The New Teacher

7.9K 165 1
                                    

GLAIZA POV

Habang busy ako sa pag aayos ng gamit ko para sa pagpasok ko sa School, I received a text from Katrina.

Katrina: "Hoy! Papasok ka ba?"

Me: "Oo, actually, paalis na ako dito sa bahay. Ito naman, kaw nga palagi yong absent tas ako pa talaga tatanungin mo."

Kat: "Whatever. Kita nalang tayo sa room."

Me: "Okay."

Ready na ang mga gamit ko, kaya lumabas na ako at nagpaalam sa mama at papa ko.

Malapit lang naman ang University namin, kaya nilalakad ko lang ito.

Pagdating ko sa College namin, nandoon na ang best friend ko sa room namin, kaya dumiritso na ako sa loob.

Chynna: "Uy tol, nandito ka na pala."

Me: "Ay wala. Picture ko lang ito."

Chynna: "Sira!"

Tapos inakbayan nya ako papasok sa loob ng room namin. Pinili naming umupo sa unahan dahil yon sa kagustuhan ko.

Maya maya dumating si Katrina na syang princesa sa aming magkakaibigan. Madalas absent ito, pero ngayon pumasok sya. Siguro maganda ang gising nya kaya nandito sya.

Kat: "Hi besties."

Chynna: "Mabuti naman pumasok ka. Umupo ka na, baka maunahan ka pa."

Natawa ako kay Chynna. Masyado kasing prangka.

Umirap naman si Katrina kay Chynna.

Me: "Kat nasa likod mo na professor natin."

Lumingon sya para tingnan kung totoo nga na nandito na nga ang prof namin, at mabilis syang napaupo dahi nasa likod na nga nya ito. Di nalang kasi maniwala kaagad sakin eh.

Natawa ako ss kanya, pero hindi lang ako nagpahalata kasi baka mag ingay ito. Mahilig pa naman syang magbunganga.

Professor: "Good morning, I want you to know that this is my last day of teaching. Bukas iba na ang magtuturo sa inyo. Aalis kasi ako papunta sa ibang bansa para magpagamot sa sakit ko. I hope that whatever you have learned sakin, maicontribute niyo sa bagong teacher nyo."

Nabigla ako sa sinabi ni Ma'am. Nakakalungkot isipin dahil ang bait pa naman ni ma'am tapos iiwan nya lang kami. Pero okay na rin yon para makapagpagamot sya.

Chynna: "Ma'am ano po pangalan ng bago naming prof?"

Professor: "I don't know yet, pero babae ang kapalit ko."

Chynna: "Yes!"

Mahinang pagkakasabi ni chynna. Alam ko na naman ang trip nito, kung bata pa at single, siguradong magiging crush kaagad nito.

Then nagsimula na ang klase namin, after ng discussion, nagkaroon kami ng pagsusulit.

Sa aming tatlo, ako lang talaga siguro anh bukod tanging nakinig sa discussion kanina. Dahil habang nag eexam kami, yong dalawa kong friend ay nakanganga lang. Kailangan ko pa silang bigyan ng answers para may maisagot lang.

Nako! Nako! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang dalawang ito, pero masama ang ganyan.

After ng exam namin, nag check kaagad kami ng papers, at syempre, ako ang highest. Palaging ganito pag ma exam kami.

Gustong gusto ko kasing mag aral kaya nag eeffort talaga ako sa lahat ng bagay.

Bago umalis ang professor namin, nag paalam kami sa kanya and wish her well. Sana gumaling sya kaagad.

Then pumunta na kami sa next subject namin. Ang tagal naming naghintay pero wala pala kaming pasok. Hindi manlang nag inform ang prof namin.

Kaya nagpaalam na muna ako sa friends ko para pumunta sa library. Mahilig kasi akong magbasa ng mga libro doon.

Me: "Uy tol, Kat, punta muna ako sa library ha?"

Chynna: "Ayan ka na naman sa pagkabookworm mo."

Kat: "Oo nga, punta nalang kaya tayo sa mall."

Chynna: "Mall? Eh may pasok pa tayo. Ano ka ba? Ang mabuti pa, pumunta nalang tayo sa tindahan para bumili ng snack natin."

Me: "What if kayong dalawa nalang ang magsama? Nakakalito kayo eh. Palaging magkaiba ang gusto nyo."

Kat: Hay nako, si Chynna kasi. Sige na, sasama na lang nga ako sayo sa library."

Chynna: "Sasama nalang din ako sayo."

Me: "Mabuti pa nga siguro. Basta wag kayong mag iingay doon okay?"

Tumango naman sila at nagpunta na kami sa library. Kumuha kaagad ako ng libro at binasa ito.

Actually nag aaral talaga ako sa mga subjects namin, para pagpasok ko, palagi akong ready.

Umabot kami ng isang oras sa library. Pero napilitan akong lumabas nalang kami kasi nagsisimula ng mag ingay yong dalawa kong kasama. Lalabas nalang kami bago pa kami mapagalitan.

Pumunta na kami sa sunod naming klase at mabuti naman dahil nandito ang instructor namin, hindi sayang ang pagpasok ko.

Tuloy tuloy na ang pagpasok namin, kaya masaya na ako dahil sulit na naman ang araw ko. Pagkatapos ng klase namin, nagyaya ang dalawang ito sa restaurant, libre daw ni Kat. Kaya summa ako, mahirap kasing tanggihan ang grasya diba?

Pagdating namin, sa restaurant, umorder kaagad si Kat at Chynna, ako naman ang naghanap ng mauupuan namin.

Hindi rin naman nagtagal, dumating na sila dala ang pagkain namin. Kaya nagsimula kaagad kaming kumain. Then out of the blue, biglang nagsalita si Chynna.

Chynna: "Sa tingin mo Glaiza, maganda kaya ang bago nating prof?"

Me: "Hindi ko alam. Ayokong mag isip ng mga ganyan. Kahit naman pangit sya basta okay magturo."

Kat: "Kayo talagang dalawa, puro babae ang inaatupag niyo. Lalo kana Chynna."

Me: "Hala, wala nga akong sinasabi dyan. Ang sakin lang dapat okay sya magturo."

Chynna: "Wag ka na nga kasing sumawsaw. Kung ayaw mo sa topic namin."

Tapos umirap sya kay Kat. Hay nako, itong dalawang ito ang hilig sa gulo.

Kat: "Palibhasa mahilig ka sa chicks."

Pang aasar nya.

Wala akong magawa kundi panoorin nalang sila. Ang sweet siguro kung magiging sila noh? Tapos magbabago sila ng ugali para sa isa't isa. Natawa tuloy ako sa naisip ko. At napansin nila yon.

Chynna: "Okay ka lang?"

Kat: "Para kang baliw dyan. Tumatawa ng mag isa."

Me: "Wala may naisip lang ako."

Sabi ko sa kanila. Nakita kong kumindat si Chynna kay Kat. Mga baliw! Pinag iisipan ako ng masama. Hindi naman masama ang inisip ko diba? Kung alam lang nila, pero hindi ko sasabihin baka mabatukan pa ako.

After naming kumain, naghiwa-hiwalay na kami. Nasa iba't ibang direksyon kasi ang mga bahay namin.

Naglakad na aki pauwi sa bahay, at pagdating ko, agad kong tinulungan ang mama ko sa pag aasikaso para sa dinner namin. Si papa naman at nasa trabaho pa.

Simpleng buhay lang ang mayroon kami, pero puno ng pagmamahal, kaya masaya kani palagi. Yan lang naman ang importante para manatiling masaya ang pamilya kahit gaano man kahirap ang buhay namin.




Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now