First Day

1.7K 70 4
                                    

GLAIZA POV

I woke up early, syempre, first day of work ko eh. Kaya kailangang magpabilib. Anyway, hindi ako sure sa mangyayari eh. I have to look for Miss Lovi Poe mamaya sa firm.

Naligo na muna ako, and make sure na malinis na malinis ang katawan ko. Tapos after that, pinatuyo ko na ang buhok ko at nag blower ito. Then nag make up ako, yong light lang, para kunwari blooming ako.

Tapos pumili na ako ng damit na susuotin, pinili ko yong simple lang, pero yong presentable naman.

I make sure na talagang magmumukhang business woman ang dating ko.

Then pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako ng kwarto ko. Nagpaalam sa may ari at pumunta sa isang restaurant para kumain. Wala pa kasi akong mga gamit sa kwarto ko.

So yon, mabilisang kain lang ang ginawa ko at naglakad na ako papunta sa firm na pagtatrabahuan ko. Hindi naman kasi sobrang malayo sa tinitirhan ko. Mga 5 minutes walk lang naman sya. Sayang din ang pera kung sasakay pa ako diba?

Anyway, pagdating ko sa firm. I have to look for Miss Lovi Poe, para sa  formality at sa kung anu ano pang kailangan kong malaman.

I am way too early, kasi wala pang tao dito kundi ang security at yong nasa information disk.

Kaya umupo nalang muna ako sa waiting area, para hindi naman ako mahaggard. Sobrang kaba ang nararamdaman ko at excited din ako, syempre, first day eh.

I texted Rhian to tell her na andito na ako. She said goodluck. Alam kong busy sya ngayon, kaya hindi ko na muna sya guguluhin.

Mamaya nalang para madami akong maikwento sa kanya. Diba?

It took 30 minutes bagp dumating ang hinihintay ko.

A beautiful lady approached me. Sobrang ganda nya at ang sexy pa. Para syang model. At nang magsalita sya, doon ko nalaman na sya si ma'am lovi.

Hay expected ko talaga na maganda sya, kasi boses nya palang maganda na eh.

"Hi, Miss Glaiza de Castro. I am Lovi Poe. It's nice to see you here. You finally made it. Now, come with me, let me give you a tour."

Seryosong tao pala ito o nagpapakaprofessional lang. Anyway, tumayo na rin naman ako at simula na ang tour namin.

Malawak pala ang firm na ito. Kaya nakakapagod maglakad. Pumunta kami sa lahat ng sulok ng firm, even sa comfort room.

At sa tour na yon, I keep on staring at her, syempre, para makinig, at saka kailangan nyang maramdaman na nakikinig talaga ako. Kaya may patango tango pa ako.

Then sinamahan nya ako sa magiging office ko, napangiti ako, dahil finally may trabaho na ako, at mukhang kaya ko naman ang trabaho na ito dahil magaling naman ako.

I'm so glad na si Miss Lovi Poe ang nakasama ko, mabait kasi sya.

Pagkatapos ng tour namin, kailangan na naming pumunta sa boss namin, para makilala ako.

Dito na talaga ako kinakabahan, pano kung nangangain ng tao ang boss.

Miss Lovi knock on the door at may nagsalita sa loob na pumasok daw kami. Kaya ayon, pumasok nga kami.

Oh my God! This is it. Goodluck to me. Sabi ko sa sarili ko.

Aftee 2 hours na parang question and answer portion ang nangyari, I'm officially in. Oh diba? Ang galing ko talaga.

Since lunchtime na, sabay akong kumain sa mga ka-teamwork ko. I'm lucky na sa kanila ako napunta.

*****************************************

RHIAN POV

I woke up early syempre, first day of class eh. Kaya dapat maaga ako. Hay, namiss ko tuloy maging estudyante si Mine.

Ang sarap balikan yong mga time na estudyante pa si Glaiza, lalo na yong first meeting namin na sobra talaga akong namesmerize sa kagandahan nya. Hay, parang kahapon lang yon eh. Kinikilig tuloy ako.

Anyway, naligo na ako, at nagpaganda, then kumain ng breakfast alone. Yes! Alone. Kasi kahit nandito pa ako sa bahay ng parents ko, hindi ko naman sila nakakasabay sa pagkain. Kaya solo ako ngayon, as usual.

Pagkatapos kong kumain, nagtoothbrush ako, at naglipstick, then pumunta na ako sa garage para kunin ang kotse ko. At pagkatapos noon, nagdrive na ko papunt ss University.

Sa gate palang nakangiti na ako, dahil ang daming estudyanteng naglalakad sa kung saan saan. Excited na tuloy akong malaman kung sino ang mga estudyante ko.

Pagkapark ko ng kotse ko, nagpunta kaagad ako sa faculty room, at naroon na si Solenn. Mas maaga pa sakin.

Solenn: "Good morning Rhian."

Me: "Good morning too, Solenn."

Solenn: "Kumusta si Glaiza? First day nya ngayon diba?"

Me: "Yes, actually kinakabahan nga ako sa kanya eh, pero alam ko namang magaling sya at kayang kaya nya yon. Pero hindi pa sya nagtetext. Siguro busy pa sya."

Solenn: "Siguro nga. Okay lang yan, sigurado pag nagkaoras sya, kaw kaagad ang unang itetext noon. Okay?"

Me: "Sigurado yan. Anyway, mauna na ako sayo ha? First class ko na eh. See you sa lunch. Sabay tayo ha?"

Solenn: "Sige ba. Okay, see you."

Tapos naglakad na ako papunta sa may pintuan ng faculty room, pero may pahabol pa si Solenn.

Solenn: "Ingat ingat din pag may time ha? Baka mangyari ulit yong nangyari satin dati." Tapos tumawa sya ng malakas.

Me: "Haha, hindi na no? Widely open na ang mga mata ko ngayon, kaya hindi na ako makakabangga ng tao. Kahit sayo pa yan."

Solenn: "Just saying."

Tapos lumbas na ako ng tuluyan.

So ayon, naglakad na ako papunta sa room ko, pero bago pa ako makarating doon, may bumangga sakin.

Nako! Talaga naman no? Inulit pa talaga, kasasabi ko palang na widely open na yong mga mata ko. Pero ganito pa rin ang nangyari. Atleast sa ngayon, hindi na ako ang bumangga sa kanya. Sya lang.

Natumba pa nga sya, kaya tinulungan ko syang pulutin ang mga gamit nya, habang paulit ulit syang nagsosorry.

Hay! Nangyari ulit. Next year nga, aabangan ko din kung ganito ang mangyari.

Nang mapulot na namin ang lahat ng gamit nya, she look at me.

Her: "Sorry po."

She's pretty, pero hindi naman ako namesmerize sa beauty nya, nagandahan lang ako.

Me: "It's okay, it's okay. Go ahead, baka malate ka na sa klase mo."

Her: "Salamat po."

Hay buhay nga naman, estudyante ang nakabangga ko. Tapos biglang may nagsalita sa likod ko.

Solenn: "See? I told yah."

Me: "Hahaha. Bakit parang I have this feeling na ikaw ang may kagagawan noon?" Biro ko sa kanya.

Solenn: "Haha, baka nga."

Tapos tumawa kaming dalawa at sabay na naglakad papunta sa rooms namin.

Hay, buti nalang may friend ako dito sa University. Close friend pa nga eh, si Solenn. We became close friends. Oh diba? Salamat talaga na hindi nasira ang friendship namin nong binasted ko sya.

Mabuti na rin kasi yon, atleast ngayon, nahanap na nya ang true love nya, si Chynna. Oh diba? Natupad din ang pangarap ni Chynna na maging sila.

Naks! Hay, pagdating ko sa room ko, tumunog ang cellphone ko, alam kong si mine na ito, kaya naman kinuha ko kaagad ang phone ko at nang mabasa ko ang text nya, nagdali dali akong nagreply at pinasok ulit sa bag ang cellphone ko.

Then nagsimula na akong magturo.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now