It Hurts

1.9K 81 0
                                    

GLAIZA POV

Pagkapasok ko ng bahay. Agad kong niyakap si mama. Umiyak ako ng umiyak sa kanya.

Hindi sya nagsalita, hinaplos haplos nya lang ang likod ko. Siguro alam na nya ang nangyari.

Nang kumalma na ako saka ako nagsalita.

Me: "Ma, wala na kami."

Mama: "Anak, kung hanggang doon nalang talaga kayo, wala kang magagawa. Pero kung alam mo sa sarili mo na may maaayos pa, gumawa ka ng paraan."

Me: "I don't know. Hindi ko alam ang gagawin ko, ako ang bumitiw."

Mama: "Bakit ka bumitiw?"

Me: "Kasi hindi ko na alam gagawin ko. Puro nalang kami away."

Mama: "Hmm, siguro kulang lang kayo ng open communication. Tingin ko kasi hindi na kayo nag uusap ng masyado. Lalo pa't malayo kayo sa isa't isa, kailangan nyo ng time para sa isa't isa."

Nakinig ako sa sinabi ni mama. Mukhang tama sya.

Me: "Noong nasa L.A. kasi ako ma, kulang kami ng time para isa't isa. Hindi na kami masyadong nag uusap, kas pareho kaming busy palagi."

Mama: "Yon na nga anak. Yon siguro yong kulang sa inyo."

Me: "Tingin ko nga ma."

Mama: "Oh sya, asikasuhin ko muna ang lunch natin. Kaw naman, pumunta ka sa kwarto mo para makapag relax ka dahil kararating mo lang anak."

Me: "Sige po."

Kaya yon, naglakad na ako papunta sa kwarto ko.

Iba na ito sa dati. Malaki na sya at maayos na maayos na ang mga gamit ko. Naka organize. Sigurado si mama at papa ang nag ayos nito. Sobrang sweet talaga nila.

Pumunta ako sa mga gamit ko, at nagawi ako sa album ko dati. Nandoon ang mga memories namin ni Rhian.

Isa isa ko itong tiningnan, at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Ang dami naming good memories, kaya mas lalong sumama ang loob ko. Natapos lang ang five years na relasyon namin sa ganito lang.

Kailangan ko ba syang pakinggan? Eh hindi nya nga ginawa sakin yon noon sa L.A. eh. Tapos baka magsinungaling lang sya sakin. Baka masaktan lang ako sa katotohanan o sa kasinungalingan nya.

Pinakatitigan ko ang picture namin ng araw na naging kami. Sobrang saya ko noon,,pati sya sobrang saya din.

Napahiga ako sa kama, at nag isip isip, ano ba ang dapat kong gawin? Sabi ni mama, kulang kami ng communication. Alam kong yon ang problema namin. Yon ang kailangan naming gawin.

Ramdam ko ang pagod ng katawan ko, siguro dahil sa byahe ito at sa sobrang iyak ko kanina.

Tumayo ako at pumunta sa banyo upang maligo. Pagkatapos noon, pinatuyo ko ang buhok ko at nahiga sa kama ko.

Susubukan ko munang magrelax at matulog, para mamayang gabi, okay na ang pag iisip ko.

Kakausapin ko si Rhian. Para malaman ko kung may aayusin pa ba kami o kung hanggang dito nalang talaga. I just have to be ready sa kung ano ang pwedeng mangyari.

Maya maya, nakatulog na nga talaga ako.

*****************************************

RHIAN POV

Nakarinig ako na para bang may tumatawag sakin.

Yaya: "Ma'am kain ka na po. Tanghali na."

Me: "Hindi pa ako nagugutom."

Yaya: "Sige na maam para mahimas masan ka."

Tumayo ako, ang sakit sakit ng ulo ko. Dinalhan ako ng pagkain ni yaya dito sa sofa. Ang bait talaga ni yaya.

Yaya: "Maam ito na po. Kumain na po kayo."

Me: "Salamat. Kaw ba kumain na?"

Yaya: "Tapos na po."

Tumango ako at nagsimulang kumain. Ang sarap ng niluto nya kaya napakain ako ng madami. Ang problema lang, naalala ko na naman ang nangyari samin ni Glaiza. Nakakalungkot talaga.

Then tumunog yong phone ko. Si Sheena tumatawag. Kaya sinagot ko ito.

Me: "Hello Sheena."

Sheena: "Hello Rhian. Puntahan ko kaya yong jowa mo, para maging clear sa kanya na wala kang ginagawang masama."

Me: "Wag na! Wag na wag mong gagawin yon. Ako na ang bahala sa problema namin."

Sheena: "Eh kasi ako ang naging problem nyo."

Me: "Just leave it to me. Okay?"

Sheena: "Okay, anyway, malapit na akong umalis girl. Mamimiss kita."

Me: "Ako rin."

So yon, nag usap pa kami ng matagal bago sya nagpaalam sakin.

Pagkatapos ng call na yon, feeling ko, nalulungkot na naman ako. Kaya I called Solenn. Sinagot nya naman kaagad ito.

Solenn: "Hello Rhian. What's up?"

Me: "Pwede ka bang pumunta dito sa bahay?"

Solenn: "Sure. Ngayon na ba?"

Me: "Oo sana, kung di ka busy."

Solenn: "Hindi naman. Sige na, pupunta na ako dyan."

Me: "Okay, bye."

Hay salamat. Kailangan ko talaga ng kausap ngayon eh. Masisira na ang ulo ko.

Dumating naman sya kaagad. Pagkapasok nya sa bahay ako kaagad ang napansin nya. Sino pa ba dapat?

Solenn: "What happened to you? You look a mess."

Me: "I know, I know."

Solenn: "Tell me, what happened?"

So ayon, sinabi ko sa kanya ang nangyari, simula sa L.A. hanggang sa paghihiwalay namin.

Solenn: "Aba'y ang sarap nyong pag untugin eh. Para kayong mga bata eh."

Me: "Ano ba Solenn. Kailangan ko ng advice."

Solenn: "Ang advice ko ay mag usap kayo. Makinig kayo sa isa't isa. Kasi kayo lang talaga makakaayos nyan. Walang iba."

Me: "Tama ka nga. Pero pano? Galit sya sakin, hindi ko sya makausap ng matino."

Solenn: "Yon lang. Puntahan ko kaya sya, at inuntog ko sa pader."

Me: "Ang harsh mo naman."

Solenn: "Baliw sya eh, nagparaya na nga ako dati para sainyo tapos sasaktan ka lang. Ay di pwede sakin yon."

Me: "Awkward."

Tapos pareho kaming natawa sa sinabi ko. Pero wala na samin yong nangyari dati, very close friends na kasi kami.

So yon, nagpaalam na muna sya, para daw kausapin nya si Chynna at Katrina na pumunta sila kay Glaiza. Kakausapin daw nila ito.

Nang mag isa nalang ako, naisip ko, ibang iba na nga kami sa dati. Siguro nga dahil nagkalayo kami. Ito kasi yong unang pagkakalayo namin eh. Pero bakit parang hindi na kami magkakilala. Dapat lugar lang ang malayo samin, hindi ang mga puso namin.

Hay, siguro kailangan ko talaga syang kausapin. Yong usap from the heart. Pero pano kung ayaw nya? Anong gagawin ko? Bahala na nga.

Naligo ako at nagrelax, nag iipon kasi ako ng lakas para kausapin sya mamaya.

Gusto kong tapusin ang kaguluhang ito. Hindi lang ako sure kung gusto nya rin ng ganon, pero bahala na. Basta kakausapin ko sya mamaya.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon