Graduation Day

2.6K 81 5
                                    

GLAIZA POV

Ito na ang araw na pinakahinihintay ko! Ang pag graduate ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo, kasama ang mga gagraduate na kagaya ko. Maya maya, tinawag na ako bilang magna cumlaude, upang magbigay ng mensahe.

As I walk towards the stage, I feel so proud of myself, at laking pasasalamat ko sa parents ko dahil sinuportahan nila ako at tinulungan upang marating ang araw na ito.

Salamat din sa girlfriend ko, na palaging nandyan para mas lalo akong mainspire sa pag aaral ko.

Salamat din sa bestfriends ko na palaging nandyan sa tabi ko, kahit hindi na kami masyadong nagkakasama, alam ko pa ring nandyan sila para sakin.

Habang nagsasalita ako, hindi ko mapigilang mapaluha sa mga pinagdaanan ko sa buhay. At ng matapos na akong magsalita, nagpalakpakan na ang mga tao, tumingin ako sa kinaruruonan ng mga professors at instructor, and I smiled to them, lalo na kay mine na naroon din.

I know that she's so proud of me.

Pagkatapos ng ilang mensahe pa, oras na para ibigay ang diploma namin. Pagkatanggap ko ng diploma ko, labis na tuwa ang nararamdaman ko, itinaas ko ito, at tumingin sa parents ko. Para sa kanila ang diplomang ito.

Pagkatapos ng graduation ceremony, lumapit ako kay Chynna at Katrina, and I hugged them tight.

Me: "Congrats satin."

Chynna: "Yes! Congrats."

Kat: "Finally, nakagraduate din tayo."

We took a selfie, and then nagpaalam na kami sa isa't isa para puntahan ang mga parents namin.

Pinuntahan ko ang parents ko, and I smiled proudly.

Me: "Ma, Pa. Para po sainyo ito." Pinakita ko sa kanila ang diploma ko.

Napaiyak ako habang yakap yakap ako ni papa.

Sa dami nh pinagdaanan namin, ito ako ngayon, with flying colors pa. Napaka blessed ko.

Nagpakuha kami ng shots sa photographer, and then naglakad na kami. Tapos biglang lumapit si Solenn to congratulate me. Nagpasalamat ako sa kanya, at umalis din naman sya kaagad dahil may dinner sila ng mga co'teachers nya.

Sunod na lumapit sakin, ang hinihintay ko talagang lumapit sakin. Si mine. Ang sweet ng ngiti nya.

Rhian: "Congratulations." She said and hugged me tight.

Me: "Thank mi----ma'am."

Muntik ko ng masabi na mine. Nalungkot naman sya dahil sa sinabi ko, pero hindi pa kasi ito ang oras para ipakilala ko sya bilang girlfriend. Kaya niyaya ko na sya na sumama samin.

Dahil may dinner kami ng parents ko, at mas mabuti kung kasama sya, dahil doon ko sya ipapakilala kayla mama.

I hold her hand, and together we went to her car. Dahil ayaw nyang mag commute kami.

Pagdating namin sa restaurant, umorder na kaagad kami. Madami akong tinipon for this, para sa parents ko ito. Pasasalamat sa lahat ng nagawa nila para sakin.

Habang hinihintay namin ang pagkain namin, pasimple kong hinawakan ang kamay ni Rhian sa ilalim ng mesa. Napatingin naman sya sakin, kaya kinindatan ko sya.

Me: "Ma, Pa, may sasabihin po sana ako sa inyo eh."

Mama: "Ano yon anak?"

Me: "Gusto ko po sanang ipakilala sa inyo ang girlfriend ko."

Papa: "Girlfriend anak?"

Me: "Opo pa."

Papa: "Aba'y edi sige. Wala naman akong nakikitang mali sayo, at naging mabuti ka namang anak samin, kaya suportado ka namin anak."

Naluha naman ako sa sinabi ni papa. Napaka thankful ko talaga.

