The Proposal

4.3K 129 0
                                    

RHIAN POV

Nagising ako ng maaga dahil sobra akong excited sa natanggap kong news kanina.

Tinawagan ako ng Dean ng College of Business Administration na simula bukas magtuturo na daw ako. Syempre, tinanggap ko kaagad ito. I'm so blessed na nabigyan ako ng opportunity na makapagturo.

I told my parents about the news and mom is happy, but my dad, sus! Gusto pa sanang mag back out ako. Pero wala na syang magagawa eh. Pinayagan ba nya ako kaya wala ng bawian.

Hindi ko pa alam ang mga gagawin ko kaya maaga akong pumasok sa school. Para na rin mafamiliarize ko ang University, diba? Kasi dito na ako magtuturo. Ang pangit naman siguro kung hindi ko alam ang pasikot sikot dito.

Kapapasok ko palang sa University na ito. I was so happy na kaagad, dahil finally, natupad din ang pangarap ko na makapagturo.

Matagal ko na itong gustong gawin, pero dahil hindi ako pinapayagan ng parents ko, masyado kasing business minded, ngayon lang ako nagkaroon ng chance na magawa ko ang gusto ko. Kaya naman susulitin ko ito.

Naglakad lakad ako sa buong university, total madami pa naman ang oras ko bago ang meeting namin ng Dean.

Every steps I make, sinusulit ko talaga. I also took some selfies para na rin may remembrance ako sa unang araw ko. Naglakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa dulo ng University. Kaya naglakad ako pabalik.

Malawak pala ang University na ito, dahil napagod ako sa paglalakad.

Inubos ko ang natitirang oras ko sa pag eenjoy sa panonood sa mga estudyante na nagdadatingan. Nakakaexcite talagang magturo. Sino sino kaya ang magiging estudyante ko? Sana naman mababait sila para hindi ako kabahan.

Tiningnan ko ang relo ko at oras na pala para sa meeting ko with the Dean.

Kaya naglakad na ako papunta sa office nya. Nasa second floor ito ng building kaya binilisan ko ang lakaf ko para naman hindi ako malate.

Nang makarating ako sa second floor, nakabangga ako sa isang tao. Kasalanan ko ito, dahil hindi ako tumingin sa dinadaanan ko.

Natumba sya, siguro napalakas yata ang pagkakabangga ko.

Her hair is a mess ng tinulungan ko syang tumayo.

Me: "Miss, sorry talaga ha? Pasensya na."

Her: "It's okay, hindi kasi ako tumingin sa dinadaanan ko. Sorry din." Inayos niya ang buhok nya na nakatakip sa mukha nya. Nang mahawi na nya ito. Natulala ako.

She's beautiful, na mesmerize ako sa itsura nya. Tingin ko nag slow motion ang lahat sa paligid including us. I don't know what happened to me. First time kong makaramdam ng ganito. Para akong naging istatwa sa kinatatayuan ko.

Her: "Hey are you okay?"

Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay.

Ayan, may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Ano bang nangyayari sakin? I never felt this way before. Kakaiba ito ha? And I don't like this feeling. Ang awkward.

Tiningnan ko sya at inayos ko ang sarili ko.

Me: "Yes, I'm fine. By the way, ako nga pala si Rhian."

I extend my hand at tinanggap niya ito, then yon nag shake hands kami.

Her: "I'm Solenn. Nice to meet you, Rhian. I'll go ahead." Sabi niya at mabilis syang nawala sa paningin ko.

I shake my head kasi parang di pa ako makaget over sa mukha nya. Sobrang weird nitong feeling.

Naglakad ako papunta sa office ng Dean, at agad nya akong winelcome. Nag usap kami sa mga bagay na gagawin ko at sa kung anong subject ang ituturo ko. Tapos kung anong courses ang hahawakan ko.

Pagkatapos ng dalawang oras na pag uusap namin, nagpaalam na ako para umuwi, para na rin makapag handa ako sa mga ituturo ko.

Pagkalabas ko ng office ng Dean, nakasalubong ko na naman si Solenn. Pero this time hindi na kami nagkabanggaan.

Solenn: "Hi."

Me: "Hello." Nakangiti ako sa kanya.

Solenn: "Anong ginagawa mo rito?"

Me: "Kinausap ko kasi yong Dean. Bagong Instructor ako dito."

Sa damit nya palang alam ko na nagtuturo sya. Kaya hindi ko na sya tatanungin. Awkward naman yong ganon na tatanungin ko pa eh obvious naman diba?

Solenn: "Ganon ba? So hindi ka pa familiar sa University? Lalo na sa College na ito?"

Tumango lang ako sa kanya. I keep on staring at her. She's really beautiful. Nakakaintimidate ang ganda nya. Natawa ako sa sarili ko, bakit ganito iniisip ko? Insecurity lang ba ito o something more.

Solenn: "C'mon. I'll show you around." Sabi nya sakin at hinawakan nya ang kamay ko.

Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya. Actually, gustong gusto ko naman, nahihiya lang talaga ako sa kanya.

Habang naglalakad kami, ang dami nyang tinuturo at pinapaalala sakin, the whole time, nakatitig lang ako sa kanya. Syempre nakikinig ako diba?

Then pagkatapos naming maglibot, niyaya niya akong kumain sa labas. Syempre para na rin sa pasasalamat ko sa kanya, eh pumayag ako.

Nagpunta kami sa restaurant at umorder kaagad kami ng pagkain. Nahalata ko na masayahing tao si Solenn, siguro madami syang friends. Ako kasi wala, pano kasi, palagi ako sa bahay lang, nakakulong, pero choice ko din naman yon kasi ayoko talagang lumabas.

Habang hinihintay namin ang pagkain namin, nag share sya sakin tungkol sa personal life nya at napag alaman ko na bisexual pala sya. Pero never pa syang nagkaroon ng gf or bf.

Open minded naman ako, kaya hindi ako nandiri sa kanya. Total, sa mundong ito, normal lang naman ang mga katulad nila.

Tapos bigla syang nagtanong tungkol sakin. Lahat ng tanong nya ay syempre sinasagot ko, para makilala namin ang isa't isa.

Solenn: "Straight ka ba?" Tanong niya sakin na nagpalaki ng mga mata ko.

Me: "Ako? Syempre naman. Pero hindi pa ako nainlove. Basta ang alam ko, straight ako." Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh, hindi pa ako naiinlove at sigurado akong sa lalaki ako maiinlove.

Solenn: "Don't fall in love with me. Okay?" Sabi niya. Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Mapagbiro rin pala sya.

Me: "No way!" Sabi ko sa kanya.

And then, dumating na ang pagkain namin kaya natigil na ang pag uusap namin at sa food nalang kami nagfocus.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now