C H A P T E R 48

905 38 5
                                    

Remembering Zarah

CHEESY

SABAY kaming nag-dinner lahat sa So Jang Min Resto na pagmamay-ari ng pamilya ni Kei.

Tawanan, lokohan, sigawan, tilian, asaran. Iyon lang 'yung ginawa naming lahat habang nagdi-dinner kami na tipong parang college students pa rin kami.

Siguro isa iyon sa pinaka-memorable night ng buong buhay ko, ang makita ang bestfriend kong si Fear at ang inaanak ko at ang makita ni Niko ang Five Fingers.

"Kasal kayo 'di ba? So ibig sabihin..." Ani Kei habang lumalamon ng roasted shrimp.

"Ahh, oo kasal nga kami pero wala na kaming nararamdaman para sa isa't-isa," sagot ko sa hindi natapos na tanong ni Kei na naging dahilan upang tuksuin nila kami ni Niko.

Pulang-pula ang mukha ko dahil sa panunukso nila pero si Niko na nasa tabi ko lang ay tanging ngiti lang na parang kinikilig ang tanging naging reaksyon sa panunukso nila.

Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran niya.

"Aray! Cheesy ah! Kurutin mo pa ako't hahalikan talaga kita," ani Niko.

"YOWN OH!" Panunukso nilang lahat. Ako naman 'tong si tanga ay namula agad ang mukha.

* * *

CHEESY
"I KNOW, I know. I admit, amma looser and I don't win Charnel's heart pero sinubukan ko naman eh, sinubukan ko namang mahalin siya. But it was that... my love was not enough for her."

"Haays, hindi pa rin nagbabago si Edison," ani Fear na pinapatungkulan ang kasalukuyang umiiyak at sumusuka na si Edison dahil sa kalasingan.

"Ayusin niyo 'yang kaibigan niyo at baka mabagok ang ulo! Ano ba!" sigaw ni Fear kina Kei, Darryle, Niko at Heaven na halos hindi na makontrol ang pagewang-gewang na si Edison sa gilid ng daan.

"Hindi ba naging sila ni Charnel Fate?" tanong ko habang nakasandal kami ni Fear sa likod ng Mustang ni Edison at pinapanuod ang Five Fingers na pigilan 'yung isa nilang kaibigan sa pagtawid sa daan.

"Haay. Mabang estorya." Bumuntong hininga si Fear.

Lumingon ako sa loob ng Mustang at sinilip si Baby Kevin na hindi na baby.

"Hindi na ba siya naglalaro ng barbie?" tanong ni Fear.

"Minsan," matamlay na sagot ni Fear.

"Ano? Naglalaro pa rin siya?" gulat kong tanong.

"Huwag ka ngang magulat? Eh 'yung Daddy niya nga eh naglalaro pa rin at minsan eh nagbabahay-bahayan pa 'yung mag-ama."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magugulat pero sa puntong ito, naisip kong mag-thank you kay Fear.

"Haaay, bes Fear, bis Fear, beshy Fear o ano man ang idugtong ko sa'yo pero habang buhay akong magti-thank you sa'yo. Noong college tayo, hindi ko makakalimutan na palagi mong sinusuntok iyong mga nang-aapi at nawi-weirduhan sa'kin dahil sa maikli kong buhok at tomboyin kong galaw. Komawo."

"Anong aso?"

"Aning! Komawo, ibig sabihin thank you. Akala ko ba palagi kang nanunuod ng Goblin?"

"Tsk," malutong na pag-tsk ni Fear tsaka siya nagsalita. "Alam mo Cheesy, natutuwa akong nakikita kita ngayon na malayong-malayo na sa dating ikaw. Kung noon, ako ang nambubugbog para sa'yo pero ngayon, mukhang ikaw na ang mambubugbog para sa'kin..."

Natawa ako bigla.

"Tsaka Cheessy, huwag ka ngang mag-thank you sa'kin. Nagawa kong mambugbog ng kapwa ko estudyante dati dahil ayaw kong sinasaktan nila 'yung kaisa-isang bestfriend ko. Kaisa-isang bestfriend ko na tumanggap sa isang Fear De Guzman na palaging naga-guidance. Kung wala ka at wala iyong mga kalokohan natin dati, paniguradong naging malungkot ang buong college life ko."

Chasing the WindWhere stories live. Discover now