Heartbreak

2.5K 81 10
                                    

GLAIZA POV

Maaga akong pumasok, palagi ko naman talaga itong ginagawa. Pero ngayon iba, kailangan ko si Chynna at si Kat ngayon. Kasi sinabi ko sa kanila ang pag uusap namin, kailangan ko mga advice nila.

Buti nalang dumating na sila. Sabay pa nga silang dumating. I love my friends talaga.

Chynna: "Tol."

Kat: "Glai."

Nag group hug kami. Ang sweet talaga nila.

Me: "Hindi ko alam gagawin ko."

Chynna: "Ano ka ba? Diba ginusto mo yan? Dapat harapin mo pa rin sya. Teacher natin sya. Wala kang ligtas."

Kat: "Just act normal. Total sinabi mo naman sa kanya na wala kang nararamdaman sa kanya. Edi yon gawin mo."

Tama sila. Pero pano? Ang hirap magsinungaling eh. Sumasakit lang dibdib ko.

Chynna: "Tol? Ano na? Natulala ka na dyan."

Kat: "Umayos ka nga, baka masira pag aaral mo dyan."

Doon ko naalala na kaya ko pala ginawa yon para sa pag aaral ko, para makapag focus ako but look at what happened? Ganon din naman pala. Ang gulo ng isip ko.

Ayoko syang harapin, ayoko ring umabsent. Sumasakit na yong ulo ko. Tumingin ako sa relo ko, at 20 minutes nalang time na.

Chynna: "Basta papasok ka, tol, try to ignore her nalang."

Kat: "Tara na sa room."

Tumayo na yong dalawa, ako nalang nakaupo. Sumasama ang pakiramdam ko, hindi pa ako ready na makita sya. After what I have lied to her. After ng heartbreaking moment na yon para sakin. I'm not ready.

Me: "Hindi ako papasok."

Bahala na si batman!

Chynna: "What? Aba'y bago yan. Ngayon ko lang narinig sayo yan. Nice choice."

Nag high five kami ni Chynna.

Kat: "Ano ka ba Chynna? Wag mo ngang itulad satin si Glaiza. Tayo, okay lang na umabsent. Sya hindi pwede, dahil number 1 yan sa batch natin."

Me: "Basta hindi ako papasok." Tapos tumayo na ako at naglakad papunta sa gate, humabol naman yong dalawa. Siguradong hindi rin papasok.

Nako! Goodluck talaga sakin. First time kong umabsent. Babawi talaga ako sa quiz at exam.

Sumakay kami sa kotse ni kat at bumyahe papunta sa bahay nila. Wala yong parents nya dahil nasa states kaya okay lang na dito kami tumambay.

Pagdating namin, umupo kami sa sofa at nagpagawa naman si Kat ng snack para samin.

Nagdecide kaming manood ng horror movie. At yong napili namin ay the ring.

Syempre, enjoy na enjoy kami sa panonood nito, hindi kami takot pero madali kaming magulat. Kaya ang ingay namin.

I'm glad na may friends ako na napakasupportive. Kahit iba iba ang mga estado namin sa buhay, may mga bagay pa rin na pareho pareho kaming gusto.

Pagkatapos naming manood, nag mall naman kami. Kung anu ano lang ginawa namin para daw malibang ako. Sweet nila eh. Ang maganda pa ay wala akong gastos, sa kanila lahat. Oh diba? Mayayaman ang friends ko eh. Kaya go lang ng go kami pumapasok.

Then yon, natapos ang masayang araw namin. It's time to go home na. Tapos bukas, wala na akong lusot kundi ang pumasok at harapin sya.

*****************************************

RHIAN POV

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil feeling ko nawasak ang puso ko. Para akong hiniwalayan ng syota ko.

I was assuming too much! Ayan tuloy napala ko. Nasaktan lang ako. Ineexpect ko na gusto ako ni Glaiza dahil yon ang nararamdaman ko sa kanya. At everytime na magkakatinginan kami, I know there's something sa mata nya na nagsasabing gusto nya ako. Pero bakit iba yong sinabi nya? Ang sakit lang.

Siguro nga hindi kami para sa isa't isa dahil teacher ako at student ko sya. Tapos pareho pa kaming girl. Straight din siguro sya.

I just have to forget her. First love konpa naman sya tapos broken hearted lang ako. No way!

Oh my! First love ko nga talaga sya. I admit it.

Kahit masama ang pakiramdam ko, pumasok pa rin ako. Teacher ako eh. And I'm preparing sa pagkikita namin, nasa first class ko pa naman sya.

Pano ako makakapagturo ng maayos? Na nasa front sit pa naman sya. Pano ako mag aact na wala lang sakin yong sinabi nya.

Arg! As I made my way to the University, grabe ang kabang nararamdaman ko. Feeling ko, nadikit na yong pwet ko sa upuan ng kotse ko.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng kotse. Pumunta muna ako sa faculty para makapag time in, then lumabas na kaagad ako para pumunta sa first class ko.

Then I was so disappointed and happy at the same time. Disappointed dahil wala si Glaiza, time na ng first class. Hindi naman nalililate yon eh. Happy din ako dahil makakapagturo ako ng maayos ngayon.

Nasaan kaya siya? Pati friends sya wala ngayon. Maybe magkakasama ang mga yon. Mabuti nalang wala sya ngayon, para magkaroon pa ako ng time na baliwalain ang sinabi niya. Pero baka bukas pumasok na sya wala akong lusot.

Anyway! Teacher naman ako eh. Kaya ko namang magpretend. Yeah! Yon nalang gagawin ko.

So yon, nagturo na ako and my discussion went well. Pagkatapos ng class ko, sumaglit ako sa klase ni Solenn to see kung nandoon si glaiza pero wala rin. Hindi talaga siguro sya papasok.

Hay namimiss ko ang mukha nya. Pero no! Hindi ko dapat iniisip yon. Dapat kalimutan ko na sya.

I'm sorry to say this, pero baka si Solenn ang makatulong sakin na makalimutan sya. Bakit ko ba ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman pala sakin?

I went to my next class at nagfocus nalang ako sa pagtuturo.

Naiinis na ako sa sarili ko, kasi everytime na nagkakaroon ako ng vacant time, si Glaiza pumapasok sa isip ko.

Hindi talaga nya ako patatahimikin eh. Wala na nga sya dito tas ganito pa rin ako. Galing nya eh. Ako lang nahihirapan. Sana talaga makalimutan ko kaagad sya.

Natapos ang araw ko na ang sama sama ng loob ko. Kaya umuwi nalang kaagad ako at kumain ng ice cream, para mawala ang kabitteran ko sa buhay.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now