She's mine

2.8K 100 6
                                    

GLAIZA POV

Ayan, aminan portion na. Ano pa ba dapat? Kailangan ko na bang yayain syang maging girlfriend ko? Parang ang bilis naman yata noon. Tsaka pano kung ayaw pa nyang magkaroon ng karelasyon? Oh diba? Edi nganga ako.

Ako ba? Ready na ba ako na magkaroon ng lovelife? Kaya ko bang ipagsabay ito sa pag aaral ko?

Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama nya, parehong nakatingin sa isa't isa at magkahawak kamay. Wala kaming sinasabi, pero alam namin pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Nag isip ako kung ano pa ba ang gusto kong malaman sa kanya, para naman sulit ang gabing ito diba?

Ang tagal kong hinihintay ang pagkakataong ito na makasama sya, at hindi ko talaga inexpect na sa ganitong anggulo mangyayari yon.

Medyo nacurious din ako kung kailan nga ba sya nagkagusto sakin, sa bahay lang ba o dati pa, kaya I asked her.

Me: "Hmm, tanong ko lang, kailan mo nalaman that you have a feelings for me? Curious lang ako ha?"

Rhian: "Since the day I first met you. Sa classroom. Ikaw?"

OmG! Pareho pala kami. Naks! Si cupid talaga mapagbiro.

Me: "That time din."

Rhian: "Naks, so pareho pala tayo."

Me: "Oo nga eh."

Rhian: "So, what now?"

Kunwari hindi ko alam kung anong tinutukoy nya

Me: "Anong what now?"

Rhian: "Us."

Me: "Ikaw, ano ba gusto mo?"

Nag eye to eye contact kami pareho. Natotorpe pa rin ako.

Rhian: "Would you be my girlfriend?"

Me: "Would you be my girlfriend?"

Ayoko namang sya lang ang magtanong nyan, dahil alam ko sa sarili ko na gusto kong itanong sa kanya yan, natotorpe lang ako kanina.

Rhian: "Yes!"

Me: "Yes."

And then we kissed. Isang dampi lang to sealed our official date of being lovers.

Finally, she's mine. Pero pano ba ito? Teacher ko pa rin sya kahit kami na.

Me: "Maam pa rin ba ang tawag ko sayo?"

Rhian: "Sira! Sa school lang, pero pag tayo lang, kaw na ang bahala. Ano bang gusto mong endearment for me?"

Me: "Hmm, gusto ko sana yong hindi naman obvious masyado, dapat unique. Siguro, mine lang."

Rhian: "Naks! I like it."

Ang sarap sa pakiramdam na kami na, it's so unbelievable. I check the time, it's just two a.m.. Madami pa kaming oras para isa't isa.

Me: "Mine, sa school, pano tayo?"

Rhian: "Mine, alam mo namang bawal ang teacher and student relationship diba? So magiging safe tayo, kung gagawin nating sekreto ang relasyon natin, magiging safe tayo pareho, ikaw sa pag aaral mo, ako naman sa pagtuturo ko. Diba? But I want you to know na pinagmamalaki ko na girlfriend kita. Okay?"

Me: "Me too. Sobrabg thankful ako sa ikaw ang girlfriend ko. Dahil ikaw lang din naman ang gusto ko hanggang sa huling hininga ng buhay ko."

Naiintindihan ko ang sitwasyon namin, ayoko rin naman na ito ang maging rason ng pagkasira namin sa University diba? Mas mabuti na yong maingat.

Me: "I love you."

Rhian: "I love you too."

Tumayo kaming pareho mula sa kama at naglakad papunta sa terrace ng kwarto nya.

Naalala ko tuloy yong scene na natumba sya tapos nasalo ko sya. Para kaming sumayaw noon eh.

Ano kaya kong maulit yon? Ganon pa rin kaya ako kaagap?

At hindi nga ako nagkamali, nadulas nga talaga si Mine. Kaya sinalo ko kaagad ang likod nya, bago pa sya bumagsak.

Naulit nga! But this time, wala na akong pag aalinlangan.

I kissed her lips and she put her arms around my neck. We are enjoying our kissed and also our time being new to this relationship.

*****************************************

RHIAN POV

Napakasaya ko ngayon, dahil ang matagal ko ng gusto, ay akin na ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagkakaroon ng girlfriend. At alam ko na si Glaiza lang talaga ang gusto ko. Biruin mo naman, ang tagal kong tinago ang feelings ko para sa kanya, tapos ngayon kami na. Oh diba? I have to make every moment counts, dahil it's a dream come true.

Sadly, we have to keep it a secret in the University. Para din naman samin ito, ayoko na masira ang scholarship ni Glaiza dahil lang sakin. Kaya kailangan careful kami.

We are now here sa terrace ng room ko, enjoying the stars, while holding each other's hand.

I am very much thankful that she's my girl now. I promise, I will do anything for our relationship, for her.

Masyadong malamig dahil madaling araw na, kaya naman niyakap ko si Glaiza. She held me close pa nga. She's so sweet!

Wala na kaming balak na matulog pa, dahil siguradong malilate kami pareho. Kaya nag enjoy nalang kami na kasama ang isa't isa.

Me: "Mine, dadalas na ba ang pagtulog mo dito?"

Glaiza: "Hindi ako sure mine, alam mo naman ang parents ko, kailangan ko din silang asikasuhin. Pero matutulog ako dito pag may time. Okay?"

Me: "Yes, I understand. Ako ba pwedeng matulog sainyo?"

Glaiza: "Oo naman, kaso lang maliit lang ang kwarto ko, nakita mo naman. Kasya lang tayo sa higaan ko."

Me: "Okay lang yan. Mas mabuti nga, para close tayo."

Glaiza: "Nako ha? Gustong gusto mo talagang madikit sakin."

Me: "Ayaw mo ba?"

Glaiza: "Gusto syempre."

Me: "Yon naman pala."

I smiled to her.

Glaiza: "I love you."

Me: "I love you too."

Dahil sobrang malamig na dito sa labas, pumasok nalang ulit kami sa loob ng kwarto ko.

Humiga kami sa kama ko at tumalikod ako sa kanya habang nakaunan ako sa braso nya. Tapos yakap yakap nya ako.

Ganito pala ang feeling na katabi mo ang mahal mo. Nakakakilig.

Then she kiss the back of my neck. Nanindig ang balahibo ko. And then next thing I know is that, I was laughing out loud.

May kiliti pala ako doon. Ito namang si Glaiza, tuwang tuwa, habang ginagawa pa rin ito.

Kaya napuno ng tawanan ang kwarto ko hanggang sa lumiwanag na ang paligid namin.

Ayaw pa sana naming tumayo, pero wala na kaming choice eh. Kaya tumayo na kami at pinauna ko na si Glaiza na maligo.

Ang bilis nyang maligo, promise. Kaya ako nagdali dali din akong maligo. Nang matapos na ako, lumabas na kaagad kami ng bahay at dumiritso sa restaurant para mag almusal, then, hindi na sakin sumabay si Glaiza papasok sa University. Maglalakad nalang daw sya.

So sad that we have to stay like this here in School. Pero kaya namin ito, for the sake of her future.

Pagkapark ko ng kotse ko, nakita ko pa si Glaiza na kasama ang mga kaibigan nya. We just smiled to each other and then I went to the faculty office and there I saw Solenn.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Donde viven las historias. Descúbrelo ahora