C H A P T E R 13

1K 46 2
                                    

Mga Bituin

"Oh, dahan-dahan," sabi ko habang inaalalayan si Niko na makapunta sa mumunting lamesa namin. Lahat ng kapatid ko, nakatingin sa'min.

"Ate, 'yan ba 'yung ka-jerjer mo?" sabi ni Chen-Chen.

Biglang himabalos ni May-May ang bunganga ni Chen-Chen na naging dahilan upang matanggal ang bulok na ngipin nito sa may unahan ng bunganga niya. Bigla itong ngumawa na agad namang pinatahan ni May-May.

"Ikaw kasi Chen, sabi mo kasi jerjer ayan tuloy," sabi ni Jan-Jan.

"Ate? Ano ba 'yung jer---" tanong ni Chan-Chan na agad kong pinatigil sa pamamagitan ng paglagay ng talaba bunganga niya nga.

"Niko, pasensya na sa mga kapatid ko. Upo ka."

"Thanks." Nakayukong umupo si Niko. Nakayuko siya kasi tinititigan siya ng mga kapatid ko.

"Kain na kayo mga kapatid ko. Masarap 'yan. Si Ate May-May niyo ang bumili niyan," sabi ko tsaka sila nag-yehey kasi kainan na.

Noong kumakain na kami lahat, si Niko na lang 'yung hindi kumakain.

"Kuya guwapo, ba't hindi ka pa kumakain? Ayaw mo ba sa ulam namin? Masarap kaya!" sabi ni Jen-Jen sabay pukpok ng talaba sa mesa sabay sipsip.

"Uhm. I'm just wondering kung bakit niyo pinupokpok sa mesa niyo ang ulam niyo," ani ni Niko. Noong una, tulala lang iyong mga kapatid ko pero maya-maya pa ay nagtawan silang lahat. Si Niko naman, parang batang naligaw sa mall.

"Kuya, pinupokpok kasi 'yang talaba tapos sisipsipin mo para lumabas laman. Parang ganito," sabi ni Chun-Chun sabay demo kung paano kumain ng talaba.

"Okay, I get it," sabi ni Niko at ginawa niya naman 'yung mga pinaggagawa ng mga kapatid ko.

In-offeran ko siya na baka gusto niya ng ibang ulam pero sabi niya, "Kung ano ang kakainin niyo, ganun din 'yung kakain ko."

Tawanan lang sila ng tawanan ng mga kapatid ko habang kumakain tapos nagbabatuhan pa sila ng mga talabang wala ng laman.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon pero sa nakikita ko, masayang-masaya siya habang kumakain kasama ng mga kapatid ko.

"Kuya, may chance ba naging kayo ni ate?"

Natigilan ako sa tanong Jen-Jen. 'Yung talabang isusubo ko na sana eh biglang natengga sa ere.

"A hundred per cent of chance. Ate niyo 'yung tipo kong babae eh."

At nag-ayee na lang 'yung mga kapatid ko habang rinig na rinig kong pasimpleng tumatawa si Niko sa gilid ko.

Namula ako bigla. Pero mas lalo akong namula nang may dinagdag pa siya sa mga sinabi niya...

"Gusto ko kasi 'yung mga babaeng kaya akong buhatin."

* * *

MARGARETTE

"Ano ba, magdahan-dan ka nga!!!" sigaw ko sa alipin namin na naglagay ng ulam sa gilid ko. Sumagi kasi iyong siko niya sa braso ko. Bwesit talaga!

"Ma'am, pupunuin ba talaga natin 'yung mesa ng pagkain? Eh kayo lang po ni Margaux 'yung kakain eh," usal nung isa ko pang alipin.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Isinampal ko yung mga palad ko sa table sabay tayo. "WALA KANG PAKE KASI HINDI MO NAMAN PERA ANG PINAMBILI. KUNG ITATAPON KO 'TO, WALA KANG PAKE! KUNG IPAPAKAIN 'TO SA LAHAT SAYO PARA MAMATAY KA NA WALA KANG PAKE! INUTIL KA? LAYAS!"

Umiyak 'yung inutil. "Sorry Ma'am."

"Oh kayo? Anong ginagawa niyo diyan mga inutil? Kakain ako habang nakikita ko 'yang mga cheap at inutil niyong pagmumukha?"

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon