The Talk

1.9K 80 0
                                    

GLAIZA POV

So lumabas na ako ng bahay, at naglakad papunta sa bahay ni Rhian.

Pagdating ko, nakabukas ang pinto at sobrang dilim ng bahay. Shit!

Bakit walang ilaw?

Bakit nakabukas ang pinto?

Where's Rhian?

Mga tanong sa isip ko. Hinanap ko ang switch ng ilaw, at nang lumiwanag na ang paligid, I called her name many times, pero hindi sya sumasagot! Hindi ko rin sya makita.

Nako naman mine! Asan ka ba? Kinakabahan na talaga ako.

Hinanap ko sya sa kwarto, sa banyo, sa sala pero wala sya. Baka nasa kusina. Kaya pumunta ako doon, pagdating ko, nandoon nga sya, nakahiga sa sahig. Tulog na tulog.

Ano bang pumasok sa isip nito at dito pa natulog? Nilapitan ko sya, at doon ko nalaman na nakainom pala ito. Probably, drunk sya.

Pilit ko syang tinayo, buti nalang nagising sya, kaya tinulungan ko syang umupo.

Rhian: "Nandito ka pala."

Me: "Ano bang pumasok sa isip mo?  Bakit ka ba naglasing?"

Rhian: "Bakit ka ba nandito? I told you to leave diba?"

Me: "Wag ka ngang ganyan. Stop being such a brat. Mag usap tayo."

Rhian: "Ano pa ba ang dapat nating pag usapan? Gusto mong umalis diba? Gusto mo akong iwan."

Me: "No! Hindi yan totoo. Just hear me out, okay?"

Pero hindi sya nagsalita, yumuko lang sya.

Me: "Please."

Hinawakan ko ang mga kamay nya. She look at me, tapos tumango sya.

This is my chance!

Me: "Mine, alam mo naman diba kung gano kahirap ang buhay namin? At alam mo rin na gustong gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang parents ko. This is my chance! Tsaka unang trabaho ito na lumapit sakin, atleast hindi na ako mahihirapan pang maghanap diba? I am doing this, not just for my parents, but also for us, sa future natin. Gusto ko na pagdating ng panahon, kaya na kitang buhayin. Na hindi na ako mag aalala sa gastusin at sa kung ano pa man. Gustong gusto kong sumama ka sakin, pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Naiintindihan ko na nandito ang buhay mo, ang trabaho mo. Kaya sana bigyan mo rin ako ng chance na pumunta doon mine. I really need this."

She just cried to me. I hugged her tight and rub her back. Alam ko kung gano kahirap ang sitwasyon namin. Pero alam kong parte ng buhay ang magkaroon ng problema at mga ganitong bagay na kailangang pumili. Nasa sa atin pa rin naman kung paano natin tutugunan ang mga pangyayari diba? I just hope na with this talk, maging maayos kami ni Rhian.

Ayokong masira kami. Mahal na mahal ko sya, at para rin naman samin ang gagawin ko.

*****************************************

RHIAN POV

After what she said, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung pano ba ako magsasalita.

Kaya umiyak lang ako ng umiyak habang yakap yakap nya ako.

Isipin ko palang na magkakalayo kami, parang di ko yata kaya. Pero siguro isa ito sa mga test samin, kung gano katibay ang relasyon namin. Kung kakayanin ba namin ang pagsubok na ito.

I asked myself kung kaya ko ba? Siguro kakayanin ko, kung dalawa kaming lalaban, at dahil nag explain na rin sya, clear na sakin ang lahat. Pero ano ba ang desisyon na dapat kong ibigay sa kanya?

Me: "Mine, kung sasabihin ko ba sayong hindi ako sasama, tutuloy ka pa rin?"

Glaiza: "Oo mine."

Sabi ko na nga ba! Hay.

I look down, at huminga ng malalim. I guess, hindi na talaga sya mapipigilan. Alam kong sa desisyon kong ito, nagtatalo ang puso't isip ko, pero tingin ko, ito ang makakabuti.

Me: "Mine, pinapayagan na kita pero I will stay here. Dito lang ako, maghihintay ako sa pagbabalik mo? Ha? Gusto ko araw araw mag skype tayo, mag chat, mag text, magtawagan, lahat!"

Glaiza: "Syempre naman mune. Araw araw tayong mag uusap. Pangako ko sayo yan."

She look so happy, I guess I just have to feel the same way.

Niyakap ko ng mahigpit si Glaiza, ngayon palang labis na ang pagkamiss ko sa kanya. Pero kakayanin namin ito.

Me: "Mine, wag kang magloloko doon ha? Pakabait ka."

Glaiza: "Nako mine, hinding hindi mangyayari yan. Dahil kaw lang ang love ko. Wala na akong hahanapin pang iba."

Me: "Pangako mo yan ha?"

Glaiza: "Pangako."

Then I kissed her. Bumuti na ang pakiramdam ko ngayong nagkausap na kami.

Ngayon palang nalulungkot na ako. Nasanay na kasi akong palagi kaming magkasama. Umabot kami ng four years, tapos ngayon palang kami magkakahiwalay. Ang hirap! Sobra! Pero kakayanin ko, namin.

Dahil nagugutom ako, pinagluto ako ni Glaiza ng makakain. At nong ready na, sinubuan nya ako. Para akong baby ngayon, pero gusto ko ito. Gusto ko rin kasing sulitin ang natitirang mga araw namin together.

Pagkatapos kong kumain, naisipan namin manood ng movie. Dahil mahilig ako sa horrot movie, yon ang panonoorin namin. Pero itong si Glaiza, sobrang matatakutin pala. Kaya panay ang tawa ko.

Inaboy kami ng hating gabi sa panonood lang, at nang makaramdam na kami ng antok, saka lang namin pinatay ang tv at pumunta sa kwarto para mahiga na.

Pero dahil nakainom ako kanina, feeling ko lagkit lagkit ko, kaya naman naligo muna ako. Paglabas ko ng banyo, tulog na si Glaiza.

Kaya tumabi nalang ako sa kanya and held her close to me.

I keep on staring at her. Gusto kong mamemorya lahat ng anggulo nya, then I took some pictures of her while sleeping, para pag wala na sya dito, may mga pictures sya na makikita ko.

Hay! I really gonna miss her. Hindi ko na naman mapigilang maluha, pero pinipigilan kong mag ingay, dahil ayokong magising si Glaiza. I kiss her a couple times and hugged her tight. Buti nalang hindi sya nagigising. It took me one hour na ganito lang ginagawa ko sa kanya. Parang ayokong bumitiw sa kanya at ayokong mawala sya sa paningin ko. Kaya tinitigan ko lang sya hanggang kaya pa ng mga mata ko.

At 3 a.m. doon lang ako dinalaw ng antok. Kaya sumiksik ako sa may kilikili nya, and close my eyes. This is my favorite part of her, pag inaantok na ako, yong kilikili nya ako nakaunan.

Be strong Rhian! I said to myself and drifted to sleep.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now