Friendship

2.9K 106 7
                                    

GLAIZA POV

I never expected na gagawin ni Miss Rhian yon. But I was so happy that she did that.

Nananadya siguro ang panahon, dahil talagang pagkatapos ng paghatid nya sakin, saka naman tumila ang ulan. Oh diba? Bongga. Pwede kong isipin na pinaglalapit kami ng tadhana, pero ayokong isipin yon. Dahil makakasagabal yon sa pag aaral ko.

Pero nagpapasalamat talaga ako na ginawa nya yon, dahil siguradong magkakasakit ako pag nagpaulan ako. Buti nalang mabait si Miss.

Babawi ako bukas sa kanya. Ang sama ko naman kung dedma lang ako pagdating sa klase niya, diba? Mabuti na rin siguro kung makipag kaibigab akp sa kanya. Not because I am her student. Makikipagkaibigan ako sa kanay as a person. That's all. Wala namang masama doon diba?

I slept well that night. Siguro dahil pagod rin ako. At wala pa akong tulog.

Early in the morning, nagising ako ng nakangiti. Ewan ko ba. Parang ang ganda ng araw ko ngayon. Naligo na kaagad ako at nag almusal. Tapos nagpaalam na ako na papasok.

Pagdating ko sa school, naroon na sina Chynna at katrina.

Chynna: "Blooming ka yata, anyari?"

Me: "Ako? Wala no."

Katrina: "Ngayon lang kita nakitang ganyan. Nakahanap ka na siguro ng lovelife mo no?"

Me: "Ano ba yan? Ang aga aga, kung ano ano ang iniisip nyo. Tara na nga sa loob."

Naglakad kami papunta sa room namin, at nagpaalam ako na magsi CR. lang.

Pagdating ko sa C.R. tiningnan ko ang mukha ko. Tama nga sila, blooming nga ako. Pero bakit? Hala. Tapos parang nakaprint na sa mukha ko ang ngiti ko, hindi kasi maalis eh.

Bumalik na ako sa room, pero nauna na sakin si Miss Rhian. Kaya ngumiti nalang ako sa kanya and she smiled back.

Wow! Ganda nga talaga. Pero kinontra ko na kaagad ang sarili ko. Bad yong naiisip ko eh.

Nang magsimula na ang klase namin, pinaramdam ko talaga sa kanya na gustong gusto ko ang topic namin, syempre napag aralan ko na ito. Kaya pag nagtatanong sya, ako kaagad ang sumasagot. At nang mag quiz kami, syempre natapos ko kaagad. Ako pa!

Umupo lang ako sa upuan ko at hinintay na maglabasan ang mga kaklase ko. Si Chynna at Katrina pinauna ko na sa next subject. Nagulat pa nga si Kat eh. Si Chynna naman kumindat. Mga baliw talaga!

Nang kaming dalawa nalang, lumapit ako sa kanya.

Rhian: "Oh Glaiza. May kailangan ka ba?"

Me: "Wala po, gusto ko lang ulit magpasalamat sayo kagabi."

Rhian: "Ano ka ba? Okay lang yan."

Me: "Salamat pa din. Pwede ko po bang malaman kung ilang taon na kayo?"

Mukhang nagulat sya sa tanong ko. Pero sinagot nya rin naman.

Rhian: "I'm 23 years old."

Me: " Hala, ang bata mo pa po pala. Ako kasi 20 years old na."

Rhian: "Yes, maaga kasi akong nag aral. Anyway, I have to go na. May klase pa ako at ikaw rin."

Saka ko lang naalala na may pasok pala ako.

Me: "Pwede po ba tayong maging magkaibigan? I mean sa labas ng School?"

Rhian: "Yeah sure. Sige Glaiza, mauna na ako sayo."

Me: "Okay po Miss."

Wohoh! Nakipagkaibigan na sya sakin. Actually, para akong ewan kanina, pero okay lang atleast friends na kami diba? Pumunta na ako sa next class ko. Timing lang ang dating ko, dahil dumating na din si Ma'am Solenn. Buti nalang hindi ako nalate.

************************************

RHIAN POV

Upon entering my class, wala si Glaiza. Akala ko absent, pero paglingon ko kapapasok nya palang at nakangiti sya.

May napansin ako sa kanya today. Napaka blooming nya. Inlove siguro. Then yon, nag start na ako sa discussion ko and I was happy na napaka attentive nya today. I don't know what happened to her but she seems inspired.

Kaya ang ganda ng klase ko ngayon, dahil may katulad nya, na nakikinig. Yong totoong nakikinig sa klase.

Pagkatapos ng klase, nagpahuli sya. Kakaiba talaga sya today. Kaya ayon, nag usap kami and then I was shock ng tanungin nya ako sa edad ko. Pero okay lang naman sakin yon. And then she want me to be her friend.

I'd love too. Besided, wala naman akong friends eh. Sya ang pinakaunang magiging friend ko, kaya tinanggap ko kaagad.

I really want to talk to her, pero may klase pa kami pareho, kaya nagpaalam nalang ako sa kanya.

Mamaya ko nalang sya kakausapin pag may time pa.

After ng class ko, pumunta ako sa faculty room. Lunchtime na ngayon, kaya lalabas sana ako para maglunch. Then nakasalubong ko si Solenn. I smiled to her and then lumapit sya sakin.

Me: "Wanna join me? Kakain ako ng lunch sa labas."

Solenn: "Sure. Libre mo?"

Me: "Sure."

Solenn: "Naks, iba talaga pag mayaman eh."

Me: "Hindi no. Halika na nga. Baka magbago pa isip ko."

Kaya yon lumabas na kami at dumiritso sa restaurant. Umorder kaagad kami kasi nakakagutom na talaga.

Habang hinihintay namin ang pagkain namin biglang nagsalita si Solenn.

Solenn: "I saw you kagabi."

Me: "Where?"

Solenn: "Sa University, with Glaiza, yong estudyante. Tell me, kayo ba?"

Me: "What? No way! Naawa lang ako sa kanya. Umuulan eh."

Solenn: "Oh c'mon! Kaw palang ang nakita kong gumawa non."

Me: "Basta yon lang yon. Besides, pareho kaming babae no."

Solenn: "Hindi mo ba nahalata? She's like me. Bisexual."

Me: "Hindi naman halata. Kahit sayo eh."

Solenn: "Really?"

Me: "Yes!"

Tapos dumating na yong pagkain. Kaya kumain na kami. Grabe, sobrang bilis kong naubos yong pagkain ko, sobrang gutom na kasi ako.

Kaya pinagtawanan ako ni Solenn but I don't mind her laughing at me. Normal lang yan.

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa University. Pero bago kami maghiwalay, naglahad sya ng kamay.

Solenn: "Friends?"

Me: "Friends." Then nagshake hands kami.

Ngumiti sya sakin at naghiwalay na kami ng direksyon para puntahan ang sunod na klase namin.

Weird! Dalawang tao na ang nakipag kaibigan sakin. Parehong taong nagpupuyat sakin, parehong taong nagpagulo sa isip ko. Oh diba? Napakaweird talaga.

Mukhang kakaiba talaga itong nangyari saming tatlo.

Sana lang talaga, we remain friends hanggang sa matapos ang story na ito.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now