Chapter 2: Left Treasures

4.6K 193 8
                                    

Heto na, ang swerte ko talaga. Pinagpala sa akin ang dalawang treasure objects. Ang isang treasure object ay may symbol ng Warm Quirk with color red, and ang isa naman ay may symbol ng Cold Quirk with the color of royal blue.

Kinuha ko ang dalawang treasure objects at inangkin ko na ito. Nagmasid-masid pa ako sa paligid baka may magtangka pang agawan ang aking nakuha.

Sa paghawak ko ng mahigpit, kapag sinabi kong mahigpit talagang mahigpit na mahigpit talaga ang kapit ko naniniguro lang baka maagawan pa, biglang uminit ang isang treasure object as in mainit talaga parang napaso ka sa lava at magma, bigla kong nabitawan ang object na iyon dahil sa init na nadama, napaso at namula ang aking kanang kamay.

Napasigaw ako dahil sa sobrang init. Maya-maya ang isang treasure object naman na hawak ng kaliwang kamay ko ay biglang lumamig gaya ng matigas na yelo, nabitawan ko ito dahil nadama ko ang sobrang lamig ng treasure object parang kinagat ako ng lamig, or should I say, FROZEN BITE.

Alam ko na kung bakit nagkaganito. May hinala na ako kung sino ang gumawa nito.

"Keiara? Keiana?" tawag ko sa dalawa kong kapatid na isang kambal. "Alam kong kayo iyan, kaya't magpakita na kayo!" pakiusap ko sa kanila. Mahilig kasi ang dalawa sa tagu-taguan kaya hindi ko sila makita, magaling din sila sa camouflage kaya easy lang sila.

"Bahala kayo! Akin na ito!" wika ko sa kanila, tinangka kong kunin ang dalawang treasure objects kahit alam ko na ito'y napakainit at napakalamig. I'm so desperate to get and own those treasure objects, because those objects will bring me to the top, and makes me win this game.

"Kunin mo kung kaya mong tiisin ang init at lamig!" sabi ni Keiana , siya ang nagpapainit sa object.

"Sorry Katara kung nasaktan ka namin, ang interes lang naman namin ang dalawang treasure objects na nakuha mo" sabi ni Keiara ang nagpalamig sa isng treasure object kanina. Buti pa si Keiara nanghingi ng tawad bagay sa kaniya ang kapangyarihan niyang Coldness, habang si Keiana ang init parang apoy na sadyang walang awa ngunit kabutihan naman siya. Pareho ko silang close na Sister pati na rin si Korra, speaking of Korra nasan na kaya siya?

"Hindi naman sobrang sakit!" tugon ko sa tanong ni Keiara. Lying to them is better than saying I'm angry of what they've done. Baka sumama pa ang loob ni Keiara.

Lumapit patungo sa akin sina Keiara at Keiana hindi para kausapin ako kundi kunin ang two treasure objects na malapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko na kinuha ang treasure objects at hinayaan ko na lamang makuha ang mga iyon. Umalis na lamang ako ng walang paalam.

"Galingan mo Katara!" pahabol na sabi ni Keiara habang iniwagayway ang kaniyang mga kamay. Papalayo na ako at naglakad papuntang Silangan.

Naglakad ako ng kalahating oras para marating ang Silangan kung saan matatagpuan ko ang ikapitong treasure object. Gamit-gamit ko pa ang dalang compass para hindi na maligaw sa isang malawak at napakalaking kagubatan.

Pagdating ko sa Silangan napadpad ako sa isang kweba na may maraming malalaking bato. Iba't iba ang hugis ng bato at iba-iba rin ang mga kulay ng mga ito.

Alam ko na ang susunod na Treasure Object ay may symbol ng Rockstone Quirk. Kaya't nandito lang iyon.

Halos malito ako at nahirapan sa paghahanap. The Treasure Object was camouflaged on the rocks of the cavern. Hayy! Hirap naman nito. Sa paghahanap ko sa labas ng kweba may bigla akong narinig na isang ingay sa loob. Pumasok ako sa loob para tignan kung sino ang nag-iingay sa loob. Sa dilim ng loob buti na lamang may mga free torches sa labas ng kweba. Agad akong kumuha ng isang torch at ipinahid ang dulo sa dingding ng kweba para uminit at magkaroon ng apoy para magkailaw.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang