Confussion

2.5K 82 0
                                    

RHIAN POV

Nakadami na pala ko ng alak na nainom. My vision is so blurred and I can't stand anymore.

Tumabi si Solenn sakin at ipinatong ang ulo sa shoulder nya.

Solenn: "Okay ka lang ba?"

Me: "Yes, I'm fine. Umiikot lang ang paningin ko."

Solenn: "Gusto mo, punta na tayo sa hotel para makatulog ka na?"

Me: "Wag na muna. Dito nalang muna tayo."

Solenn: "Okay. Ayusin lang kita ha?"

Yon, nilagyan nya ako ng unan sa ulo tas pinahiga ako. Then nilagyan nya ako ng towel sa katawan, kasi diba naka two piece swimsuit lang ako.

Mabuti nalang may kasama ako, first time kong malasing eh. Then I feel asleep.

Hindi ko alam kung gano ako katagal nakatulog pero nagising ako dahil naduduwal ako. At yon na nga, sumuka ako ng sumuka. Hinimas himas naman ni Solenn ang likod kp. Nakakahiya!

Me: "Solenn, sorry ha? Nakakahiya sayo."

Solenn: "Okay lang yan. So ano? Punta na tayo sa hotel? Nilalamig ka na oh."

Me: "Mabuti pa nga siguro."

Naglakad na kami papunta sa hotel, pero bago kami makadating doon dadaanan namin ang cottage nila Glaiza. Tumingin ako sa cottage nila, at nakita kong tulog na si Glaiza. Habang si Chynna at Katrina ay nag uusap pa.

Dumiritso na kami ng lakad habang inaalalayan ako ni Solenn.

Nang makarating na kami sa kwarto namin.  May dalawang bed na magkatabi. Buti nalang, dahil talaga ako makakatulog na may katabi.

Pinahiga na nya ako sa kama at kinumutan. Tapos nagpaalam sya na kukunin lang ang mga gamit namin sa cottage.

Ang bait bait ni Solenn no? Ang ganda nyang maging friend. Sigurado akong magiging bestfriend kami. Pero hindi naman yon ang gusto nya eh. Gusto nya akong maging girlfriend. Hindi ko maimagine ang sarili ko na may girlfriend ako. Parang ang awkward noon.

Unti unting nawala ang lula ko, siguro dahil yon sa nakavomit na ako.

Tumayo ako at naglakad papunta sa terrace. Then naglakad lakad ako, when suddenly I bumped into someone.

Me: "Sorry, sorry."

Medyo magulo ang paglakad ko kasi nga lasing pa ako.

When I look at the person na nakabangga ko, I smiled.

Me: "Glaiza! Anong ginagawa mo dito? Kita mo, napakaliit ng mundo para satin. Yon nga lang hind mo ako gusto."

Nagulat ako sa nasabi ko. Bakit ko ba yon nasabi? Hindi ko napigilan ang dila ko.

She's just staring at me. Yong parang confused look.

Itong dila ko kasi, nawalan ng break. Ang awkward tuloy.

Me: "Wag mo ng isipin ang sinabi ko ha? Joke lang yon."

Glaiza: "You like me?"

Isa rin itong lasing eh. Hindi ko sya sinagot. Tumawa lang ako at na out of balance ako. Mabuti nalang nasalo kaagad ako ni Glaiza. Ang nangyari tuloy, nakayakap ako sa kanya. Habang masyadong malapit ang faces namin.

Parang tumigil ang mundo. Nagkatinginan lang kami. Then maya maya pareho kaming bumagsak.

Wala akong naramdamang sakit sa katawan, alam kong dahil ito sa kalasingan naman.

Pareho nalang kaming natawa sa nangyari.

Me: "Nasaktan ka ba?"

Glaiza: "Hindi naman. Kaw?"

Me: "Hindi rin."

Tapos tumayo kami at parehong tumingin sa langit. Ang ganda ganda ng bituin. Kasing ganda ng katabi ko.

Tapos bigla nalang nagsalita ang bibig ko.

Me: "Sorry."

Glaiza: "Para saan yang sorry mo?"

Me: "hmm, Basta, sorry."

I don't know why I'm apologizing to her. Basta feel ko na kailangan kong magsorry.

Tumahimik si Glaiza at nagpaalam na para bumalik sa kwarto nya. Kaya naglakad na rin ako pabalik sa kwarto ko. Then I went to bed and waited for Solenn to come back.

*****************************************

GLAIZA POV

Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Gabi na pala. Pagkamulat ko ng mga mata ko, nakita kong busy na sila Chynna sa pagliligpit. Kaya tumayo na kaagad ako at tumulong sa kanila.

Me: "Uuwi na ba tayo?"

Chynna: "Hindi pa. Pupunta lang tayo sa hotel. Doon tayo matutulog. "

Me: "Okay."

Tapos yon. Sabay sabay nagpunta sa room namin sa hotel.

Pagkapasok namin, may tatlong bed sa loob. Mabuti naman dahil ayokong may ka-share. Hindi ako sanay.

Naupo ako sa kama, habang yong dalawa ay nahiga na kaagad. At di nagtagal ay nakatulog din. Eh ako? Hindi pa ulit ako dinadalaw ng antok, kaya pumunta ako sa may terrace. At may nakabangga ako.

Sa boses palang nya, alam ko na kung sino sya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sinasadya talaga na magkaroon kami ng moment eh.

Rhian: "Sorry, sorry."

Halatang lasing pa rin ito. Tapos napatingi  sya sakin.

Rhian: "Glaiza! Anong ginagawa mo dito? Kita mo, napakaliit ng mundo para satin. Yon nga lang, di mo ako gusto."

Ano raw? I'm confused.

Hindi ko sya gusto? Nako! Kung alam nya lang sana.

Hindi ko na naman mahanap ang dila ko. Nasan kaya? Wala akong masabi. Kaya tiningnan ko nalang sya.

Rhian: "Wag mo ng isipin ang sinabi ko ha? Joke lang yon."

Me: "You like me?"

That's all I can say. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Gusto ko sanang ulitin nya pa ito. But she never did.

Then na out of balance sya. Buti nalang nasalo ko sya. Pero ang awkward ng pwesto namin dahil yakap nya ako habang ang mga mukha namin ay sobrang lapit.

Natetemp ako sa lips niya, pero kailangan ko itong pigilan, dahil hindi ito tama.

Tapos biglang rin akong na out of balance kaya natumba kami pareho. Natawa pa nga ako kasi nakapatong ako sa kanya. Agad kaming tumayo at natawa sa nangyari.

Then suddenly she said sorry to me, na ikinagulat ko. Nag isip ako kung para saan yon. Pero hindi nya sakin sinabi. I was hurt. Hindi ko mapigilang mag isip kung para saan yon?

Ang kinalabasan ng pag iisip ko ay, she's sorry dahil she doesn't feel the same way sakin. She's sorry dahil may nasabi sya na akala ko ay totoo pero hindi pala. And she's sorry dahil sya ang mahal ko, at ako hindi nya mahal.

Sana kasi sinabi niya nalang ang reason. Ang dami ko tulo naiisip. Kaya bago pa ako makapag salita ng kahit na ano, medyo nainis na kasi ako. Nagpasya nalang akong bumalik sa kwarto. Kaya nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa kwarto.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now