I can't believe it

1.9K 73 10
                                    

RHIAN POV

I was having breakfast when suddenly Sheena came in.

Me: "Uy Sheena, Good morning, tara kain tayo."

Sheena: "Ah hindi na, may sasabihin lang sana ako sayo."

Me: "Ano yon? Nako! Mukhang seryoso yan ah."

Sheena: "I'm leaving today."

Me: "What? Why?"

Nalungkot tuloy ako, naging close na rin kasi kami sa isa't isa. Bilang friends. Diba? Tapos ngayon bigla nalang syang aalis.

Sheena: "Mag mamigrate na kasi kami ng family ko. Pupunta na kami ng korea."

Me: "Bakit biglaan naman yata."

Sheena: "Matagal ng nakaplano ito, hindi ko lang talaga nasabi sayo, kasi gusto kong sulitin ang natitirang araw ko dito sa Pilipinas with you."

Me: "Sheena, hindi ako makapaniwala na aalis ka na."

Sheena: "I know, I'm so sorry."

Nakakalungkot talagang isipin na aalis na sya. As in.

I hugged her tight para masulit ang natitirang oras ko with my dear friend.

Pero natigil ito ng tawagin ako ni yaya. Doon ko nalaman na nandito pala si Glaiza.

Oh my G! I'm so happy that she's here. Tinupad nya ang kahilingan ko. Pero ang nakita ko ay isang Glaiza ay nasasaktan at umiiyak.

Doon ko naalala ang yakapan namin ni Sheena.

Oh shit! No way! Baka ano ang iniisip nya.

Lumapit ako sa kanya and I hugged her.

Me: "Glaiza, you're here."

Glaiza: "Yeah, actually paalis na rin naman ako. I just came by to say that I'm really sorry for what I've done, and I want you to have this. You're favorite flower and favorite cake. Everyday, I let my friends give you a rose and a cake, for you to remember me. Pero mukhang hindi mo na yon maalala dahil iba na ang pinagkakaabalahan mo."

Tinanggap ko ang mga ito. Tama nga ako! Sya nga ang nagbibigay ng flower at cake. She's so sweet. I should have known that it was her.

Me: "It's not what yo think it is, about us."

Sabi ko na nga ba, pag iisipan nya ako ng masama. Parang bumabalik lang ang nangyari sa L.A.

Glaiza: "Aalis na ako."

Me:"Glaiza. Please."

Hindi ko alam kung pano sya pipigilan. Naglakad na sya palayo sakin.

This isn't happening. Ayokong ng maulit pa ang nangyari sa L.A. Kaya hinabol ko sya.

Me: "Hear me out, please."

Glaiza: "Ano pa ba ang dapat kung pakinggan sayo? Kitang kita na ng dalawang mata ko."

Nakakainis yong feeling na guilty ako, pero wala naman akong kasalanan.

Me: "Mali nga kasi ang iniisip mo."

Glaiza: "Kagaya ng nangyari noong pumunta ka sa L.A? Na mali din ang inisip mo sakin o baka naman sinadya mo talaga itong gawin para makaganti sakin?"

Nasampal ko sya. Pero hindi ko sinasadya yon. Naiinis na ako sa sinasabi nya. Nakakapagod makipag away.

Me: "Kailanman hindi ako nag isip na gantihan ka sa ginawa mo sakin. Hindi ko nga naisip yon eh. Ang kailangan ko lang ay ang personal kang maghingi ng tawad sakin para makita kong nag eeffort ka, na nagsisisi ka sa nagawang mong mali sa relasyon natin."

Glaiza: "Do you think maniniwala ako sayo na wala lang kayo ng lesbian na yon?"

Sabi ko na. She won't believe me.

Me: "Wala nga."

Glaiza: "I don't believe you."

Me: "Glaiza naman. Ano ba? Nandito ka ba para ayusin ang relasyon natin o para dagdagan ang problem natin?"

Glaiza: "Akala ko nga nagpunta ako para ayusin ang satin, pero mukhang wala ng dapat ayusin. Dahil may iba ka na. Kahit ideny mo pa, hindi ako maniniwala sayo."

Me: "Ang babaw naman ng tingin mo sakin, Glaiza. Hindi ko na alam ang gagawin sa relasyong ito."

Glaiza: "Ako rin, nakakapagod na Rhian. Nakakapagod na, para tayong mga bata na naghahabulan."

Me: "Siguro mas mabuti pa kung...."

Hindi ko alam kung anong idudugtong ko sa salitang yan. Pero nakakapagod na talaga.

Glaiza: "Kung ano? Maghiwalay tayo? Yon ba ang gusto mo?"

Me: "Hindi ko gusto maghiwalay tayo, pero sa tingin ko, mas mabuti ito. Para mahanap mo ang sarili mo. Ang layo mo na sa dating Glaiza na nakilala ko. Parang hindi na kita kilala."

Hindi naman kami ganito dati eh. Bakit ngayon ang gulo na ng buhay namin.

Glaiza: "So yon nga talaga ang gusto mo. Sige, pumapayag ako. Goodbye Rhian."

Me: "No Glaiza. Please."

Hindi naman ako nakikipag hiwalay sa kanya. Ang gusto ko lang magkaroon kami ng space para makapag isip sya ng maayos. At ako, para kumalma ang utak ko.

Glaiza: "It's over."

Nagulat ako sa sinabi nya. It hurts so bad. I can't believe na sinabi nya yon. Na nakipaghiwalay na sya sakin.

Wala akong masabi sa sobrang sakit n nararamdaman ko. Ang dali nyang bumitiw. But I won't beg her to stay. Mas mabuti na siguro ito. Para mahanap nya ang sarili nya. Puro nalang kami problema. Para naman makapag isip sya.

Wala akong blaka na sagutin ang pakikipagbreak nya. Sya ang bumitiw, ayokong tuluyang bumitiw sa kanya. I'll just give her space.

Tumalikod nalang ako sa kanya, at nagsimulang maglakad pauwi. Hindi ko na sya nilingon pa, para hindi na ako lalo pang masaktan.

Pagkapasok ko sa bahay, I cried so hard. And Sheena hugged me.

Sheena: "I'm so sorry Rhian. Mukhang ako pa ang naging cause ng away niyo. Hindi ko sinasadyang mangyari ito sa inyo."

Me: "Wala kang kasalanan. Siguro talagang dumating lang ang araw na kailangan itong mangyari samin."

Sheena: "I'm so sorry talaga."

I just cried on her shoulder.

Me: "I can't believe na nangyari ito samin. Ang sakit sakit."

Sheena: "Shh.. magiging okay di kayo, tahan na."

I cried for a while at hindi umalis si Sheena hangga't hindi ako tumatahan. Sana hindi nalang sya umalis, pero hindi ko naman sya pwedeng pigilan.

Nang kumalma na ako, saka na sya nagpaalam. I hugged her for the very last time, and let her leave bago pa ako maiyak ng todo.

Nang makaalis na sya. Now! I feel all alone. Totally alone. Wala din si yaya dito, kasi namelengke.

Kaya magpapakalasing nalang ako. Para mamanhid ang puso ko. At wala akong maramdamang sakit.

Tinungga ko ang bote, at ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng alak sa katawan ko. Napangiti ako, dahil alam ko sooner, I will feel nothing. At tama nga ako, dahil ng maubos ko na ang laman ng bote, manhid na ang katawan ko.

Kaya nahiga sa sofa at para matulog at maiwan ang problemang ito. Maya maya lang, nakatulog na ako.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon