C H A P T E R 5

1.6K 58 0
                                    

Invited

"ATE, magkano 'yung baboy ninyo?"

"250 per kilo. Bibili ka?" Bigla akong nanlumo ng maraninig ko presyo ng baboy na binibenta rito sa palengke. Alas singko na ng umaga at kailangan ko ng mamalengke para sa mga kapatid ko. Kung hindi ako mamamalengke, wala kaming kakainin sa buong mag-araw. 'Yun nga lang, kulang na kulang lang talaga 'yung pera ko. 50 pesos lang 'yung dala ko at nakabili na ako ng bale 25 peso na bigas. Katumbas 'yun ng kalahating kilo.

"Eh pa'no po kapag half kilo?" tanong ko at nakasimangot siyang nagkwenta sa scientific calculator niya.

"125!"

"Uhmm. Kung one fourth po?"

"62.50"

"Kung 1/8 po?"

"31.50!" sigaw niya. Jusko! Malapit na sa 25 pesos.

"Kung 1/16 po?" buong pag-asa kong tanong sa kanya. Akala ko sasagutin niya ako ng maayos pero.....

"TANG*NA! BIBILI KA BA O MAGPAPAKU-COMPUTE?" sigaw ng tindera at napanganga na lang ako.

* * *

"Ate, ate! Ano po 'yung ulam natin?" tanong ni Chen-Chen habang tumutulo 'yung green niyang sipon sa kanang ilong niya.

Nginitian ko siya habang hinihintay na maluto 'yung kanin sa may kusina. Kahoy 'yung gamit kong pangluto kaya medyo natagala. Nagsibak pa kasi ako.

"Ate!" sigaw ni Chen-Chen at laking gulat ko nang biglang gumalaw pabalik sa ilong niya ang kulay green niyang sipon.

"Sabi ko, anong ulam natin?" anito.

"Ha?" Medyo nalilito kong tanong. Hindi kasi rumegister sa utak ko 'yung tinanong niya.

"Jusko Ate, ano ba! Maglinis ka nga ng tainga!" sabi naman ni Chan-Chan, 'yung kasunod na pinanganak ni Chen-Chen. Si Chan-Chan, Chinese ang tatay niya. At kaya Chan-Chan ang pangalan niya eh sabi ni Mama, si Jackie Chan daw tatay niya.

"Ahh, ulam ba?" Tunawa ako at mayah-maya pa ay isinalin ko ang mga chips supercrunch at craklings sa isang bowl. "Eto na. Tseneng!"

"WOW! SERIALS!" sigaw ni Jen-Jen. 'Yung kapatid kong PG.

"Spell Cerials," sabi ni JanJan, 'yung kapatid kong genius.

"S---"

"SHUT UP! CERIALS starts with C and not S!" sigaw ni JanJan at bigla siyang nag-walkout.

Alam kong medyo weird 'yung mga kapatid ko pero bilang ate, nakapag-adjust na ako sa kanilang lahat.

Si JanJan, sobrang matalino at gusto niyang maging astronaut pero mas gusto niya pa hanapin si Oshowot. 'Yung Pokémon?

Si JenJen, 'yung kapatid kong kikay na medyo PG.

Si JinJin, siya ang pinakamatahimik sa sa aming lahat. Lalaki siya at sobrang emo ng dating niya.

Nung natapos kaming kumain, isa-isa ko na silang pinaliguan except kay MayMay kasi 18 years old na siya at mayroon na siyang pubic hair.

'Yung tubig na pinapanglinggo ko sa una kong kapatid e sinasalin ko sa planggana tapos 'yung mga naipon kong tubig e 'yun rin 'yung pinapanglinggo ko sa iba. Ang talino ko 'di ba? Medyo dirty nga lang.

* * *

NAKAUPO ako sa panghuling upuan sa 6th Floor ng APARI Building ng Wilson University. Pinapanood ko 'yung mga construction worker na nagpapaskil ng tarpoline na may nakalagay na:

BABALA: HUWAG AGAD MA-INLOVE AA MGA BABAENG MAGAGANDA. BAKA MAGANDA RIN KASI ANG HANAP NILA.

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa nabasa ko? Hmm. 'Di naman ako tomboy ah? Hindi nga ba?

Chasing the WindWhere stories live. Discover now