This is it

2.4K 93 11
                                    

GLAIZA POV

Natapos na ako maghugas ng plato at paglingon ko, nakatayo pala si mama sa may likod ko.

Mama: "Anak, bakit kayo magkasama ng maam mo?"

Me: "Ma, ganito kasi yon, assistant nya ako, ako yong gumagawa ng reports at encoding parts nya. Tapos yon, kada gabi after work ko sa restaurant, sinusundo nya ako para pumunta kami sa bahay nila. Ngayon nga lang di natuloy kasi lasing sya. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan sya. Basta pagdating nya kanina sa may restaurant ganyan na sya."

Mama: "Anak, nagdagdag ka pa pala ng trabaho? Hindi mo naman kailangang gawin yan eh. Kaya naman nating tatlo. Baka kung mapano ka nyan. Palagi ka nalang pagod."

Me: "Okay lang ako ma. Kaya ko ito ma."

Mama: "Basta anak ha? Alagaan mo ang sarili mo. Palagi kang kakain sa tamang oras at wag mong papabayaan ang pag aaral mo."

Me: "Opo ma."

Hinalikan ako ni mama sa forehead ko at nag goodnight kami pareho.

Gising na kaya si maam? Pinihit ko ng dahan dahan ang pinto ng kwarto ko. At nakita kong gising na nga sya. Nakaupo sya sa gilid ng kama ko at mukhang confused. Kaya pumasok na ako mg diretso.

Me: "Gising ka na pala."

Rhian: "Yeah. Paano ba ako napunta dito?"

Me: "Dinala kita dito sa bahay kasi sabi mo hindi ka pwedeng umuwi sa inyo dahil lasing ka. Bakit ka nga pala naglasing?"

Rhian: "Ah, ano kasi eh. Si Solenn... ahmmm."

Me: "Okay lang kung ayaw mong pag usapan natin yon."

Rhian: "Mamaya nalang ako magkikwento. Anong oras na ba?"

Me: "It's already 9 p.m."

Rhian: "Uuwi na ako. Malalim na pala ang gabi."

Me: "Hindi na ba ako sasama sayo?"

Tumingin sya sakin. Ay lasing pa sya.

Rhian: "Gusto mo bang sumama sakin?"

Tapos ngumiti pa ito ng nakakaloko.

Me: "Wag nalang. Bukas na."

Nako! Baka naalala nya ang sinabi ko kanina.

Rhian: "Sumama ka na."

Me: "Malalim na po ang gabi."

Rhian: "Edi sa bahay ka matulog."

Me: "Ano? Ayoko nga, hindi ako nakakatulog sa ibang bahay."

Rhian: "Edi ihahatid ulit kita mamaya."

Me: "So ano? Hatid hatiran nalang tayo hanggang umaga?"

Rhian: "pwede rin."

Pareho kaming natawa sa pag uusap namin.

Nagkakatitigan kami na para bang may sinasabi ang mga mata nya. Kaso hindi ako marunong magsabi ng salita na galing sa mga mata.

Kaya I look away, dahil baka sya marunong magbasa, mabuko pa ako.

Tumauyo na ako at inayos ang sarili ko. Then,niyaya ko na sya.

Hinawakan nya ang mga kamay ko and said: "Thank you."

Ang sincere ng pagkakasabi niya. Sagad sa buto ang epekto.

Me: "You're welcome." Bubuksan ko na sana ang pinto. Pero agad nya akong pinigilan at lumapit sakin. Magkaheight lang kami, and she's just 2 inches apart from my face. Sheems!

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon