C H A P T E R 35

912 32 1
                                    

Slaves

JDK

"YOU know Margaux, you should learn to defend yourself from those buggers. Huwag kang tanga. Huwag kang umiyak sa harapan nila. The more they see how weak you are, the more they'll bug you off. You should fight. Hindi kita inere para api-apihin lang ng mga mahihirap. Ikaw dapat ang mang-api."

"Eh ako naman talaga ang nang-api eh."

"So drama mo lang na umiyak ka kanina?"

"Oo."

"Oh my gosh! I'm so proud of you anak! Mana ka talaga sa akin."

Nagkatinginan kami ni Benjo sa usapan ng mag-ina sa likuran namin. Nagmamaneho siya habang ako ay nasa gilid lang niya.

Hindi ko mawari sa isipan ko kung paano iyon nasasabi ni Madam sa isang six year's old na bata. She's teaching her daughter to be like her. What the? Anong klase siyang ina?

"Ma'am? Anong middle name mo ang gagamitin ko sa letter of approval ng board of directors sa bagong condominium na gusto niyong ipatayo? The banks are questioning me about this."

"Did those banks offer already their money to us?"

"Hindi pa po."

"Okay. Use Villareal."

"Copy." Tinawagan ko ang bankong nagtatanong ng tototoong middle name ni Ma'am Marga. Sa pagkaka-alam ko kasi, she is using two middle names. Ang Venielle at Villareal. She is using Venielle kapag ordinary transactions lang ang kinakailangan kagaya ng mga meetings at invitations. Kapag naman mabibigat ng transactions kagaya ng panghihiram ng pondo sa mga bangko, she is using the Villareal.

Vinielle when ordinary transactions because, hindi totoo ang middle name na iyon.

Villareal kapag mabibigat ng transactions, kasi ang apelyidong iyon ay pagmamay-ari ng mga makapangyarihang politicians na nag-ampon sa kanya. Mga politician kung saan may malalaking utang na loob ang mga bangko dahil nagagawa ng mga politician na iyon na hayaang magpatong ng malalaking interes ang mga bangko sa pautang nito sa mga tao habang hindi nagbabayad ng tax. Kaya kapag nalaman ng nga bangko na si Ma'am Margarette ang humingi ng pondo, they will automatically approve the loan without any hesitation.

It's a form of debt of gratitude na kapag may gustong hingin si Ma'am Marga sa mga bangkong iyon ay walang pagaatubili nila itong ibigay.

And just like those banks, may utang na loob din ako sa pamilya ng mga Satto.

Sa madaling salita, I'm one of their slaves.

Napatingin ako sa dinaanan naming penal colony, nakita ko ang mga presong palakad-lakad lang sa paligid.

Wala akong pinagka-iba sa kanila, I can freely move outside my prison of debt of gratitude but still I'm a prisoner. Hindi ko magawang tumakas.

And the way to escape this prison is to support Memevento Vivere Corporation's enemy, which is the Deluga Heights.

Because afterall, life is a game of monopoly. In this real estate industry, isa lang dapat matira. At sa puntong ito, the company that is most vulnerable to be destroyed is the MVC dahil sa mga pandaraya nila. Kailangan kong kumapit sa kalaban or else, masasama ako sa pag-guho ng MVC.

"Nagsimula na ang press conference, make sure that Henry Satto and Margarette will not see this live. Thanks. RB."

"OK." I replied sa text ni RB which is the secretary of the real owner of Deluga Heights. I switched off my phone at hinintay na lang ang mga sumunod na eksena.

Napatingin ako kay Benjo, halatang kinakabahan siya.

Pagpasok namin sa mansion, natagpuan ni Ma'am Marga na may alipin na kumakalantari kay Sir Henry sa couch. Sinusubuan ni Sir Henry ng cherry ang isang dalagang katulong.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now