Enrollment

2.3K 92 4
                                    

RHIAN POV

Ang bilis ng panahon, enrollment na pala. Maaga akong pupunta sa University ngayon dahil madami ang mag ienroll.

Kaya ginawa ko kaagad ang morning rituals ko at pagkatapos sumakay sa kotse ko at bumyahe papunta sa University.

Sa may gate palang ang dami ng tao. What a busy day!

Pagkapark ko ng kotse ko, agad akong pumunta sa faculty room. There, ang dami ring nakapilang estudyante, at kasali na doon si Glaiza.

Nagngitian lang kami at si Solenn naman tumabi sakin. Actually, pag dito kami sa faculty, medyo formal sya, hindi nga halata na nanliligaw sya sakin eh. Mabuti na rin yon, kasi nakakahiya naman sa mga tao rito.

So yon, nabusy rin ako sa mga estudyante na lumalapit sakin. Ang dami nila, sa sobrang dami, hindi ko namalayan na lunch time na pala.

Wala rin naman akong ganang kumain kaya hindi na ako umalis sa upuan ko.

Si Solenn naman, nawala bigla.

Si Glaiza naman, umuwi na siguro. Hindi ko na sya makita dito eh. Baka tapos na syang mag enroll.

Kaya nagfacebook nalang ako. Habang busy ako sa pag scan ng feeds, may naglagay ng piece of cake sa mesa ko. Kaya tiningnan ko kung sino nagbigay, it was Glaiza.

Glaiza: "Alam kong hindi ka pa kumakain at wala kang balak na umalis dyan sa upuan mo. Kaya binilhan kita ng cake."

Me: "Thanks Glaiza. Favorite ko ito."

Ngumiti lang sya, at tumalikod na kaagad. Habang kumakain ako ng cake, dumating naman si Solenn, at may dala din sya pra sakin.

Solenn: "What are you eating?"

Me: "I'm eating cake. Bigay ni Glaiza."

Solenn: "Dapat kanin muna kinain mo. Here, I brought you chicken and rice. You eat this first."

Me: "Thank you. But I'll finish my cake first, saka ko na yan kakainin. Okay?"

Solenn: "Okay. Be sure to eat this. Baka sumakit tyan mo."

I nodded at nagpaalam na muna sya na aalis sya.

Nang mawala na sya sa paningin ko. Nakahinga na ako ng maluwag. Aba! Aba! Dalawang tao ang nagbigay sakin ng pagkain, sweet nila pareho.

Kung hindi ko lang kaibigan si Glaiza, baka isipin kong may gusto sya sakin eh, tas nanliligaw sya. Actually, iniisip ko talaga yon. Pero hindi masyado kasi nga, friends lang kami.

Masarap din naman yong dala ni Solenn, pero mas masarap yong cake, kasi ayokong kumain ng rice ngayon eh. Pero kakainin ko pa rin ito, sayang naman.

So yon, kinain ko na rin ang dala no Solenn at pagkatapos noon, nagdatingan na ang mga estudyante ulit, kaya back to work na ulit ako.

*****************************************

GLAIZA POV

Pag enrollment talaga, kailangan ng tyaga. Ang haba ng pila. Kaya maaga akong pumunta sa University para hindi pa madami ang mga tao.

I'm so glad na natapos kaagad ako sa pag eenroll ko, lunch time na pala, kaya lumabas na muna kami nila Chynna at Katrina para kumain.

Mabilis lang kaming naglunch dahil na rin sa pipila pa silang dalawa, nahuli kasi sila eh.

Pagbalik namin sa faculty, nakita ko si Maam Rhian na busy pa rin sa mga estudyante na lumalapit sa kanya.

Nagworry ako sa kanya, hindi pa kasi sya kumakain. Kaya nagpaalam muna ako saglit sa mga kaibigan ko, at lumabas ako para bilhan sya ng pagkain.

Hindi ko alam kung anong gusto nyang kainin, kaya cake nalang  pinili ko. Pagkatapos kong bumili, bumalik ulit ako sa faculty, at timing naman wala na syang kausap. Kaya binigay ko na ito. Buti nalang tinanggap nya.

Tapos umalis na rin kaagad ako. Pasimple ko syang tiningnan sa malayo, habang kinakain nya ito.

Napapangiti pa nga ako, dahil halatang gusto nya ang kinakain nya. Tapos lumapit si Maam Solenn. Hay nako! Napairap nalang ako ng makita kong may dala din sya para kay maam. Pero wala naman akong magagawa, manliligaw sya eh. Kaya talagang mag eeffort sya kay maam Rhian.

Since, hindi ko na trip yong nakikita ko, nagpaalam na muna ako sa friends ko para makapag duty na sa restaurant.

Dumiretso na kaagad ako doon at nagbihis, tapos nagtrabaho na kaagad ako.

Habang busy ako sa paglilinis ng isang mesa. Napatingin ako sa gate ng University at nakita ko ang kotse ni Maam Rhian na paalis na. Kaya napatingin ako sa orasan, alas 5 na pala. 2 hours to go, out na ako. Kaya ganado akong kumilos para bumilis ang oras.

Finally, natapos na din ang work ko. Kaya lumabas na ako ng restaurant. May kotseng nakaparada sa malapit. Parang kay maam Rhian yon ah.

Naglakas ako papalapit dito at saka naman siya lumabas sa kotse nya.

Rhian: "Good evening Glaiza. Can we talk?"

Me: "Sure maam."

Rhian: "In my car sana."

Me: "Okay."

So yon pumasok kami sa kotse nya. I was wondering kung ano ang pag uusapan namin. Sana naman it has nothing to do with my feelings towards her. Nako! Baka mawala na naman dila ko.

Rhian: "Gusto sana kitang tulungan sa problema mo."

Me: "What do you mean? At anong problema ko ang sinasabi mo?"

Rhian: "Financially."

Me: "Ah. Okay naman ako sa trabaho ko eh. Hindi naman ako nahihirapan."

Rhian: "I know, pero alam kong hindi enough ang kinikita mo."

Natahimik nalang ako dahil may puntos talaga sya.

Nag isip isip ako kung papayag ba ako o hindi sa gusto nya.

Me: "Hmm, paanong tulong ang sinasabi mo?"

Rhian: "Kailangan ko kasi ng taga encode ng lahat ng ginagawa ko sa University. Reports, Power Point presentation and etc. Alam kong magaling kang mag computer, medyo nahihirapan kasi akong tapusin ang mga ito, kaya gusto ko sanang magpatulong sayo."

Me: "Yon lang ba? Sige okay ako. Madali lang naman pala, kailan po ako mag start? At saan ko po gagawin?"

Naexcite tuloy ako.

Rhian: "Tomorrow night after ng work mo. Kahit 1 hour or two lang. Sa bahay mo gagawin para nakikita ko."

Me: "Okay po ma'am. I'm in."

Rhian: "Salamat Glaiza."

Me: "Ang bait mo talagang kaibigan. Hulog ka ng langit sakin. Salamat po."

Rhian: "Gusto lang din kitang tulungan. So hatid na kita?"

Tumango nalang ako sa kanya. Pagdating sa bahay, nagpaalam at nagpasalamat ako sa kanya at saka ako pumasok sa loob.

Work for her? I love it! Ibig sabihin I get a chance to be with her for two hours every night. Ayos! Susulitin ko talaga yon.

I told my parents about it, pumayag naman sila, as long as hindi daw ako magpupuyat at magpapagod.

Oh diba? Okay na eh. Sana lang wag akong madala sa bugso ng damdamin ko. Wag sanang mag inarte ang puso ko sa harap nya. Baka mahalata pa niya ang tunay na damdamin ko para sa kanya.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Where stories live. Discover now