First Meeting

3.6K 122 4
                                    

RHIAN POV

Buti nalang dumating na kaagad yong food namin. Napaka awkward ba kasi ng pinag uusapan namin.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kaagad ako sa kanina. Gusto ko na kasing umuwi. Buti nalang, pumayag na sya, may lakad din naman daw sya.

Later that night.

Hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong pwesto na ginawa ko pero walang epekto. Siguro sa sobrang excitement ito na nararamdaman ko. Ganito pala ang feeling noon.

Kaya sumuko na ako, at tumayo nalang para ayusin ang mga gamit ko para bukas. Pati yong damit ko ready na.

And then, I went outside of my room para pumunta sa kusina, iinom nalang ako ng gatas. Tapos bumalik ako sa kwarto and I tried to sleep. Buti nalang dinalaw na ako ng antok, at yon nakatulog na ako.

Pagkagising ko, it was 5 o'clock in the morning na pala. Kaya tumayo na ako at mabagal na naglakad papunta sa banyo. Inaantok pa ako eh, pero kailangan ko ng tumayo.

Agad akong nag shower para mawala ang antok ko. And then nagsabon na ako at nagshampoo, tas nagconditioner. At pagkatapos nagbanlaw na rin.

Then, pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang blower at pagkatapos lumabas na ako ng banyo at nagbihis.

After that, kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.

Dumiritso ako sa kusina para makapagbreakfast. Luckily, naabutan ko pa si mom and dad na kumakain.

Me: "Good morning." I said to them.

Dad: "Good morning too anak." Bahagya nya akong tiningnan.

Mom: "Good morning too anak. Magbreakfast ka na." Sabi ni mama at nagsimula na syang kumain.

Umupo na ako at kumain na rin.

Dad: "Goodluck anak." Nakangiting sabi niya.

Napangiti rin ako. Atleast ngayon sinuportahan ako ng dad ko.

Me: "Salamat Dad." Sabi ko.

Mom: "Take care, okay?"

Me: "Yes mom." Sagot ko sa kanya.

Nagpatuloy kami sa pagkain, napasarap ang kain ko kaya nakadami ako. Dahil yan sa parents ko.

Ang sarap ng feeling na suportado ka ng parents mo sa gagawin mo.

Soon enough, natapos na kaming kumain, sabay sabay na kaming pumunta sa garage. I have my own car kasi, syempre kailangan ko ito para mapadali ang mga lakad ko.

Nagsimula na akong bumyahe papunta sa University. At nang makarating na ako, ang lamig ng mga kamay at paa ko. Syempre, magtuturo na ako ngayon.

Nagpark ako at kinuha ko ang list ng mga klaseng tuturuan ko at kung saang room ako pupunta.

Nang malaman ko na, lumabas na ako sa kotse ko at naglakad papunta sa first class ko.

Pagdating ko doon, di ako sure kung nasa tamang room ako, dahil baka ibang students pa ang nandito.

So I asked them, at buti nalang tama ang pinasukan kong room. Agad ako nagpakilala at nag roll call na rin ako, then nag start na sa pagtuturo.

Sana maging successful ang araw ko.

************************************

GLAIZA POV

I woke up early and started preparing para pumasok. Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako dala ang mga gamit ko.

Mama: "Oh anak, mag almusal ka muna. Papasok ka na namang walang laman ang tyan. Halika dito." Sabi sakin ni mama. Maaga sana akong papasok.

Me: "Ano po ba almusal natin ma?" Tanong ko.

Mama: "Pandesal at may itlog dyan, mag milo ka na rin para mainitan yong tyan mo." Sabi ni mama na nagpaplantsa ng mga damit ko.

Me: "Kaw ma, mag almusal ka na rin po."

Mama: "Mamaya na anak, tapusin ko lang ito. Kumain kana dyan para makapasok ka na."

Me: "Si papa."

Mama: "Maagang pumasok anak."

Nagdali na akong kumain para maaga akong makapasok. Tapos nagpaalam na ako kay mama at nagsimulang maglakad papunta sa University.

Pagdating ko sa may gate palang, may napansin akong kotse na ngayon ko lang nakita sa College namin.

Kabisado ko kasi ang mga nakapark dito. Haha O.A. ang isip ko eh. Siguro may bago instructor or professor sa college namin.

Siguro sya yong kapalit ng prof namin dati. Naks, mukhang mayaman. Sana mabait sya.

Naglakad na ako papunta sa College namin at wala pa ang friends ko kaya dumiritso nalang ako sa room namin.

Maya maya dumating na din naman si Chynna at Katrina ay absent.

Yong baabeng yon, hindi nag iisip na sayang yong perang binabayad nya dito sa University.

Hay nako! Buti pa si Chynna, pumapasok kahit ayaw mag aral. Oh diba? Ang galing talaga ng mga friends ko.

Busy kami ni Chynna sa facebook nya ng may pumasok sa room namin. Nasa front row kami kaya napatingala ako sa kung sino anv dumating kasi nakatakong ito.

Actually, simula sa paa ang tingin ko hanggang sa umabot sa mukha nya.

Isang anghel ang nakita ko. Pano sya napunta dito? Pano sya bumaba mula sa langit?

Napaka ganda nya. Matangkad din. Napaka amo ng mukha. Tapos sexy pa.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Maya maya, sinara ni Chynna ang bibig ko na kanina pa pala nakanganga.

Chynna: "Tol, easy lang. Baka may langaw na makapasok dyan. Isara mo."

Me: "Sira!"

Chynna: "Asus. Nakita ko yon eh. Nakanganga ka kay Ma'am. Muntik pang tumulo laway mo."

Inirapan ko nalang sya para tumigil na.

Pagkalapag ng bag ni beautiful girl sa lamesa, saka sya nagsalita.

Her: "Good morning everyone. Ako nga pala ang kapalit ng dati nyong professor."

Chynna: "Wow! Ang ganda ng ipinalit kay Prof. Naks!"

Her: "By the way, my name is Rhian Ramos, and let's start with the roll call."

So Rhian Ramos pala name niya? Napakaganda, bagay na bagay sa kanya. Napangiti ako. Ano ba ito? Nandito ako, para mag aral, hindi para pumansin sa mga magagandang pangitain.

She called my name, at nagkatitigan kami. Feeling ko nahypnotize ako sa kagandahan nya talaga. Hindi ako makapag focus ngayon. Ayoko ng ganitong may distraction sa pag aaral ko. Baka maging sagabal ito para makapagtapos ako. Kaya I shake my head and tried to focus on my studies.

After ng roll call, nagsimula na syang magturo and I can say na magaling sya, at matalino. The whole time na nagsasalita sya, I lend her my ears. As in, wala talaga akong pinapansin. Kahit si Chynna, kay ma'am lang talaga nakatingin.

After ng klase namin sa kanya. Parang nalungkot ako. Ganado na kasi ako sa pakikinig sa kanya tapos matatapos kaagad. Kasi naman isang oras at kalahati lang ang klase namin ss kanya.

Kaya bago pa ako malungkot ng todo, pumunta na kami sa sunod naming klase.



Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now