C H A P T E R 16

1.1K 44 3
                                    

Showgirl

CHEESY

"Ingat kayo mga kapatid ko!" Winagayway ko iyong kamay ko habang pinapanood silang pumasok sa gate ng school nila.

"Ate, may pera ka pa ba diyan?" tanong ni May-May sa'kin. Siya lang kasi 'yung highschool sa mga kapatid ko kaya hindi siya sumabay sa mga nakakabatang kapatid ko sa pagpasok.

"Teka lang." Naghanap ako ng pera sa bulsa ng panty ko. Gulat na gulat 'yung mga dumadaan dito sa may gilid ng kalsada kasi bumubukaka ako sa harapan nila. Pailalim kasi 'yung pagkuha ko.

"Ate ano ba! Ba't mo diyan nilagay?!"

"Para kapag nahold-up ako, mahihiya 'yung holdapper na dukutin 'yung pera ko." Natawa lang si May-May sa akin habang ako ay seryosong-seryoso pa rin sa pagdukot ng pera sa panty ko.

Jusko! Saan ba ba 'yung mga coins ko? 'Di naman sana pumasok sa kweba ko.

"Oh magkano ba?"

"Bente. Pambili ko ng napkin." Napahinto ako sa pagdudukot ng pera sa salawal ko dahil sa sagot ng kapatid ko. "Jusko May-May, gagastos ka pa para sa napkin?"

"Malamang! Anong gusto mo ate, hayaan kong sumisirit 'yung dugo ko habang nagkaklase 'yung teacher namin?"

Kinamot ko ulo ko. "Tumahimik ka ng. 'Di 'yun ibig sabihin ko. May used napkin kasi ako dito, ito na lang suotin mo, teka lang." Tumingala ako sa langit habang dinadampot ko 'yung napkin sa loob ng spongebob bag ko.

"Oh eto!" Winasiwas ko 'yung apat na napkin sa mukha ng kapatid ko.

"Ate ano ba! Hindi ka ba marunong mahiya ha? Napkin 'yan, nilalagay 'yan sa pepe ano ka ba!" Dinampot ni May-May iyong pinakita ko sa kanyang napkin. Tawa lang ako ng tawa noong nakita kong inis na inis 'yung mukha niya.

"Labhan mo 'yan ah tas ibabad mo 'yan sa mainit na tubig!" sigaw ko noong naglakad na siya palayo. Tawa pa rin ako ng tawa noong ako na lang mag-isa ang natira.

Oo totoong gumagamit ako ng used napkin. Tinuro sa'kin 'yan ng beshy kung si Fear noong nagkaroon ng crisis ang pamilya nila...

"Kapag umabot na ng 10 hours 'yung panty mo, kailangan mo ng hubarin siyempre tapos isasawsaw mo sa tubig at kukuskusin para mawala 'yung dugo." Kinuskus ni Fear 'yung napkin sa planggana na may lamang tubig. Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya kahit ang langsa-langsa na ng amoy.

"Pero dapat dahan-dahan ka sa pagkuskus kasi maka masira 'yung cotton ng napkin. Dapat swabe lang." Pinanuod ko sa Fear sa ginagawa niya hanggang sa isampay niya ito sa labasan ng parlor nila, pinatuyo sa araw at pagkatapos ay nilagay sa maligamgam na tubig na may Downy para fresh ang dating at hindi amoy sinigang, pinatuyo ulit at...

"Presto! May recycled napkin na tayo!" Niyakap ko si Fear at umakto kaming para bang nasa advertisement.

"Eco friendly at sulit pa sa bulsa!" sabi ko habang nakaharap kami sa salamin na kunwari camera namin.

"At puwede mo pang gamitin ng paulit-ulit hanggang sa magsawa ka!" spill ni Fear.

"Kaya recycle na!" sabay naming sabi.

HUMUNI-HUNI ako habang naglalakad ako papunta sa Wilson University. Naglakad na lang ako kasi malapit din lang naman WU dito. Mga dalawang oras lakarin, ganun.

Well, sanay naman ako kasi ilang taon ko na rin itong ginagawa sa mga panahong wala akong pera kasi hindi ako binibigyan ng nanay ko o 'di kaya'y nauubos 'yung kita ko sa bar pambaon ng mga kapatid ko.

Actually, may tatay naman talaga ako eh. German siya na sundalo at dating kasali sa US ARMY na nadestino siya dito sa Pinas noong late 90's. Showgirl naman 'yung mama ko dati sa isang bar sa Quezon City.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now