C H A P T E R 8

1.2K 53 5
                                    

Love is a flight

"Let's have a date pero huwag mo akong tanungin kung bakit kaso hindi ko rin alam ang is isasagot. Basta ang alam ko, gusto kitang i-date." Parang nanghina ako sa sinabi niya at maya-maya pa ay nagpunta kami sa rooftop ng mall at laking gulat ko na lang nang may naghihintay na roong private chopper.

"'Yan ba ang sasakyan natin? Ba't tayo magcha-chopper? Malayo ba ang pupuntahan natin?"

"Hindi, magbabangka tayo," sabi niya na siyang ikinalito ko. Paano naman kami magbabangka dito sa rooftop, wala namang tubig?

Natawa siya sa reaksyon ko.

"Sir, ready na po si Argus," sabi noong body guard na lumapit kay Niko.

"Sino si Argus?" tanong ko kay Niko.

"'Yung chopper," sagot niya.

"Ahh, akala ko 'yung magbabangka sa'tin," sabi ko na hindi naman niya pinansin. Namatay bigla iyong joke ko.

Ito ang first time kong makaranas ng ganito. Sa buong buhay ko, tinitingala ko lang ang mga ganitong sasakyan sa himpapawid kapag dumadaan sila sa kalangitan kaya medyo kakaiba ang pakiramdam ko ngayon.

Napapaisip din ako na siguro ang yaman-yaman nila Niko. Sa halos isang daang milyong tao sa Pilipinas, iilan lang ang mayroong private chopper na ganito ka ganda. At tsaka may pangalan pa. Argus. Isang private chopper na jet black finish ang buong katawan. Sa tansiya ko, kulang lang ang isang milyong piso pambili ng chopper na ito.

Nagsimula na kaming maglakad ni Niko papunta sa chopper. Hinawakan ko iyong buhok ko dahil sa lakas ng hangin ay parang matatanggal iyong extensions ko.

"Ay!" Napa-sigaw ako nang biglang dumausdos 'yung tube ko pababa ng dibdib ko. Mabuti na lang ang nasalo ko. Ang lakas kasi ng hangin.

"Oh?" Iyon lang iyong sabi ni Niko nang mahinto ako sa paglalakad.

"Yung tube ko, dumausdos." Nakakahiya man pero sinabi ko pa rin 'yun sa kanya. Alangan naman ding buong gabi ko 'tong hahawakan, eh 'di magmumukha akong tanga? The perks of having a small front. Ba't 'di kasi kalakihan 'yung sakin? Dumausdos tuloy.

"Ba't kasi 'yan ang suot mo?" tanong niya. Nagulat ako kasi mukhang galit siya.

"Eh hindi naman ako ang nag-decide nito eh. 'Yung mga bakla sa clothing line," kalmado kong sagot.

"Jim, may electrical tape ka ba 'diyan?" tanong niya sa bodyguard na nakasunod sa'min. Aanhin niya 'yung electrical tape?

"Opo sir," nagbigay si Jim ng electrical tape kay Niko at maya-maya pa ay humarap siya sakin.

"Tanggalin mo ang kamay mo sa dibdib mo," utos niya na ikinakaba ko.

"Teka lang naman, baka mahubuan ako, ang lakas ng hangin oh," sabi ko sa kanya habang namumula ang pisngi.

"Hoy t-teka," nagulat ako kasi bigla siyang nag-cut ng tape gamit ang ngipin niya sabay dikit ng mga tape sa tube ko.

"Next time, wear some dress that is accurate on the size of your front. 'Di 'yung nagtu-tube ka't nahuhubuan ka. Hindi lahat ng lalaki kasing buti ko para ka lagyan ng tape 'yang tube mo."

Hindi ko alam kung advice ba 'yun o isang malaking insulto para sa hinaharapa kong parang pader at hindi pantay pero ewan ko ba't kinilig ako sa sinabi niya.

"Magkahulma pala ang likod at harap mo." Natawa siya.

"Niko, sumusobra ka na ah," kalmadong sabi ko habang nakaraharap sa kanya. 'Di ako gagaya sa bestfriend kong si Fear na puro sigaw lang alam. Babaeng pilipina ako no!

Chasing the WindWhere stories live. Discover now