Who is she

1.8K 71 0
                                    

RHIAN POV

Aba'y lumipad pa ako papunta dito, tapos maaabutan ko lang sya na may kasamang iba?! No way! Gusto nya yatang maging beasty ako. What's mine is mine! Isiksik nya dapat yan sa kukuti nya.

But I have to play safe, after all, ako ang dayo dito. Tsaka hindi dapat ako mag iskandalo, baka paalisin pa ako ni Lola.

Hindi dapat masayang ang effort ko sa pagpunta dito. Pero yong surprise? Ako ata ang nasurprise samin.

I take a deep breath and smile again.

Me: "Hi Glaiza. Surprised?"

She smiled at me at lumapit sya sakin para yakapin ako. I really miss this hug.

Glaiza: "Bat di ka manlang nagtext? Para nasundo kita. Sobrang saya ko ngayong nandito ka."

Me: "Gusto kasi kitang isurpresa, pero mukhang ako naman ang nasurpresa."

Pinagdiinan ko talaga yong term na surpresa. At na gets naman nya. Obviously.

Grandma: "Glaiza, c'mon join us, and you too, miss. Come, come, have some breakfast."

Glaiza: "Thank you grandma."

At yon, umupo na silang dalawa, si Glaiza katabi ko, while yong Lovi katabi naman ni Grandma.

Glaiza: "By the way, This is Lovi, my officemate. Lovi, this is Rhian."

Lovi: "Oh, so you're her girlfriend. It's nice to finally meet you."

She extended her hand.

Me: "Nice to meet you too." Tinanggap ko ang kamay nya pero gusto kong bariin ito.

Grandma: "Girlfriend? Her? I thought you are her girlfriend, Lovi."

Oh my G! That's it!

Lovi: "Actually, she is."

I rolled my eyes.

Me: "Grandma, will you please excuse us for a minute?"

Grandma: "Yeah, sure."

At hinawakan ko ang kamay ni Glaiza, at dinala papunta sa kwarto nya. At sinara ang pinto. Mukhang mas galit pa sya kaysa sakin.

Me: "Tell me, who she is."

Glaiza: "Office mate ko nga mine."

Me: "Bakit nandito sya sa kwarto mo? Mag umaga?"

Glaiza: "Dahil dito sya natulog kagabi, kasi we were drunk."

Me: "So uminom pala kayo? Ano pa ba ang hindi ko alam sayo Glaiza?"

Glaiza: "Wag ka namang O.A. hindi naman porket girlfriend kita, kailangan mong malaman lahat ng ginagawa ko. Ang hirap na nga nating magkarook ng communication, tapos mag eexpect ka pa lahat ng bagay makikwento ko sayo?" Medyo mataas ang toni ng pagkakasabu nya, in short, galit sya.

It hurts. It really hurts. Feeling ko, nadurog ang puso ko sa sinabi nya.

Ganon nalang pala yon?  Bakit dati alam ko ang lahat ss kanya? Iba na nga ba ang ngayon?

Hindi ko napigilang mapaluha sa sinabi nyang yon.

Glaiza: "I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi yon. I didn't mean it. I'm sorry."

Me: "No! You mean it! Hindi mo naman sasabihin yon kung hindi totoo diba? Mukhang nag iba ka na sa Glaiza na nakilala ko, na minahal ko. Bakit? Dahil ba sa babaeng yon?"

Glaiza: "No, hindi sya kasali sa usapang ito. Mine naman, don't be like this. Mali yang iniisip mo."

Me: "Mali nga ba? Eh bakit ka galit? Bakit imbes na yakapin at maging masaya ka na nandito ako, bakit ganito tayo ngayon?"

Glaiza: "Dahil dyan sa iniisip mo."

Me: "Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"

Glaiza: "Na niloloko kita."

Me: "Niloloko mo ba ako?" Binalik ko sa kanyang sinabi.

Glaiza: "Ofcourse not."

Me: "Then why is there someone else who slept here with you? Bakit kailangan mong magpatulog dito sa kwarto mo? Sa kama na sakto lang ang isang tao?"

Glaiza: "Ang gulo mo mag isip."

Me: "Yeah! Magulo nga talaga. Sa tingin ko, sayang lang ang pagpunta ko dito at mukhang nakagulo pa ako."

Wala! Suko na ako sa pag uusap na ito. Bakit ba kasi hindi nya nalang sabihin kung ano man ang nangyari, hindi yong ganitong sya pa ang galit!

Hindi nagsalita si Glaiza. She just look down.

Me: "Aalis na ako."

And then naglakad ako papunta sa pintuan, but she hold my hand.

Me: "Bitiwan mo ako Glaiza!"

Glaiza: "Don't go."

Me: "It's too late for that! You don't need me anymore."

I wipe away my tears, and walk papunta sa kusina.

Me: "Grandma, thank you for everything. I'm going now."

Grandma: "Why? Where are you going?"

Me: "Back to Philippines."

Grandma: "But you just got here."

Me: "I know, but I have to go now."

Grandma: "Well then, take care."

Tumango lang ako, at naglakad papunta sa sala, sa mga gamit ko.

Nakatayo si Glaiza sa may pintuan, while crying.

Glaiza: "Please, don't go."

Me: "Sana kanina mo pa naisip na nandito ako para sayo. Dahil miss na miss na kita, pero mukhang iba na ang gusto mo."

Inalis ko ang mga kamay nya sa pintuan at tuluyan ng umalis.

Hindi ko na ulit sya nilingon.

Nagpahatid ako sa kung saang hotel na malayo dito.

On my way there, iyak ako ng iyak. Bakit ba kasi nagpunta pa ako dito? I hate this feeling.

Tomorrow, uuwi na ako sa Pinas. Bahala sya.

After 20 minutes, nakarating na kami sa hotel. Agad akong nagcheck in at pumunta sa room ko.

Nahiga ako sa kama, at napatingin sa kesame, at nagmuni muni.

Hindi maalis sa isip ko, kung bakit ganito ang nangyari samin ni glaiza. I was expecting so much, tapos biglang ganito lang?

Hindi ko maalis sa isip ko ang idea na may nangyari sa kanila, o kung sila ba, o kung niloloko ba ako ni Glaiza. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin.

Bakit ba kasi hindi nalang nya sinabi sakin ang totoo? Bakit kailangan nya pang magalit? Eh ako nga itong nagulat at nag effort pang pumunta dito para sa kanya. Pero bakit parang ako pa yong mali?

Hay buhay, bago pa masira ang isip ko, pumunta ako sa banyo, at naligo. Then after that, my phone rings. Si mine tumatawag.

Wala ako sa mood na kausapi sya. I was so hurt, kaya I ignored her call and shut down my phone.

At nagbihis na ako, pinatuyo ko ang buhok ko, saka ako nag iha sa kama upang matulog.

I have to relax, dahil bukas, babyahe na naman ako. After a couple of minutes, I drifted to sleep. So that, mamaya pagkagising ko, makapamasyal ako kahit sandali lang.

Yan nalang ang gagawin ko, para may magawa naman ako sa pagpunta ko rito.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now