Thank You

3.1K 111 5
                                    

GLAIZA POV

I can't sleep because of that two Teachers. They keep on flashing in my head. Their smile, their beautiful face.

Arg! Ano na ba ito? Bakit ba ganito?

Lahat ng pwesto ng paghiga ginawa ko na, pero walang epekto. Kaya naman tumayo nalang ako at nagbasa ng libro. Mas mabuti pa ito, para mapagod ang mga mata ko.

Pero umabot na ng 3 a.m hindi pa rin ako makatulog. This is not good. Ayokong antukin sa school mamaya.

Hanggang sa umabot na ng 4 a.m. Hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Kaya wala na akong choice kundi maligo nalang at magprepare para sa pagpasok ko.

Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Naabutan ko pa si papa na maagang pumapasok para sa trabaho niya.

Papa: "Oh anak, ang aga mo yatang gumising ngayon."

Me: "hindi po ako nakatulog papa eh."

Mama: "Bakit naman? Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"

Me: "Wala ma."

Papa: "Baka naman may iniisip ka?"

Tumingin ako kay papa. Sasabihin ko ba? Pero kasi baka mag worry silasa pag aaral ko. Gusto ko talagang makapag tapos para makatulong ako sa kanila.

Me: "Wala pa."

Papa: "Sige anak, basta andito lang kami ng mama mo ha? Mag kwento ka lang kung may problema ka sa kahit na ano."

Me: "Salamat pa."

Papa: "Oh siya. Aalis na ako. Mag iingat kayo dito. Okay?"

Me: "Opo. Ingat ka pa."

Mama: "Ingat ka Pa."

Ayon, umalis na nga si papa. Kami naman ni mama at kumain ng almusal namin.

Mama: "Sigurado ka bang wala kang problema anak?"

Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong wala akong lusot sa paningin ni mama.

Me: "Don't worry ma, kaya ko ito."

Mama: "Sige basta nandito lang ako anak ha?"

Me: "Opo ma."

Natapos na rin ako sa pagkain ko. Kaya nagpaalam na ako na papasok. Maganda ang araw ngayon. Siguro happy si Mr. Sun.

Pumasok na kaagad ako sa room namin. At hinintay ang mga friends ko. Buti nalang pumasok silang dalawa ngayon.

Hindi rin naman nagtag dumating na si Miss Rhian at nagsimula na kami sa klase namin.

I'm avoiding her eyes. Ayoko na magkatinginan pa ulit kami. Kasi baka mamayang gabi, hindi na naman ako makatulog.

At isa pa, inaantok talaga ako. Sobra! Pero nakikinig pa rin naman ako.

Hanggang sa matapos na ang klase namin sa kanya.

Nauna akong lumabas para wala ng time para mapansin ko siya.

Then the day went on. Lahat ng subjects ko, present ang mga professors at instructors. Oh diba? Bongga! Ngayon pa talaga kung kailan antok na antok ako.

Natapos ang araw na ito. Feeling ko pagod na pagod ako. At nahihilo ako. Siguro naman mamayang gabi makakatulog na kaagad ako.

Pagkatapos ng klase namin. Uuwi na sana ako pero biglang bumuhos yong ulan.

Napakasaya ko naman talaga no? Napaka perfect timing ng ulan. Si chynna at katrina kanina pa umuwi. Hindi pumasok sa last subject. Wala akong payong kaya magpapaulan nalang siguro ako.

************************************

RHIAN POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. I don't know why. Pero hindi pwede na hindi ako pumasok kasi third day ko palang ngayon. Nagpapa impress pa ako.

Pagdating ko sa school, pumunta muna ako sa faculty office. Kinuha ko yong lessons ko today at aalis na sana ako ng pumasok si Solenn sa faculty office.

Solenn: "Good morning beautiful."

Me: "Good morning too."

Solenn: "Oh bat parang puyat ka?"

Me: "Oo eh. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. I don't know why."

Solenn: "Baka naman mag iniisip ka, or may nag iisip sayo. " Nakangiti nyang sabi.

Me: "Wala naman akong iniisip eh. Teka, kaw din naman ah? Mukhang puyat din."

Solenn: "Yes, hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ko nga alam eh. Kasi usually pagdating ko sa bahay natutulog kaagad ako pero kagabi, wala eh. Madaling araw na ak nakatulog."

Me: "Ganon ba? Oh sya, alis na muna ako ha? Kasi may klase na ako."

Solenn: "Yeah, sure."

Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman ako feelingera ha? Pero sya kaya yong dahilan kung bat di ako nakatulog ng maayos kagabi? O may iba pa?

Dumating ako sa first class ko. At syempre nag roll call ako, pero this time, hindi sakin tumitingin si Glaiza. May problema kaya sya?

Habang nagkaklasw ako, pasimple akong tumitingin sa kanya. Gusto ko lang masure kung okay sya. Kasi siya lang sa whole class ang di tumitingin sakin.

At yon, nakita ko ang itsura nya, mukhang puyat din sya. Pati sya? Bakit kaya? Nacurious tuloy ako.

Pagkatapos ng klase namin, sya talaga yong pinakaunang lumabas, and that's where I know that she's avoiding me. But why?

I want to talk to her, pero mukhang awkward naman dahil wala naman akong right na kausapin sya. I'm just her teacher!

Nabusy ako sa pagtuturo sa natitirang 5 classes ko. At nang matapos na, pumunta muna ako sa faculty para makapagrelax.

Buti nalang wala si solenn. Magiging mapayapa ang aking isipan. Hinintay ko lang na umabot ng 5 p.m. at saka na ako lumabas ng office para makauwi. Pero bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang may dala akong payong.

Pagkalabas ko ng building, I saw Glaiza, nasa gilid sya. At sa tingin ko, nagbabalak syang magpaulan.

Kaya naglakad ako papalapit sa kanya. Hindi niya siguro narinig ang mga yapak ko kasi hindi sya lumingon.

Tas naglakad na sya, natawa pa nga ako kasi hindi niya napansin na nasa likod nya ako.

Ang una nyang napansin ay ang hindi sya nababasa sa ulan. Kaya napalingon sya sa taas. Nakita niya siguro yong payong kaya napalingon sya sakin.

I smiled to her. Kasi nahiya din naman ako sa ginawa ko eh. I should just let her na mabasa sa ulan pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ginawa ko ito.

She looked shock, pero sandali lang yon.

Glaiza: "Thank you Miss."

Me: "Welcome. Bawal magkasakit!"

I don't know kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko. Natahimik kami pareho. Nakakahiya na kasi pareho kaming nakatayo lang, habang bumubuhos ang malakas na ulan.

After a minutes, nahanap ko ulit ang dila ko, kaya nagsalita ako.

Me: "Saan ba ang bahay mo? Hatid na kita?"

Glaiza: " Dyan lang sa malapit, okay lang naman akong mabasa Miss."

Me: "No! ------ I mean it's okay, pauwi na din naman ako."

Glaiza: "Sige po. Kung okay lang sayo."

Me: "Yeah sure."

Kaya naglakad na kami papunta sa bahay niya. At nang makarating kami, humarap sya sakin at ngumiti.

Glaiza: "Thank you!"

Me: "No problem."

At naglakad na ako pabalik sa University para balikan ang kotse ko. Para makauwi na ako.

Pagdating ko sa kotse ko, saka naman tumila ang ulan. Parang nananadya lang ang panahon.

And then I drove home.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon