Serious Talk

2K 77 4
                                    

GLAIZA POV

Nakarinig ako ang ingay sa labas ng kwarto ko, kaya ako bumangon sa higaan ko. Pagkalabas ko, nagulat ako sa nakita ko.

Si Chynna, Solenn, at si Katrina.

Me: "Uy hello guys. I miss you."

Nag group hug kami.

Chynna: "Tol, anyari sa mata mo? Sinong sumuntok sayo?"

Katrina: "Resbakan natin?"

Solenn: "Wag nga kayong ano, si Rhian? Kaya nyong bang resbakan?"

Chynna and Katrina: "Aba syempre hindi. Bakit? Sya ba ang reason nyan?"

Me: "Yeah."

Katrina: "Pakikwento nga, nang maliwanagan tayo."

Alam kong alam ni Solenn ito, syempre, kaibigan nya si Rhian, malamang nakwento na ni Rhian yong nangyari.

Pero yong mga friends ko, kailangan nilang malaman.

So yon, sinabi ko sa kanila ang nangyari, simula sa L.A. hanggang dito. Hanggang sa paghihiwalay namin.

Binatukan ako ni Chynna.

Chynna: "Eh ang shunga mo rin tol eh. Mali na ang inisip sayo, ganon din ang ginawa mo sa kanya. Edi nadagdagan ang problema nyo. Dapat nakinig ka muna kasi sa kanya."

Kat: "Oo nga Glaiza. Pinakinggan mo muna sana si Rhian, bago ka nagreact. Embis na walain ang problema, aba'y dinagdagan mo pa."

Me: "Wala eh, nacarried away na ako."

Solenn: "Nakakainis ka, alam mo ba yon. Walang relasyon yong dalawa, dahil taken si Rhian. Tsaka kung nagkataon man na naging sila, eh syempre ako ang unang kokontra, dahil pareho ko kayong kaibigan."

Me: "Oo alam ko. Actually, salamat sa pag untog nyo sa ulo ko sa katotohanan na ako talaga ang mas may kasalanan dito."

Chynna: "So, pano na yan?"

Me: "I don't know."

Kat: "I don't know mo mukha mo. Mahal mo pa ba?"

Me: "Sobra."

Solenn: "Edi ayusin mo na. Kastress ka."

Me: "I don't know how. Masyado na kaming nagkasakitan. Hindi ko alam kung pano ko sya haharapin ulit, pagkatapos ng pinagsasabi ko kanina."

Chynna: "Hay nako tol. Ako ang namomroblema sayo eh."

Kat: "Para namang kasali tayo sa relasyong ito, pati tayo problemado."

Solenn: "Eh alangan namang pabayaan natin eh parehong gago."

Feeling nila, sila lang ang nag uusap usap.

Me: "Hello, andito po ako, naririnig ko po kayo."

Kat: "Oh, andyan ka pala. Edi kaw ang umayos ng problema mo."

Me: "Ang sweet mo talaga. Kat. Promise."

Kat: "Thank you."

Mabuti nalang talaga may mga kaibigan ako, matalik na kaibigan. Totoong kaibigan. Name it!

Kahit na ganyan ang mga ugali nila minsan, alam kong hindi nila ako iiwan at pababayaan nila. Kaya alam kong tutulungan nila ako.

Me: "Tulungan nyo naman ako. Ano bang dapat kong gawin?"

Chynna: "Sandali mag iisip ako."

Kat: "Ligawan mo kaya ulit."

Solenn: "Naks, ang sweet nyan. Sige yan nalang."

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon