Love me, Teacher!

2.2K 79 2
                                    

RHIAN POV

Bago pa kami makarating sa faculty room. Nakabangga na naman ako ng tao.

Ano ba yan? Hindi na makatarungan ito ha? Dahil hindi naman ako clumsy, pero bakit palagi nalang akong nakakabangga ng tao?

Nahulog ang mga gamit ko, kaya pinulot ko ang mga gamit ko, with her help.

Me: "Ano ba yan? Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." I said pero hindi ako nakatingin sa taong nakabangga ko.

Hindi naman ako galit, pero nakakaasar lang kasi. Hindi ko alam kung routine na ito ng buhay ko, o talagang may mga clumsy na tao sa paligid ko.

Her: "Sorry ma'am. Hindi ko po sinasadya."

Napatigil sa ginagawa ko ng mabosesan ko sya.

Me: "Glaiza?" Napatingin ako sa kanya.

Nang makita ko ang mukha nya, wala akong makapa sa puso ko na galit sa kanya dahil sobrang miss na miss ko na sya.

Glaiza: "Ako nga. Hello ma'am."

Me: "Ma'am mo mukha mo."

Namula ako ng sinabi ko yan. Sobrang saya ko ng makita ko sya. Siya naman ay napangiti.

Glaiza: "Pwede ba kitang yayaing lumabas?"

Me: "Ha?"

Glaiza: "Sabi ko po, pwede ba kitang yayaing lumabas?"

Hindi na dapat ako mag isip pa, dahil gustong gusto ko talaga syang makausap.

Me: "Sige." Yon lang ang nasabi ko, nawala yong dila ko ng makita ko sya eh.

Tapos ang ganda ganda pa nya, para syang yong estudyante ko dati, yong una ko syang nakita, ganun ang aura nya eh. Naalala ko tuloy ang mga times na yon.

Sya na ang pumulot ng iba ko pang mga gamit, dahil nakatingin lang ako sa kanya.

Glaiza: "Okay ka lang? Baka matunaw na ako nyan."

Saka ko lang napansin na kanina ko pa pala sya tinitingnan.

Me: "Yeah, I'm fine."

Tumayo na ako.

Glaiza: "Let's go."

Me: "Ngayon na ba?"

Glaiza: "Yeah. Kung okay lang sayo."

Me: "Solenn."

Tumingin ako kay Solenn, kasi diba sabay sana kaming pupunta sa faculty.

Solenn: "Go girl, bye." Nakangiti nitong sabi, at naglakad na palayo samin.

Me: "Tara?"

She held my hand, at Nag HHWW (holding hands while walking) kaming dalawa papunta sa parking lot.

Nadaanan pa namin si Chynna at Katrina.

They were smiling to us. And that gives me a goodluck.

Feeling ko hindi kami nagbreak. Well, sya lang naman nakipagbreak diba? Kaya hindi ko talaga iisipin yon, kasi hindi naman ako bumitaw.

Para kaming bagong magkakilala ngayon, kinikilig ako sa kanya.

Pagkapasok namin sa kotse ko, sya yong nagdrive. Naks, sweet.

Me: "San tayo pupunta?"

Glaiza: "You'll know it when we get there."

Me: "okay."

Tapos pinaandar na nya ang kotse and then we were on our way to a magical place. Sana nga magical talaga.

I don't know kung anong balak nya, kaya nya ako niyaya, pero I was hoping that it would turn out just fine, kasi yon talaga ang gusto kong mangyari.

************************************

GLAIZA POV

Maaga kaming nagising na magkakaibigan. Syempre, sunod sunod kaming maliligo eh. Apat kami na nasa pila.

Napakasupportive talaga nila, biruin mo, may mga dala pala silang damit sa mga bag nila. Bongga diba? Girl scout siguro ang mga ito dati.

So yon, si Solenn muna, tapos si Kat, tas si tol, then ako na yong last na naligo samin.

Pagkatapos naming maligo, lumabas na kami ng kwarto para magbreakfast. Thanks to my mom, may pagkain na kaagad kami. Ang bait talaga ni mama.

Mabilis kami kumain kasi kailangan naming maunahan si Rhian sa University, knowing na masyadong maaga yon kung pumasok.

So yon, kanya kanya na kami ng alis, pagkatapos naming kumain.

Gustong gusto ko talagang maramdaman nya ang una naming pagkikita, basta ganun, yong parang tingin nya palang sakin maiinlove na sya kaagad.

Namiss ko din naman kasi sya, and I was so wrong to hurt her like that, tapos nakipagbreak pa ako, sising sisi ako sa ginawa ko. Kaya I will do anything to make this right.

She deserve so much better. Ako ang unang naisipan ng mali, kaya dapat pinakinggan ko muna sya, malay ko ba kung mali din yon iniisip ko sa kanya. Katulad ng inisip nya sakin. Diba? Ang tanga ko lang kasi nagpadala ako sa emosyon ko. Na hindi naman dapat.

Anyway, andito na kami sa University, sa kanya kanya naming places. I hope everything would turn out just fine.

Sinilip ko sila kung papunta na sila sa faculty. Dito kasi ako nakatago.

Ito lang kasi yong naisip ko na paraan para maalala nya ang unang araw namin. Yong mga times na estudyante pa ako. Ganon.

Then yon, maya maya nakita ko na silang naglalakad papunta sa direksyon ko. Kaya naman nagready na ako.

Tapos nung papalapit na sila, sinadya ni Solenn na sa direksyon ko si Rhian dadaan. Busy kasi ito sa pakikipag usap sa kanya.

At boom! Nagkabanggaan kami. Pero hindi ko naman nilakasan yong pagbangga sa kanya. Baka masaktan sya. Sakto lang na mahulog yong mga gamit nya, ang pagkakabangga ko sa kanya.

Tapos yon, mukhang nairita sya. Kaya di nya ako tiningnan nagbusy lang sya sa pamumulot ng gamit nya.

Hay nako, ang ganda talaga ni rhian. Sobrang inlove talaga ako sa kanya. Sana ganoon pa rin sya sakin.

Tapos ng magsalita ako, mukhang nagulat sya. Sabi ko na nga ba, hindi nya ako nakita.

Nagkatitigan kami, and I know that she still loves me. And I'm so happy about it.

I really missed her. I wanna hug her and kiss her. Pero hindi naman pwede na ganoon lang kaagad diba? Kaya I made plans for it.

Buti nga pumayag sya na sumama sakin. Kaya ito kami ngayon, on our way to a magical world.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now