Mama: "Sino ba anak papakilala mo?"

Tumingin ako kay Rhian. Nagulat sya sa ginawa ko. I hold her hand.

Me: "si Rhian po. Sya po ang girfriend ko."

Parehong natulala si mama at papa.

Mama: "Diba teacher mo sya?"

Me: "Opo ma."

Mama: "Sinasabi ko na nga ba, may something kayo eh. Nako, hindi ako tutol sa inyo, lalo pa't bagay kayo."

Si mama talaga oh! Hay nako, I love my parents talaga. Tanggap na tanggap nila ako. Pati si Rhian. I'm so happy talaga.

____________________________________

RHIAN POV

Habang tinitingnan ko si glaiza sa stage, hindi ko mapigilang mapaluha. Sobrang proud ako sa kanya. Sa dami ng nangyari sa buhay nya, ito sya ngayon, graduate with flying colors pa.

After ng ceremony, I walked to them and congratulate her. Muntik na syang madulas na tawagin akong mine. Pero I was hoping na sana nga sinabi nya yon.

Nalungkot tuloy kasi ako na hindi nya masabi sa parents nya na mine nya ako. Pero hindi naman ako pwedeng mag inarte, kasi nandito parents nya.

Niyaya nila ako to eat dinner with them, syempre sasama ako, gusto ko syang makasama eh.

Then yon, umorder kami at naghintay ng pagkain namin. Tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko at marahang pinisil ito. Kaya napatingin ako sa kanya. Kumindat pa sya.

Ano kaya ibig sabihin ng kindat na yon? Nagpapacute ba sya or something

Then nagsalita na sya, at nagulat talaga ako. Biruin mo naman, ipapakila na nya pala ako sa parents nya ngayon. As in ngayon na. Dito pa. I'm so happy!

And I'm so thankful dahil very supportive ang parents nya. Napakabait din naman kasing anak ni Glaiza.

Tita: "Iha, wag mong sasaktan yong anak namin ha? Unica iha namin yan."

Me: "Opo tita."

Ang sweet ng mama nya. Napaisip tuloy ako kung kailan ko sya ipapakilala sa parents ko. The problem is, hindi nila alam na gay ako. Sana lang katulad sila ng parents ni Glaiza.

Then dumating na ang food namin.

Tita and tito: "Congratulations anak."

Sabi nila kay Glaiza at nagyakap sila.

I ordered cake na may nakasulat na congratulations, kaya naman napatagal ang dinner namin. Madaming kwentuhan ang naganap, at napakasarap sa pakiramdam na hindi manlang sila nailang sakin, kaya ganoon din ako sa kanila.

After ng dinner namin, syempre kailangan na naming umuwi dahil pare pareho kaming pagod sa araw na ito.

Alam kong hindi makakasama sakin si Glaiza sa bahay, pero okay lang sakin yon, para magkaroon naman sila ng bonding moment. Total magkikita naman kami bukas.

So yon, pagdating namin sa bahay nila, naunang lumabas ang parents nya at nagpasalamat sakin.

Tapos noong kaming dalawa nalang ni Glaiza, I hold her hand, mukha kasing gusto nyang sumama sakin.

Me: "Mine, okay lang ako. Dito ka na muna matulog para makasama mo ang parents mo. Ha? Magkikita naman tayo bukas."

Glaiza: "What if dito ka nalang matulog?"

Me: "Wag na mine. Nakakahiya sa parents mo, kakakilala palang nila sakin diba? Next time nalang. Sige na. Pumasok ka na sa bahay nyo."

Tumango naman sya. Then she kissed me on my lips and said goodnight.

Tapos umalis na kaagad ako. Hay! Mag isa ako ngayong matutulog. Pero okay lang, dahil bukas magkasama na ulit kami. Sana umaga na kaagad! Para kasama ko na sya.

Dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko, hindi na ako nakapag bihis, at nahiga na ako diretso sa kama, at di nagtagal, nakatulog na ako.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now