C H A P T E R 6

1.6K 58 3
                                    

Ang mga Lumulutang na Rubber Duckies

Noong bata pa ako, tuwang-tuwa ako sa mga laruan na tumutunog kapag pinipindot, hinihipan, o niyuyugyog.

Natutuwa rin ako sa mga laruan na lumutang sa tubig o sa ere.

Kapag nakakakita o naglalaro ako ng mga laruang ganoon, sobrang tuwa ang nararamdaman ko. Napapatalon at napapayugyog dahil sa tuwa.

Dati, nagkaroon ako ng laruan na rubber ducky. Isa iyong laruang plastik na naka-dekorteng bebe. Kapag pinipisil mo ang katawan niya, may lumalabas na tunog sa pwet nito. Hindi ko alam kung kabag ba 'yun o simpleng utot lang pero talagang nakaaliw itong pakinggan.

Kapag nilalagay mo naman siya sa tubig, tumulutang siya at sumasabay sa kung saan man ito dalhin ng alon o ihip ng hangin.

Gustong-gustong maglaro ng rubber duckies sa pamamagitan ng pagpindot nito pero mas gusto ko pa rin laruin ang mga rubber duckies habang pinapalutang sila sa kanal kasama ko.

* * *

NOONG natapos ang klase ko sa unang subject ko, naging usap-usapan ako ng buong university. Lahat ng babaeng dinadaanan ko, tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo nila sa akin. Kahapon kasi, isa lang akong normal na babaeng may maikling buhok na hindi pinapansin. Kahit madapa ako, tumambling o magsplit sa gitna ng quadrangle, walang magtatangkang titingin sa akin.

Kasi ordinaryo at mahirap lang ako. 'Yung mga damit ko paulit-ulit lang. 'Yung uniform ko, one wash lang tapos inuulit ko agad kinabukasan kaya medyo kumukupas na.

Tapos ngayon? Anyare?

Ba't parang naging mangkukulam ako sa paningin nila?

Tsaka, ayaw kong maging sentro ng atensiyon!

Baka kasi mahalungkat nila 'yung sekreto kong trabaho at baka iyon na sa susunod ang maging usap-usapan...

"Hey stupid girl with 13 scholarships, a gold and money digger of Wilson University!"

"Ako ba kinakausap ninyo?" tanong ko sa dalawang mataray na babae na biglang lumapit sa akin habang kinukuha ko 'yung mga panty ko sa loob ng locker room.

"OMG! Look at her panties! Ang daming stains at loss thread na!" Bigla kong naitago sa bag ko 'yung mga panty ko. Isang toneladang kahihiyan ang gumapang sa katawan ko.

"Ano bang problema ninyo? Ba't niyo ba ako kinakausap?" tanong ko habang nakayuko. Nahihiya kasi akong tignan sila. Ang layo layo ng kasuotan ko sa mga suot nila kaya wala akong karapatang titigan sila.

"Tss? Tinatanong mo pa?"

"Siyempre, tatanungin ko kasi he ndi ko alam." Medyo iritadong sabi ko sa kanila. Mali bang tinanong ko sila kung bakit nila akong kinakausap? Alangan namang nangti-trip lang sila?

"B-tch!" sigaw nito sa akin. Natulala ako. Tinignan ko 'yung ID niya, "VIVI ni NIKO" ang nakalagay. 'Yung isa naman, "BEBE ni NIKO!"

Jusko! ANG TEAM PABEVI GIRLS! Sila yata iyong sinasabing war freak na fan girls ni Niko.

Akmang tatakbo na sana ako palayo sa kanila pero bigla silang may initsa na tali sa sahig na naging dahilan upang mabitik 'yung paa ko at madapa ako.

Tumayo ako at tumakbo palapit sa kanila.

"HAYA!" Binato ko iyong isa ng isang suntok pero bigla siyang nakailag.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now