Missing you

2.5K 82 0
                                    

RHIAN POV

Nakakamiss din pala na dedmahin ang number 1 sa class ko. Pero wala eh. Kailangan kong gawin ito. Kasi hindi ko pa rin sya nakakalimutan. Pano ba naman? Araw araw ko syang nakikita edi pano nga ako makakapag move on nyan? I ignore her palagi pero ganon pa din eh. Nandyan pa rin naman sya. Kaya wala din.

But seriously, I miss her. Feeling ko baliw na ako, napaka OA ng reaksyon ko nong sinabi nya sakin na wala syang gusto sakin. Kaya naman, aayusin ko ito ngayon, makikipag bati ako sa kanya. Pero hindi naman kami nag away diba? At saka hindi naman kami close. Ano ba yan? Ano ba dapat kong gawin?

And then ayon, nakaisip ako ng paraan. Makikipag friend ako sa kanya. Back to zero kami. Pero this time, hanggang friends lang talaga.

So yon, bago ako pumasok sa University, dadaan muna ako sa bahay nila. Buti nalang naka civilian ako ngayon, hindi halatang teacher ako.

Ang ganda ng plano ko diba? Mabuti na ito. Kaysa naman sa dalawa kaming problemado sa paglayo sa isa't isa.

Naligo ako at nagbreakfast din umalis na kaagad ako ng bahay. Nagdrive ako papunta kayla Glaiza.

Pagdating ko, kumatok ako sa pinto at nagtao po, pero walang sumasagot. Nasan kaya ang mga tao dito?

Pumunta ako sa kabilabg bahay at nagtanong kung nasaan si Glaiza.

Nagulat ako ng sabihin nila na nasa hospital daw! Tinanong ko kaagad kung saang hospital at nagdrive ako papunta doon.

Kawawa naman si Glaiza. Yong papa niya sinugod sa hospital. Sana naman okay yong papa nya at pati siya. Buti nalang pala 10 pa yong first class ko.

Pagdating ko sa hospital, tumakbo kaagad ako papunta sa ER and I saw Glaiza together with her mom siguro, she's crying. It hurts me to see her like this. Kaya lumapit ako sa kanila. Feeling close ang dating ko, but I want to do this.

Her mom: "Anak, kaibigan mo yata."

Saka sya napatingin sakin. At mukhang nagulat sya ng makita ako.

Glaiza: "Titser ko po sya ma."

Ay Glaiza naman, nakacivilian na nga ako, titser pa din sinabi mo. Hindi manlang friend. Ouch ka!

Glaiza: "Saglit lang ma, kausapin ko lang si ma'am."

Sakit sa tenga nong maam eh. Parang sinasadya nya.

Naglakad kami papunta sa labas ng ER.

Glaiza: "Bakit ka po ba nandito maam?"

Me: "Pumunta kasi ako sa bahay nyo, pero walang tao. Tapos may nagsabi sakin na nandito daw kayo, kaya dito na ako dumiritso. Kumusta yong papa mo?"

Glaiza: "Ayon, tinitingnan pa sya ng doctor. Bakit ka naman pumunta sa bahay?"

Me: "Gusto ko sana kasing makipag kaibigan sayo eh."

Glaiza: "Magkaibigan naman talaga tayo diba?"

Me: "Yeah, but you know, what happened to us in the car, kung naalala mo pa. Gusto ko sanang mag sorry. At gusto ko sana maging magkaibigan tayo. Yong totoo."

Kumurap kurap si Glaiza. Tapos ngumiti.

Glaiza: "Sige ba."

Me: "Great! friends?"

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. At tinanggap nya ito.

Glaiza: "Friends."

Then I hugged her. Ops! Nabigla lang ako. Pero ng maramdaman ko na niyakap nya rin ako, push ko na ito.

Then  I heard her say "I miss you" pabulong lang yon, pero dinig na dinig ko. Kaya napangiti nalang ako. Namiss ko din sya. Pero hindi ko nalang sasabihin sa kanya.

I'll just keep on pretending na I don't like her as a girl.

Nang nag let go na sya sa yakap, niyaya nya akong bumalik sa loob ng hospital.

Finally! Magkaibigan ba kami. Nabawasan na ng tinik ang puso ko.

*****************************************

GLAIZA POV

Habang kami ay nag aalmusal, biglang nahimatay si papa. Kaya agad agad naming dinala sya sa hospital.

Sobra akong natatakot sa nangyari kay papa. Pagdating namin sa hospital, pinasok kaagad sya sa ER at naupo kami sa waiting area.

I was crying and praying at the same time. I'm so worried about my papa. Sana okay sya.

Habang naghihintay kami sa waiting area. Biglang dumating si maam Rhian. At since masama ang loob ko ngayon, at pati sa kanya. Hindi ako naging masaya ng makita sya. I even called her maam. Kahit naka civilian sya. Ano ba kasing ginagawa nya dito?

Tapos yon, nagtanong si mama kung sino sya. Edi sinabi ko yong totoo na maam ko sya. Pero sinadya ko talaga yon, para mainis sya.

Tapos gusto nyang makipag usap sakin? Talaga lang! Nananaginip yata ako.

Then noong sinabi na nya kung anong pakay nya, ayan! Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakalimutan ko na naman ang dapat kong kalimutan. Yong feelings ko sa kanya.

When she hugged me, oh my God! I really miss her. Yon ang nararamdaman ko, after ng dedmahan, nang hindi pagkikibuan, namiss ko talaga sya.

Then I said I miss you. Hopefully, sa isip ko lang yon. Dahil nakakahiya kung narinig nya. Amoy na amoy ko ang mabango nyang scent, nagkaroon tuloy ako ng goosebumps. Para akong naging bampira bigla at gusto ko syang kagatin sa leeg. Mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko at kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

I'm happy na totoong magkaibigan ang gusto nyang mangyari samin. Mabuti na rin yan. Para matakpan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tapos niyaya ko sya pabalik sa loob ng hospital. Timing naman na kausap na ng doctor si mama. Kaya hinintay ko nalang na matapos sila sa pag uusap nila. Nagpasalamat kami sa doctor.

Sabi ng doctor ayon kay mama, masyado daw pagod ang katawan ni papa at stress din. Tapos may sakit daw sa mata kaya sya nahimatay.

Kawawa naman ang papa ko. Dapat hindi na sya nagtatrabaho eh. Dapat nag rerelax nalang sya, pero kumakayod pa rin sya dahil estudyante pa ako.

Siguro mas mabuti kong tutulungan ko sila na kumita ng pera. Para hindi na si papa mapagod ng sobra. The only problem is, ano ba ang pwede kong gawin? Hay! Saka ko nalang iisipin yon, ang importante maging okay na si papa.

Aftee ng check up ni papa, pinayagan na syang umuwi. Nakakahiya nga kay maam rhian dahil sya pa ang naghatid samin papunta dito sa bahay. At pagkatapos noon, saka lang sya nagpaalam na pupunta na sa University. Ako, hindi na muna ako papasok para mabantayan ko si papa. Saka mag iisip din ako ng pwedeng gawin para makatulong sa pamilya ko. Sana bukas mayroon na akong magawa.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon