C H A P T E R 9

1.2K 50 1
                                    

He who fainted

NOONG unang panahon, may isang babae at lalaking nagmamahalan na nagkatira sa iisang misteryosong lugar.

Ang pangalan ng lugar na iyon ay Davaosamal.

Kakaiba ang lugar na iyon sapagkat isa iyong malaking bundok na patag ang tuktok.

Nakatira ang lalaki at babae sa magkabilang dulo ng bundok kasama ang mga pamilya nila na pilit na nag-aangkinan ng kakaibang bundok na iyon.

Ipinagbabawal ng parehong pamilya ang pagkikita ng dalawa hanggang sa isang araw, aksidenteng nagkabungguan sa may kakahuyan ang babae at lalaki.

Nagkatitigan sila sa parehong mga mata. Nagkaroon ng digmaan ang kanilang mga puso hangang biglang tumakbo ang babae ngunit bigla itong nadapa. Mabilis itong tinulungan ng lalaki at iyon ang simula ng pagkakakilanlan nila sa isa't-sa.

Naging malapit sila sa isa't-isa hanghang sa nasundan pa ng makailang beses ang mga palihim nilang pagkikita.

Hanggang sa hindi nila namalayan na nagkapalagyan na pala sila ng loob, nagkaaminan ng damdamin at naging magkasintahan.

Habang parehong nagtatawanan ang babae at lalaki sa gitnang kagubatan dahil sa pagba-bible sharing nilang dalawa ay pareho silang nakita ng amain ng babae na pareho nilang ikinagitla.

At dahil sa pangyayaring iyon ay naging bihag ang lalaki ng pamilya ng babae.

Kapalit ng kanilang anak ay napagdesisyunan ng pamilya ng lalaki ng ibibigay na lang sa pamilya ng babae ang patag na bahaging lugar ng Davaosamal at sa kanila naman ang bulubunduking parte.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now