It's now or never

2.5K 104 14
                                    

GLAIZA POV

Hindi ako makatulog. Kaya kinuha ko yong phone ko at tiningnan ang oras. It's 12 a.m na pala. Nako po! May pasok pa naman ako bukas.

Sana kasi umuwi nalang ako pero si Maam kasi, ayaw! Tsaka ayaw ko rin naman. Haha

Dahil hindi nga ako makatulog, tumayo ako at naglakad papunta sa table, kung saan naroon ang trabaho ko. Tatapusin ko nalang ito para may magawa ako, kaysa naman sa tumunganga lang ako at maghintay na dalawin ng antok.

Habang busy ako, biglang nagsalita si maam Rhian, na ikinagulat ko.

Aba'y gising din pala sya. Naks!

Rhian: "Glaiza? Bakit gising ka pa?"

Me: "Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok eh."

Rhian: "Akala ko kanina tulog ka na."

Me: "Akala ko nga rin eh. Ikaw? Bakit gising ka pa?

Rhian: "Hindi rin ako makatulog eh."

Pareho pala kami. Ang cute sa pakiramdam. Mukhang sinasadya talaga ng panahon eh.

Tapos tumayo si Maam Rhian at lumapit sakin she lean closer to me, tapos tiningnan ang ginagawa ko.

My goodness! Ang sexy niya sa suot nyang pantulog. Kaya tinatry ko talagang hindi sya tingnan. Dahil nakakatempt sya.

Rhian: "Hmm, ang dami mo na palang nagawa."

Me: "Hindi naman."

Rhian: "Ang bilis mo."

I just smiled at her.

Rhian: "Gusto mo bang uminom? Para antukin ka na?"

Natawa ako sa idea ni maam, inom daw para antukin. Kahit anong gawin ko, hindi ako makakatulog, dahil magkasama kami. Yon yong totoo, pero hindi ko sasabihin sa kanya. No way!

Me: "Sige."

Tapos lumabas na sya, I guess kukuha na sya ng inumin namin. Hindi naman nagtagal, bumalik na din sya dala ang isang bote ng wine.

Ipinatong niya ito sa mesa, pati ang dalawang baso. Tapos nilagyan nya ito, at binigay sakin yong isa.

Rhian: "Since pareho naman tayong di inaantok, let's have a little conversation about ourselves. Para mas makilala pa natin ang isa't isa."

Napalunok ako sa sinabi niyang yon. Pero siguro magandang ideya ito.

Me: "Okay, ikaw magsimula."

Nag isip sya, tapos nagsalita.

Rhian: "Let's start with, have you been in love? Honest dapat tayo sa sagot natin."

Me: "Sa dami ng itatanong mo, yon pa talaga. Haha but anyway, yes."

Rhian: "With who?"

Me: "With someone."

Someone nalang, alangan namang sabihin ko na sa kanya, edi natigil kaagad ang pag uusap namin. Diba?

Rhian: "Are you in a relationship?"

Me: "Nope."

Rhian: "Why?"

Me: "Hindi pa ako ready eh. Aral muna, saka na lovelife."

Rhian: "Tama yan. Magfocus ka lang muna sa pag aaral mo."

Me: "Yes, maam."

Tapos natahimik kami pareho, kaya ininom ko nalang ang wine ko. Bakit kaya parang nawalan sya ng gana sa sinabi ko? Was it bad? Totoo naman kasi yon eh. Habang kaya ko pang pigilan, hindi talaga ako aamin sa kanya.o

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now