Last Day in L.A.

1.9K 76 0
                                    

GLAIZA POV

Last day ko na ngayon sa L.A..

Tapos na ang contract ko sa trabaho, kaya naman kasalukuyan kaming nagpaparty sa bar, kasama ang mga katrabaho ko.

Complete attendance kami, kasi lahat naman sila naging kaibigan ko. Actually, gusto nga nilang magrenew ako ng contract, pero hindi ko na ito tinanggap, kasi I really want to go home.

Bukas aalis na ako. Uuwi na ako sa Pilipinas. Hindi ko na patatagalin ang pag uwi ko, dahil sobrang excited ako. Syempre, makakauwi na ako, at hindi na muling aalis. Makakasama ko na rin palagi ang pamilya ko at ang mahal ko.

Naisipan kong mag negosyo nalang, para hindi nakaka stress, pero wala pa akong naisip na ininegosyo. Pag nasa bahay na ako at nakausap ko na sila mama at papa, saka lang ako magdedecide kung ano.

So yon, habang nagpaparty kami, nagbigay sila ng mensahe for me, and also gifts, para daw hindi ko sila makalimutan. Ang sweet nila no? Nakakaiyak tuloy.

Ang pinakahuling nag message  sakin ay si Lovi, syempre, magpapahuli sya, kasi sya yong naging pinakaclose ko dito.

Lovi: "Hello Glaiza, I would like to thank you for being a part of our team, and also for being my friend. I hope that eventhough this is the last time that we will see you here, we can still be friends. So, here's my gift for you."

Binigyan nya ako ng bracelet, na katulad ng suot nya. Ang cute ng design.

Syempre, nagpasalamat ako sa kanilang lahat, lalo na kay Lovi. Then yon, nagpatuloy ang party namin, hanggang umabot ng 12 midnight.

Hanggang midnight lang kami kasi syempre, yong natitira kung oras ay para kay grandma, alam ko kasing gising sya, alam nyo naman na ang matanda ay saglit lang kung matulog. Kaya yon, I hugged each one of them, and sabay sabay kaming umuwi.

Pagdating ko sa bahay, tama nga talaga ako, gising si Grandma at kasalukuyang nagtetempla ng gatas.

Me: "Hi Grandma."

Sabi ko habang papalapit sa kanya.

Grandma: "Well, hello there, so how's the party?"

Me: "It's good."

Grandma: "That's good to hear. Anyway, I will give you something, just wait here, I'll just get it from my room."

So yon, hinintay ko sya at nagtempla na rin ako ng kape, para mawala ang alak sa katawan ko.

Maya maya bumalik na sya, dala ang isang box na nakabalot. At ibinigay sakin.

Grandma: "I want you to have this, and don't open it here, okay? Open it when you're in the Philippines already."

Me: "Yes grandma, I want to thank you for letting me stay here, and for treating me as your own family. I really am thankful, you're a very wonderful person. I wish I could stay a little longer, but I have to go back tomorrow."

Grandma: "I know. I know. It's okay."

Naalala ko, wala pala akong maibigay sa kanya, kaya dapat bukas mabilhan ko sya.

Nag usap pa kami hanggang antukin sya, gusto ko rin gawin ito, dahil mamimiss ko kasi sya ng sobra.

Sana nga magkaroon pa ng chance na makapunta ako dito at mabisita siya.

After ng pag uusap namin, pumunta na si Grandma sa kwarto nya, at yon na din ang ginawa ko. Pumunta ako sa kwarto ko at nagsimulang mag ayos ng mga gamit ko.

Sa 3 years kong pag stay dito, hindi naman madami ang nadagdag kong gamit eh. Kasi hindi ako magastos, palaging para sa pinas ang mga binibili ko. At proud ako na madami ang naipundar ko sa bahay.

So yon, pagkatapos ng dalawang oras kong pagliligpit ng mga gamit ko, saka na ako natulog. Dahil may mga gagawin pa ako bukas bago umalis.

************************************

RHIAN POV

Sobrang excited ako na makita sya at makasamang muli.

Pagkatapos naming magkabalikan, hindi na kami nagkaroon ng problema pa, siguro dahil alam na namin kung pano ihandle ang isa't isa.

Kasalukuyan akong gumagawa ng banner para sa kanya, kasi lahat kami pupunta sa airport. Syempre, lahat kami namiss sya eh.

So yon, after kong gumawa ng banner, lumabas ako ng kwarto ko. Nandito kasi sila Chynna, Katrina at si Solenn. Sila naman sa balloons. At yong parents naman ni Glaiza, busy sa pagluluto. Para bukas iinitin nalang. Gabi na din naman ngayon, kaya okay na yan. Nandito nga pala kami sa bahay nila Glaiza, dito kami matutulog kasi pare-pareho kaming excited sa pagdating nya.

Inabot kami ng madaling araw sa kabusyhan. Hapon pa naman dadating si Glaiza kaya pwede pa kaming matulog saglit. Pero ako dahil sa sobrang excitement ko, wala akong balak matulog.

Pagkatapos naming lahat sa ginagawa namin, kanya kanya na silang punta sa mga kwarto para matulog.

Pero ako? I stayed in the sofa, wala nga kasi akong balak matulog.

I watch some movies, para mabusy ang mga mata ko. Then nang mataas na ang araw, naligo na ako, para makapag ready kami sa pagdating nya.

Ang sweet ng parents nya, kasi embes na magpacater nalang, kasi kaya naman namin ang gastusin, pero hindi sila pumayag dahil gusto daw nilang, ipagluto si Glaiza. Kaya hindi na kami komontra.

Maya maya lahat na kami ay busy para kung ano ano pang gagawin. Daig pa namin ang fiesta sa pagdating ni Glaiza. Mahal talaga kasi namin sya, kaya namin ito ginagawa.

Anyway, nang ready na ang lahat, nag hintay nalang kami ng tamang oras para sa pagpunta sa airport.

Ang puso ko parang sasabog na sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Syempre si Love yan eh.

And then before we know it, oras na para pumunta sa Airport. Bitbit ang banner at balloons, sumakay kami sa mga kotse namin at bumyahe papunta sa airport.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now