Weekend

2.6K 85 2
                                    

GLAIZA POV

Weekend na! Ibig sabihin, madami akong oras para matulungan ang mama ko sa bahay.

Syempre gumising ako ng maaga at tinipon ko lahat ng labahan ko, tapos lumabas ako ng kwarto na dala ang basket na puno ng labahan ko.

Me: "Good morning ma. Asan po yong mga labahan nyo ni papa, maglalaba po ako ngayon."

Mama: "Nako anak, wag na. Dapat magpahinga ka nalang, ako na ang maglalaba."

Me: "Hindi ma, ako na po. Kayo po dapat ang mag pahinga, kasi palagi kayong busy sa pag aalaga samin ni papa."

Mama: "Anak, natural lang na gawin ko yan. Trabaho ko ang alagaan kayo. Dahul mahal ko kayo."

Me: "Sige na ma, ako na maglalaba."

Mama: "Oh sya, sige na nga. Kukuni lang din naman ang labahan namin dahil naglaba na ako nong isang araw. Nasa kwarto lang yon, sa blue basket anak."

Ngumiti ako kay mama at kinuha ang mga labahan nila. Tas pumunta na ako sa likod ng bahay para magsimula na sa paglalaba ko.

Habang naglalaba ako, pangiti ngiti at pakanta kanta ako. Syempre, kasi I love what I'm doing right now. Inabot din ako ng tatlong oras sa paglalaba.

Pagkatapos noon, sa loob ng bahay naman ang inasikaso ko. Naglinis ako, nagwalis at nag rearrange sa konting kagamitan namin.

Si mama naman ay yon, pinagpahinga ko na. Napakasaya ako dahil nakatulong ako sa kanya. Kahit ngayon weekend lang.

Nang matapos na ako sa lahat lahat, saka na ako naligo at kumuha ng libro para mag aral.

Then tumunog yong cellphone ko. Si Chynna pala yong nagtext.

Chynna: "Tol, punta ako dyan sa inyo. Samahan mo naman akong maggala sa mall."

Me: "Si kat?"

Chynna: "Wala, hindi ko makontak. Sige na kasi. Samahan mo na ako."

Me: "Saglit, magpapaalam lang ako."

Chynna: "Nandito na ako sa labas ng bahay nyo."

Tumakbo ako sa kwarto ni mama at nagpaalam. Pumayag naman kaagad ito. Kaya nagbihis na ako at lumabas ng bahay.

Chynna: "Tagal mo."

Me: "Wag kang mag inarte, kasi ang bilis mong pumunta dito eh hindi pa nga ako sure na sasama sayo. Tara na nga!"

Sumakay kami sa kotse niya at nagpunta sa mall. Naglibot libot din kami at saka bumili ng mga trip ni Chynna.

Waldas din ito sa pera eh. Hay nako! Rich talaga.

Tas biglang tumawag si Kat kay Chynna. Sinagot nya naman ito. Nasa beach daw ito at pinapupunta kami.

Nag alangan pa ako kasi hindi naman ako mahilig maggala ng matagal at pumunta sa mga beaches. Pero dahil nandito na ako, at ayoko namang maglakad pauwi, kaya sumama nalang ako.

Pagdating namin doon, nahanap kaagad namin ang cottage ni Kat. Kasama nya family nya.

Ang arte talaga ng friend namin eh, naka two piece ito.

Chynna: "Wow! You're hot!"

Kat: "Sira!"

Me: "Ang sexy mo Kat."

Kat: "Thank you Glaiza. Tara na, kumain kayo."

Ayon, lumapit na kami at nakisalo kasama ang pamilya nya. Buti nga hindi ako nagpants, kaya bagay pa rin ang suot ko dito. Nakashorts ako at naka sleeveless tas rayban pa. Oh diba? Kahit saang lugar bagay ang suot ko.

Pagkatapos naming kumain, naglakad lakad kami ni Chynna. Nandito na lang din kami, mabuti na ang masulit ang araw na ito.

Nagpunta kami sa restaurant ng beach resort na ito, at pareho kaming nagulat sa nakita namin.

Si Miss Rhian at Miss Solenn, kumakain, tapos panay pa ang tawanan.

Nakita kong nalungkot ang mukha ni Chynna. Syempre, crush nya si Miss Solenn diba?

Ako wala namang malisya sakin yan eh. Malay ko ba kung friendly date lang yan. Tsaka wala naman akong right.

Hinatak ko si Chynna papalayo sa restaurant. At doon nagsimula ang kalungkutan nya. Hay nako, buhay ng inlove.

********************************

RHIAN POV

Early in the morning I received a text from Solenn. Excited much ang babaeng ito eh. Sinabi nya sakin kung saang beach resort kami magkikita, at kung anong oras. Kaya nag ready na kaagad ako. Hindi ako excited sa lakad namin kasi hindi naman ako mahilig sa ganito. Ang nagpapaexcite sakin ay si Solenn.

Magiging okay ba ang lakad namin? Hindi kaya siya maboboring sakin? Hay, bahala na nga mamaya.

Naligo ako at nag ayos ng sarili ko. Syempre dahil beach ang pupuntahan ko, nagsuot ako ng shorts at sleeveless at rayban na rin para hindi ako masilaw kay Mr. Sun.

Then nang maayos ko na ang lahat ng dadalhin ko, nagdala din ako ng two piece in case na maligo kami. Siguro naman maliligo kami dahil beach ang pupuntahan namin.

Tapos yon, nakareceive ako ng text na nandoon na sya, kaya nagpaalam na ako sa parents ko, at umalis na kaagad.

Siguro mga 20 minutes drive lang naman sya, at nakarating na kaagad ako. Nasa labas ng gate si solenn at kumakaway sakin. Kaya nagpark muna ako at lumabas ng kotse.

Sinalubong nya ako ng yakap na sobranh awkward para sakin dahil hindi pa naman kami close. Naramdaman nya siguro yon kaya tinanggal nya ang sarili nya sa pagkakayakap sakin.

Solenn: "Sorry, naexcite lang."

Nginitian ko nalang sya, para di naman sya mapahiya. Hindi kasi ako sanay na may ganyang yumayakap nalang bigla sakin.

Pumasok na kami sa koste ko para makapasok na sa resort.

Pagkatapos kong magpark, naglakad na kami papunta sa restaurant dahil nagugutom na daw sya. Buti nalang gutom din ako.

Umorder kaagad kami ng pagkain at sandaling panahon lang, nasa harapan na namin ang mga pagkain.

Kumain na kaagad kami, at habang kumakain, panay ang kwento ni Solenn ng kahit na ano. Sobrang nakakatawa, kaya naman ang ingay naming dalawa.

Masaya palang kasama si Solenn. I'm glad na naging friend ko sya. At sya ang kasama ko ngayon.

Napatingin ako sa labas ng restaurant, I think I saw someone, pero siguro guni guni ko lang yon. Pero baka nga nandito sya kasi diba? Taga dito naman sya. Pareho kami.

After naming kumain, nagpunta na kami sa cottage namin, which is katabi ng cottage ng estudyante naming si Katrina. Nagbeach din pala sila ngayon, siguro nandito din si Glaiza, kasi bestfriend nya ito.

Teka! Bakit ko ba sya iniisip? Eh si Solenn naman kasama ko. Hay buhay talaga minsan magulo.

Nagrelax na muna kami saglit kasi kakakain lang namin at maya maya nagyaya ng maligo si Solenn. Kaya nagbihis kaming pareho ng two piece swimsuit. Sexy si Solenn, at napakaganda, kaya hindi talaga halata na bisexual sya.

Sa corner ng mga mata ko, nakita ko na tinitingnan ako ni Solenn. Nakakahita tuloy. Kaya niyaya ko nalang kaagad sya sa dagat, para sa dagat na sya magfocus.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now