Letting Go

2.5K 91 2
                                    

GLAIZA POV

It's been a week since that awkward moment, since that denial moment. At simula ng araw na pumasok ulit ako sa University, nag iba na si Ma'am Rhian sakin.

Sakin lang talaga, kasi sa iba okay naman sya kahit kay Chynna at Katrina, okay sya. Pero ako lang talaga ang hindi nya pinapansin.

Mas okay nalang din yon, lumayo sya sakin para makalimutan ko na din nararamdaman ko sa kanya. Inshort pamatay puso!

Since hindi na niya ako pinapansin sa klase namin, sa written nalang ako bumabawi. Para wala syang rason para ibagsak ako.

After ng klase namin sa kanya. Nauna kaagad akong lumabas, kanina ko pa gustong gawin yon eh. Sa walas natapos na rin ang klase ko sa kanya.

Sunod na klase ko ay kay Ma'am Solenn. Well, bida ako sa klase nya. Palagi naman eh. Magandang magturo si Ma'am Solenn, at mabait din siya. Kaya nga favorite teacher ko sya. Pero mas favorite ko pa rin si ma'am Rhian.

Kumusta na kaya ang estado ng relasyon nila ni maam Rhian? Hanggang ngayon kasi nasa stage pa ako ng pagmomove on. Sana maging maligaya silang dalawa sa isa't isa.

So yon, habang nagkaklase kami, syempre nag eenjoy ako, pero mas nag eenjoy si Chynna sa kapapanood kay maam. Nakakatawa nga sya rh. Hindi pa rin kasi sya sumusuko kay Maam Solenn.

May napansin din ako kay tol eh. Pagdating kay maam active sya. Palagi din syang pasado sa quizzes. Naks! Iba talaga pag inspired. Bagong buhay!

Si Kat, wala pa ring nababanggit kung sino gusto nya. Mabuti nalang din yon, para bawas gulo sa isipan naming magkakaibigan.

Pagkatapos ng klase namin, syempre lunchbreak na. Kaya nagpunta kami sa restaurant na malapit lang dito sa University para hindi na kami mapalayo, bawas gastos pa sa gas.

Pagkapasok namin, pinili kong maupo sa tapat ng glass para nakikita ko lang ang labas. Si Chynna naman at Kat ay magkaharap.

Si Katrina ang umorder para samin kasi feel nya lang daw na gawin ito. Sweet nya! Minsan nya lang gawin yan, kay go kaagad kami sa gusto nya.

So yon, habang naghihintay kami kay Kat at sa pagkain namin, biglang dumaan si Ma'am Solenn at Ma'am Rhian.

Okay na sana eh. Okay lang sakin na makita sila na magkasama. Pero ang makita silang magkaholding hands habang naglalakad with matching tawanan pa. Masakit! Shit! Promise, parang nadurog ang puso ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Chynna. Kailangan ko talagang gawin yon. Dahil wala akong masabi.

Nang hinawakan ko ang kamay ni Chynna, napatingin sya sa tinitingnan ko, at sabay naming nakita na napatingin si Maam Rhian sa kinaruruonan namin, at umirap ito.

Ouch! Sobrang ouch. Ganon nalang ba nya ako ka-hate na umirap pa talaga sya. Parang sinadya pa nyang gawin ang pagdaan dito.

Suddenly, I feel my tears fall down on my cheek. Ayan! I hate this feeling. Wala akong karapatan na masaktan dahil hindi ko naman din inamin sa kanya ang nararamdaman ko.

Pinunasan ko ang mukha ko, at tumingin kay Chynna. Tapos niyakap nya ako, I swear mas lumala pa ang nararamdaman kong sakit ng niyakap nya ako.

I just cried on her shoulder hanggang sa dumating na si Kat at ang pagkain namin.

Hindi na nagtanong si Kat, siguro alam na nya ang nangyari. Kaya tahimik lang kami at nang mahimasmasan na ako, saka na kamin nagsimulang kumain.

Tapos bigla akong nagsalita na ikinagulat nila.

Me: "I'm letting her go!"

Napatingin silang dalawa sakin ng What Look.

Me: "What I mean is, I'm letting my feelings go! Promise bukas wala na sya para sakin at hindi na ako magpapaapekto sa kanya."

Tumango lang ag dalawa, na para bang napipilitan lang na sumang ayon. Basta bahala sila. Yon talaga gagawin ko. Madali lang naman yan, pag pinush ko talaga ng todo.

*****************************************

RHIAN POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng sabihin ni Glaiz na wala syang nararamdaman sakin.

At sinabi ko talaga sa sarili ko na kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya.

Kaya noong pumasok na sya, hindi ko na talaga sya pinansin. I called her name sa list, pero hindi ko sya tinitingnan, obvious naman na nandito sya eh.

At pag recitation na, I made sure na ibang tao ang tatawagin ko. Sinasadya ko talagang gawin ito dahil naiinis ako sa kanya. At ayoko na magkaroon kami ng eye contact.

After ng klase namin, sya palaging nauunang lumalabas, kaya walang chance na magkausap kami, or kahit na anong tinginan. Okay na rin yon!

I'm letting my feelings go away na! Ayaw nya sakin diba? Edi ayaa ko rin sa kanya. Mas mas mabuti nalang din yon, dahil hindi rin naman kami bagay. Dahil teacher ako at student ko sya.

After ng second class ko, lunchtime na pala. Hindi sana ako kakain, kaso lang, niyaya ako ni Solenn na kumain sa labas. Kaya kakain nalang ako.

We choose to walk, para naman makapag exercise kami. Tapos yon, she was telling me jokes, kaya panay ang tawa ko. And when she hold my hand, hinayaan ko sya. Nasanay na rin naman ako eh. Araw araw naman nyang ginagawa iyon.

Then I saw Glaiz staring at us, sakin pa nga siguro. Since I was mad at her, for making me feel like this, inirapan ko sya.

Pero bago ko ginawa yon, nakita ko na teary eyed sya. What happened to her? I don't know at ayoko ring malaman. Ayoko ng umasa. Nasaktan na ako eh at umasa sa wala. Kaya ngayon, wala na syang mapapala sakin.

Dumiritso kami ng lakad at sa kabilang restaurant kami kumain. Buti nalang dahil baka hindi ako makakain kung nasa malapit si Glaiza.

Until now, hindi pa rin alam ni Solenn na nagkagusto ako kay Glaiza. Ayoko rin namang sabihin sa kanya. Para hindi naman sya maoffend. Diba? Tsaka I'm learning to love Solenn. Ano pa ba ang hahanapin ko? Mabait sya, maganda, maalaga, at higit sa lahat mahal nya ako.

Oh diba? Pwede ko naman syang pag aralang mahalin eh.

Habang kumakain kami, Dumaan si Glaiza at ang mga kaibigan nya. At sa itsura ni Glaiza, she looks mad. Bakit kaya? Sakin ba sya galit?

Hay nako! Affected na naman ako. Arg! Let go na nga kasi! Sabi ko sa isip ko. At nagpatuloy na ako sa pagkain kp.

Pagkatapos noon, bumalik na kami sa University para ipagpatuloy ang pagtuturo namin sa afternoon class namin.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon