman?" concern na tanong niya habang chini-check ang mga braso ko.

Habang ginagawa niya iyon, napatingin ako sa chest niya. Ba't ang pink pink ng nipple niya? Tapos mas malaki pa yata 'yung boobs niya sa boobs ko. 'Yung boobs ko kasi parang bagong tubong buko. Hindi pantay 'yung bunga.

"Okay na. Mukhang wala ka namang injury," 'Yun lang ang sinagot niya at sa wari ko'y halos isang oras kaming nagpatuyo sa may bleachers. Naka-boxers lang siya na kulay itim habang ako naman ay naka-full uniform pa rin.

Pagkatapos niyon at walang kibuan na naganap. Walang imikan. Hanggang sa makalipas ang isang oras ay bigla na siyang nagsalita.

"Uhh, how should I call you?"

"Cheesy na lang po sir."

"Okay, Cheesy."

"Sir---"

"Please stop calling me sir, mukhang magka-edad lang naman tayo."

"Okay sir. Este, okay."

"Niko na lang."

"Niko."

"That's right," aniya at palihim akong napangiti.

"May utang ka sa akin so you need to repay me."

"Ha?" Iyon lang ang nasabi ko sa nang tumayo siya. Naka-focus ang tingin ko sa abs niya at pati na rin sa bulge ng boxers niya.

Bigla niyang tinakpan ang katawan niya ng isuot niyang muli ang uniform niya.

"Sabi ko, may utang ka pa sa akin so you need to repay me."

Natulal ako. "Wala akong utang sa'yo," napatingin ako sa mga paa ko at kinakalkal ko iyong memorya ko pero wala talaga akong matandaan na umutang ako ng pera sa kanya.

"Tss. Hindi literal na utang. Utang mo sa akin para sa pagsagip ko sa buhay mo."

"Ha?" Iyon lang nasabi ko. Pano ko naman naging utang 'yon? "Magkano naman ang ibabayad ko?" dagdag ko.

"Anong magkano? Hindi nga literal na utang. Utang na loob ang ibig kong sabihin."

Natawa ako sa sinabi ko.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now