I thought

2K 74 0
                                    

RHIAN POV

I was so happy to see Glaiza. Namiss ko sya ng sobra eh. Hindi kami magkasama kagabi sa pagtulog. Kaya naman ngayong nandito na sya, walang mapag lagyan ang kasiyahan ko.

Tapos pinagluto pa nya ako ng breakfast, she's so sweet talaga! Then may napansin ako sa kanya. She seems to be so happy! Yong ibang level na happiness. Ganon sya! I wonder why.

After kung kumain, naagsalita sya. was so happy, knowing na magkakatrabaho na sya.

Matagal kong hinintay ang pag graduate nya, para nasa real life na kami. Independent life!

Pero ang saya ko ay napalitan ng lungkot ng malaman ko na sa LA ang work nya. Hindi ito ang iniexpect ko na mangyayari samin ngayong graduate na sya.

Akala ko, magkakasama na kami. Yong parang married na! Pero hindi pala, iba pala ang balak nya, hindi ko mapigilan na magtaas ng boses dahil hindi nya maintindihan ang side ko.

Pano nya maiintindihan kung may desisyon na sya diba? Hindi nya magegets ang gusto ko dahil may gusto na syang gawin.

Ang sakit sakit lang na ganito pala ang kadadatngan namin. Pwede naman kasing dito nalang sya magwork! Diba? Total pareho naman kaming nandito.

Gusto nya iwanan ko ang trabaho ko dito? Para pumunta kami sa lugar na hindi pa sigurado ang magiging kalagayan namin? No way! Hindi ko gusto yon.

Nanggigigil talaga ako, dahil hindi manlang muna sya nagpaalam sakin, o nagsabi manlang, bago pa sya makapag desisyon! Para wala lang ako sa relasyong ito eh. Ang sakit sakit.

Akala ko, simula na ng lahat, na magiging maligaya kami, na magkakasama na kami sa iisang bubong. Ang dami kong balak para samin, pero wala eh. Aalis sya. Aalis sya para sa trabahong yon.

Hindi ko din naman sya masisisi dahil para sa pamilya nya ito. Alam kong malaki ang pangarap nya para sa pamilya nya. Pero pano ako? Pano kami?

Dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko, pinaalis ko sya! Ayoko na lumala pa ang pagsasagutan namin, baka saan pa umabot ito.

Pagkalabas nya ng bahay, saka ako umiyak ng umiyak. Para akong nasa isang masamang panaginip. Sana nga panaginip nalang ito. Para paggising ko, walang ganitong nangyari.

Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto kong kumalma muna ang sarili ko dahil hindi ako makapag isip ng maayod. I don't want to lose her! But I don't want to lose my job. I love my job! Pinaghirapan kong abutin ito.

Gosh! I'm really losing mind. Nahiga lang ako sa kama, habang panay pa rin ang iyak ko. Gusto ko mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero pano? Pano ba walain ang ganito?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Tapos kumuha ako ng isang bote ng alak, at tinungga ito. Maybe this will help me!

Sa tuwing inom ko ng alak na ito, ramdam na ramdam ko ang tapang ng lasa nito. Tama lang para mamanhid ang puso ko! Hindi ako tumigil sa pag inom, hanggat hindi ko nauubos ang laman nito!

Nang maubos ko na ang alak ko, saka naman bumagsak ang katawan ko sa sahig. Now, I feel nothing! Mabuti na ang ganito, and then parang umiikot ang paningin ko. Napangiti ako dahil alam kong lasing na ako. Hindi ako makatayo sa kinalalagyan ko. Kaya ang ginawa ko ay inayos ko ang pwesto ko na maging relax. At nang makapag relax na ako, I fell asleep.

*****************************************

GLAIZA POV

Hindi pa rin ako tapos umiyak. Ewan ko ba, ang tagal maubos ng mga luha ko!

Mama: "Anak, tahan na." Sabi ni mama sakin, habang hinahaplos ang buhok ko.

Papa: "Nak, basa na damit ni mama mo."

Kaya napakalas sa pagkakayakap sa kanya. Tapos pinahid ko ang mga luha ko.

Me: "Ma, si Rhian po kasi."

Mama: "Mukhang alam ko na ang nangyari, anak, tanungin kita ha? Sa sarili mo, ano ba ang gusto mong mangyari?"

Me: "Gusto kong pumunta ma. Pero si Rhian, ayaw kasing sumama."

Mama: "Anak, wala kang magagawa kong yon ang desisyon nya. Ang mahalaga ay maging okay kayo sa desisyon ng isa't isa. Pag usapan nyo, para maayos nyo yan."

Papa: "Anak, andito lang kami para sayo ha?"

Me: "Salamat po Ma, Pa."

Tapos niyakap ko sila ng mahigpit. At nagpaalam ako na pupunta muna sa kwarto ko, para makapag isip at magpahinga na rin.

Pagkapasok ko sa kwarto, humiga kaagad ako.

Akala ko talaga na magiging  okay ang araw na ito, dahil nasimula ng good news, pero pagkatapos noon, nagkagulo naman kami ni mine. Hindi ko iniexpect na ganito ang kahihinatngan ng pag uusap namin, I was expecting so much na sasama sya at doon na kami titira, yong mga ganon. Pero iba eh.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin ko. Ang hirap ng sitwasyon ko, I really want to go, pero pano sya? Gusto ko kasama sya! Eh kaso ayaw nya. So pano yon? Iiwan ko sya dito? Kakayanin ko ba? Kaya ba namin ang mag LDR? Maging okay pa kaya kami?

Sumasakot ang ulo ko nito eh. Tingin ko kailangan kong kumalma para makapag isip ako ng maayos, pero pano? Pano ko gagawin yon? Eh ang gulo nga ng isip ko.

Si mine kasi, pero hindi! Ako ang may kasalanan dito. Kasi dapat sinabi ko muna sa kanya bago ako nagdecide. Gosh! I'm so selfish. What would I do?

Maghapon akong nakahiga lang sa kama, na hindi pa rin nalilinaw sakin kung anong gusto kong gawin. Ayoko ring pumunta doon na ganitong hindi pa ako nakakapag decide dahil baka away na naman ang abutin namin. Ayoko ng maulit pa ang nangyari kanina.

Sa sobrang busy ng isip ko, hindi ko alam na gabi na pala. Tapos nakarinig ako ng katok. Kaya binuksan ko ito, si mama pala. Kakain na daw kami. Kaya sumunod na ako sa kanya at sabay sabay kaming kumain.

Kahit sa hapag busy pa rin ang utak ko, kaya ang tagal kong natapos sa pagkain ko. Tapos pagkatapos ko, nagtoothbrush muna ako at nagpaalam sa parents ko na pupunta ako kay Rhian. Ngumiti sakin si mama, that's where I know na tama ang gagawin ko.

Medyo kinakabahan kasi ako, I don't know why. Basta gusto ko syang makita.

Kanina ayaw ko, pero hindi ko pala kayang hindi sya makita. I will try to fix this.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz