The Preparation

2K 73 0
                                    

GLAIZA POV

Salamat talaga sa friends ko dahil napakasupportive nila. Habang busy sila kay Rhian. Ako naman, busy kung pano ulit ako manliligaw sa kanya. Syempre, tutulungan ako ng mga friends ko na gawin yon.

So iyon, inisa isa ko kung pano ang gagawin nang maayos ang mga plano ko. At nang okay na, saka ako pumunta sa kwarto ko, upang magpahinga.

Alas 11 na ng gabi, kaya alam kong kailangan ko ng matulog, para naman maganda ako bukas, pero bago pa man ako makatulog, tumawag si Chynna. Hating gabi na, gising pa sya. Kaya sinagot ko ito.

Me: "Hello tol, bakit?"

Chynna: "Tol, nandito kami sa labas ng bahay nyo."

Me: "Ano? Bakit?"

Chynna: "Makikitulog sana kami."

Me: "Bakit saan ba kayo galing? Hating gabi na ah."

Chynna: "Kay Rhian. Ngayon lang kami natapos, para wala na talaga syang reason para pumunta dito."

Me: "Ganon ba?"

Chynna: "Papasukin mo na kasi kami."

Me: "Sige ba."

So yon, bumaba ako para pagbuksan sila ng pintuan.

Me: "So sa kwarto tayong apat? Di pa kasi tapos yong guest room namin eh."

Chynna: "Okay lang yan, ngayon lang kaya tayo nagkakasama ulit."

Kat: "Oo nga, kaya okay lang magsiksikan tayo."

Solenn: "Ako kahit sa sahig, okay lang."

Me: "Haha, wag na, sa bed nalang tayong apat. Total malaki naman yon eh."

Pumasok na kami sa kwarto. Inayos ko ang higaan para magkasya kaming apat.

Dati kaming tatlo, hindi kasya sa kama ko, pero ngayon, maluwag pa. Kaya nakakatuwa ngayon dahil may proof na nag improve na talaga ang buhay namin. At dahil yon sa sakripisyo ko sa L.A. at sa mga magulang ko na sobrang mapagmahal at supportive.

Nang mahiga na kami, biglang may naalala si Chynna kaya nagsalita ito.

Chynna: "Tol, alam mo ba, papunta sana dito si Rhian kanina."

Kat: "Buti nga inabutan pa naman. Palabas na sya."

Me: "So pupunta pala sya dito? Ang sweet nya talaga, nagpakumbaba talaga sya para sakin."

Napangiti tuloy ako. Pero nawala kaagad ito nang magsalita si Solenn.

Solenn: "Kapal mo eh."

Me: "Ouch ka naman Solenn."

Solenn: "Aba'y totoo naman. Kaw nakipaghiwalay, tapos sya pupunta dito. Hay nako! You're getting on my nerve talaga."

Chynna: "Relax ka lang babe. Atleast napigilan natin ang pagkikita nila diba? So may magagawa pa rin si Glaiza bukas."

Solenn: "Hay, sige na nga. Ayusin mo lang Glaiza. Nanggigigil talaga ako sayo."

Me: "Opo."

So yon, pinag usapan namin ang para bukas, at napuno ng tawanan ang kwarto ko. Basta exciting to bukas. Sana lang mabingwit ko si Rhian nito.

Madaling araw na nga kami nakatulog eh kasi naman, namiss ko din sila. Ang tagal naming walang bonding eh.

Medyo nag inuman din kami, pinakabonding na namin.

So ayon, nakatulog na nga kaming apat.

And I dreamed about rhian. Siguro isa itong hint na magiging maayos kami bukas.

Hopefully.

************************************

RHIAN POV

Hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako nakahiga. Akala ko nga makakatulog kaagad ako, kasi pagod ako, pero wala eh. Ayaw ng mga mata kong pumikit at matulog.

Kaya tumayo nalang muna ako at naupo sa gilid ng kama ko.

Naalala ko na kakausapin ko pala bukas si Glaiza kaya dapat maging ready ako. Ano ba dapat ang gagawin ko?

Kailangan ko bang speech? O kung ano pa ba? Kailangan ko bang magmakaawa?

Hay, Glaiza, I'm losing my mind. Sana magkaayos na tayo bukas.

Nagpractice ako ng mga sasabihin ko para bukas, kasi feeling ko mauutal ako bukas. Haha

Humiga lang ako sa kama ko, habang nakatingin sa kesame.

Grabe, hindi talaga ako makatulog, kaya lumabas nalang ako ng kwarto ko at nagtempla ng gatas. Tapos dinala ko ito sa sala at doon ininom.

Then binuksan ko ang TV ko, at nanood nalang ng movie. Para mapagod yong mga mata ko.

Inabot ako ng dalawang oras, bago ako inantok. Sa sala nalang ako matutulog, para mabilis lang ako magising. Kasi enrollment na bukas. Kailangang maaga akong magising.

So yon, nakatulog na ako.

I don't know how long did I sleep, basta nakarinig nalang ako ng pagtawag sa pangalan ko.

Kaya minulat ko ang mga mata ko. Si yaya pala ang tumawag sakin.

Yaya: "Ma'am, alas 6 na po ng umaga."

Me: "Oh my G!"

Kasasabi ko lang kanina na kailangan maaga akong magising pero hindi ko naman nagawa. Buti nalang nandito si yaya.

Agad akong napabalikwas ng bangon at tumakbo papunta sa banyo.

Nako! Kung hindi pa ako ginising ni yaya, hindi ko pa malalaman na 6 na pala. Dapat 7 nala school na ako.

Kaya nagmadali na akong kumilos, naligo ako ng mabilis at pagkatapos, nagbihis ng maganda. Then lumabas na ako para magbreakfast.

Syempre kakain ako. Sayang naman niluto ni yaya diba? Sarap nya kasing magluto. Napadami ang kain ko. And then, nagtoothbrush ako, at nag make up. Pero light lang. Then pumunta na ako sa kotse ko, at nagdrive papunta sa school.

As usual, madami na naman ang estudyante kahit sa may gate palang. Napangiti ako dahil I really love my job. Simula na naman ng trabaho ko.

Pagkatapos kong magpark, nagulat pa ako kasi nakita ko si Chynna at Katrina na nakaupo sa dati nilang tinatambayan, nong nag aaral pa sila.

Naks, so yon lumapit ako sa kanila.

Me: "Hi Chynna, Katrina. Anong ginagawa nyo rito?"

Chynna: "Wala naman, nakikitambay lang. Hehe namiss kasi namin maging estudyante."

Kat: "At namiss ka namin bilang teacher."

Me: "Nako naman, nakakatouch naman kayo."

They just smiled to me. Namiss ko din silang maging estudyante, lalo na yong number 1 sa klase ko. Si Glaiza.

Me: "So pano, punta na muna ako sa faculty room."

Chynna: "Sige ma'am."

Kat: "Bye ma'am."

Me: "Ma'am talaga? Sige na, alis na ako."

Napakaweird talaga nila, simula pa kahapon pero siguro ako lang yong nawewerduhan sa kanila.

Sabagay, 1 year na rin naman kasi lang graduate, kaya madalang nalang kaming magkita kita.

Anyway, naglalakad na ako papunta sa Faculty room, nang makasalubong ko si Solenn.

Solenn: "Good morning"

Me: "Good morning."

Solenn: "Sabay na tayo?"

Me: "Sure."

Bakit ngayong araw lahat sila nakita ko? Haha iba na talaga ito. Promise. Si Glaiza nalang ang kulang.

Pero hindi ko na masyadong iniisip at naglakad na ulit kami.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now