Work for Her

2.5K 89 12
                                    

GLAIZA POV

Patapos na ang duty ko dito sa restaurant, kaya sobrang excited na ako dahil first day of work ko kay Maam Rhian.

Nagbihis na ako at nagpaalam na sa boss ko, then lumabas na ako sa restaurant.

Nagulat ako dahil nasa labas si Maam Rhian, nakasandal sya sa kotse nya.

Me: "It's you pala maam. Anong ginagawa mo dito?"

Rhian: "Hinihintay ka."

Me: "Bakit naman?"

Rhian: "First night of work mo sakin ngayon diba? Sinusundo kita dahil hindi mo pa alam ang bahay ko."

Me: "Oo nga naman. Tara na maam. Excited na ako."

Akala ko pa naman, magdidate kami. Haha Feelingira.

Rhian: "But first, kain muna tayo."

Yes! Finally. Magdidate kami este dinner pala.

Me: "Okay."

So yon, pumasok na kami sa loob ng kotse nya at pinaandar na nya ito.

I am really happy right now! Solong solo ko si maam eh. Wala si maam Solenn! Walang third party.

So yon, nakarating kami sa isang magarang restaurant. Hindi ko pinahalata sa kanya na kinikilig ako dahil feeling ko, real date ito. Ayee!

Bumaba kaming pareho, at naglakad papunta sa loob. Mayroon na syang pinareserve na table para samin kaya dumiretso na kami doon.

Then she ordered our food. Hay! Sasabog na yata ang puso ko nito. Patingin tingin ako sa kanya habang nagsicellphone. Tapos sya naman busy sa phone nya.

Tapos tuwing magkakatinginan kami, magngingitian lang kami.

Maya maya dumating na ang food namin kaya kumain na kami. Sobra akong nabusog sa sarap ng pagkain dito.

Pagkatapos naming kumain, nagyaya na sya para daw makapunta na kami sa bahay nila. Kaya lumabas na kami at pumunta sa kotse nya.

Habang nasa byahe kami papunta sa kanila, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

She's so beautiful talaga. Sana hindi lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Soon enough, nakarating na kami sa destination namin.

Grabe, ang laki ng bahay nila. Sobrang yaman talaga ni Maam.

Pagkababa namin, pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

Rhian: "Yaya, nasan sil daddy?"

Yaya: "Nasa office pa po. Hindi daw po sila uuwi ngayon."

Rhian: "Ganon ba? Sige po. Salamat."

Hinawakan nya ang kamay ko at nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko. Pero hindi ako nagpahalata sa kanya.

Pumunta kami sa second floor ng bahay nya. I don't know where are we going, basta bahala na sya sakin.

Pumasok kami sa isang kwarto, I bet kwarto nya ito.

Rhian: "This is my room. Tapos yong mesa sa corner, doon ka magwowork."

Sabi ko na nga ba, kwarto nya ito.

Me: "Okay."

Tapos binigay na niya sakin ang laptop nya, flashdrive tapos ang mga papers na gagawin ko.

Then after a while, nagsimula na akong mag encode. Habang sya naman ay busy sa pagbabasa ng libro.

Pareho pala kaming mahilig sa books. Naks!

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now